Pumunta ako sa opisina ni Jack upang makausap siya nang maayos. Gusto kong sabihin sa kaniya ng personal ang lahat ng nasa utak ko. Binati ako ng guard pagpasok ko sa loob. Maganda ang company, masasabi kong isa ito sa pinakamalaking kompanya na nakita ko. Nabalitaan ko rin kay Nikki na si Jack na ang humalili sa kaniyang ama sa pagiging Ceo dahil may ibang inaasikaso ang ama nito. Sa edad niyang thirty-three ay naging CEO na ito sa sarili nilang kompanya. Pero kahit ganu'n pa man, hindi pa rin ako humahanga sa galing niyang magpatakbo ng kumpaniya. Bagkus ay kayabangan lang ang nakikita ko sa kaniya. Taas noo akong dumiretso sa information area at walang ngiting nagtanong sa isang babae. Wala ako sa mood, hindi ko magawang ngumiti at lahat ng nakapaligid sa akin ay nadadamay, at dahil ito

