Chapter 28 -Fristcy- “The room is ready, you can rest now Fristcy, I'm in the other unit if you need someone to talk to.?” Salita sa akin ni Robert habang palabas na ito ng aking kuwarto, tumuloy muna kami sa isang hotel sito sa Japan para na rin muna makapagpahinga ako. Narito kami ngayon sa Japan dahil sa may business trip dito ngayon, kabisado ko naman ang lugar nito kaya hindi maaalis sa akin ang kabahan dahil maari may makakita sa akin dito, pero hinayaan ko lang din muna ang mga ito at kung hindi naman nila ako kakausapin ay wala kong pakialam sa mga ito. May mga negosyo din kasi ang aming pamilya dito, at ang alam ko ay dito rin nagpapatayo ng bagong mall sina Enzo ang pinsan kong sobra din ang pagiging babaero, ang alam ko pa nga ay naging kaibigan ito ng aking asawang si Migue

