FIFTY-SIX

3066 Words

CINDY POINT OF VIEW "Magkaaway na naman kayo?" tanong ni Phil habang nakatago kaming dalawa sa isang gilid. Kanina pa kami nandito at nag-aabang na dumating ang isang grupo na nasa bago niyang lead. Hawak niya ang litrato at kanina pa sulyap nang sulyap. "Bakit kasi kailangan pa nilang ipilit ang anak nila kay Sean?" inis kong kwento. Mahinang tumawa si Phil na ikinatingin ko nang masama. "Aminado naman akong nagseselos, okay?" "Mag-asawa na kayo. Wala na silang magagawa." "'Yon na nga, e. Mag-asawa na kami pero may umeepal pa rin!" "Ikaw din naman, balita ko pinuntahan ka pa ng daddy ni John." "Wala lang naman 'yon," matipid kong sagot saka umirap. "Bakit kasi pinapansin niyo pa sila?" "Eh, paano ngang hindi?" sarkastiko kong sagot habang nakamostra. "Ang tiyaga niyo rin kasi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD