CINDY POINT OF VIEW Natuloy sila Papa sa Japan, kasama niya ngayon si Sean at tatlong araw silang nandoon. Hindi naman ako gaanong close kila Tita Angel kaya umuwi muna ko sa amin. Ako ang tumingin sa kumpanya at kahit isang araw pa lang ang dumadaan ay para na kong nanghihina. Miss na miss ko na si Sean at parang nananadya ang oras sa sobrang bagal. "Nick?" Gulat kong tingin sa kanya nang maglapag siya ng kape sa table ko. Nakangiti lang siya at minostrahan akong basahin ang nakasulat sa baso. "Sorry?" basa ko. "Sinabihan mo na kong hindi ka nagpapaligaw pero nagpumilit pa rin ako." "Ha? Wala 'yon. Ako nga ang dapat na mag-sorry sa'yo. Natanggal ka sa trabaho dahil sa akin," nahihiya kong sagot. "Ibinalik niya naman ako." "Ni Sean?" gulat kong tanong. "Oo, at nagulat nga ako noong

