3RD PERSON POINT OF VIEW "Maiwan ka dito. Kami ang bababa." "Ayoko! Sabi mo 'wag akong bibitaw sa'yo?" angal ni Cindy at mas hinigpitan pa ang paghawak sa kamay ni Sean. "Cindy, hayaan mo muna kong makabawi. Babalikan kita dito, pangako ko 'yon. Ayokong malagay ka ulit sa panganib." Gusto pang umangal ulit ni Cindy pero hinigit siya agad ni Sean at niyakap nang sobrang higpit. "Babalikan kita," bulong nito bago siya halikan sa nuo. Kinakabahan si Cindy sa gustong mangyari ng dalawa. Dahil alam niya na isang maling galaw lang ay mawawala na nang panghabang buhay si Sean sa piling niya. Marami ang kalaban at dalawa lang sila. Kahit pa kasing sabihin na magaling lumaban ang dalawang lalaki ay wala pa rin 'yon kung marami namang dalang baril ang kalaban. "Let's go." Nagtungo sila papu

