Chapter 29 -Miguel- Halos tatlong araw akong hindi umuwi ng mansion ko dahil sa ayokong masaktan si Megan, dahil sa pag-alis ng aking asawa sa mansion naming ay siguradong may ginawa na ito. Wala pa akong ibidensiya pero sa tingin pa lang ng ina nito sa akin ay alam ko na rin na meron nga. Saka isa pa kailangan kong gumawa ng paraan kung paano ko magagawang patunay ang aking sarili sa mga De Lana, kailangan kong tumupad sa isang kasunduan kaya wala kong dapat gawin ngayon kung di ang mag-tiis na hindi ko muna makikita at makakausap ang aking mahal na asawa, pero pinapangako ko sa aking sarili na ibabalik ko ito sa buhay ko kahit ano pa man ang mangyari. Hindi ako mapapagod na patunay sa buong angkan nito kung gaano ko to kamahal at ito lang din ang babaeng pinapangarap ko sa buong buhay

