SEAN POINT OF VIEW "Kaya mo pa?" tanong niya habang inaabutan ako ng tubig. Kinuha ko 'yon at in-straight ang inom. Pagod na pagod ako sa nangyari kanina. Kung alam ko lang na gano'n pala ang laro doon ay hindi na ko nagyaya pa doon. Nakalimutan niya naman na ang pagpunta do'n. Bakit ko pa ba kasi nabanggit? "Buhatin mo ba naman kasi ko palabas," nakatawa niyang sabi at naupo sa tabi ko. Nakangiti ko siyang tinignan sabay agaw ng hawak niyang isa pang tubig. Ininom ko rin 'yon na ikinatingin niya nang masama. "Aisst, nauuhaw pa ko, e." "Akala ko ayaw mo na." Tinawanan ko siya pagkatapon ng mga bote sa basurahan. "Kumain na lang tayo. Gusto mo?" "Ayoko pa, gusto ko pang lumibot." "Hindi ka pa nagugutom?" "Hindi pa." Tumayo siya at nginitian ako. "Gusto mo bang pumunta sa dati nating

