Kinaumagahan ay nagpunta ako sa hospital. Isang linggo pa lang akong nag-start dito. Balak ko sanang tawagan si Shiela upang ipaalam sa kaniya na pwede na siyang umuwi dito sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang trabaho. Pero ang alam ko ay may isang taon pa siyang kontrata bago siya makakauwi. At dahil gusto kong malaman niya na pagkatapos ng kontrata niya sa America ay pwede na siyang magtrabaho rito sa Pilipinas, hindi na ako nag-atubiling tawagan siya. Sa oras na ito sa pilipinas ay alam kong lunch time na. Nagri-ring ang number ni Shiela at ilang segundo lang nang sagutin niya ito. Masayang boses ni Shiela ang naririnig ko sa kabilang linya. "Kamusta, Doc. Ashley?" "Heto masaya kasama ang pamilya." huli na nang ma-realize ko na mali pala ang sagot ko dahil biglang tumahimik si Shiela s

