CINDY POINT OF VIEW "Sinabi mo kay Sean?" nakatawa niya pang tanong habang ako, heto at masisiraan na yata ng bait. Mula noong sinabi ko kasi kay Sean ang nangyari. Hindi na siya kumikibo kahit pa magpatawa ko o magalit ako. Parang wala lang siyang pake. "Totoo ba?" Tawang-tawa pa rin siya. "Oo nga, Phil," inis kong sagot sa pagtawa niya. "Bakit kasi sinabi mo pa? Masyado ka namang honest." Mas lumapit pa siya sa lamesa at mukhang nage-enjoy pa sa nangyari. "Asawa ko siya at hindi ako komportableng may nililihim. Lalo na sa gano'ng bagay," kunsumido kong paliwanag. "So, kailangan ko na bang matakot?" Ngisi niya sabay crossed arms. "Sinabi ko sa kanyang 'wag kang sugurin." "Okay, pero gumawa ka pa rin ng wall sa pagitan namin," tumatango-tango niyang sabi. "Sorry na nga! Mababaliw

