CINDY POINT OF VIEW "Wifey! Bilisan mo!" sigaw niya mula sa garahe. "Teka nga lang!" inis kong sigaw pabalik. Kanina pa kasi siya madaling-madali samantalang wala naman kaming pasok ngayon. Inaya niya lang akong lumabas tapos minamadali pa ko ngayon. "Hindi ka pa rin tapos?" Silip niya sa pintuan. "'Wag ka na gaanong mag-ayos kasi maganda ka naman na." Pang-uuto niya pa. Lumapit siya sa akin at saka ko hinawakan sa magkabilang balikat habang nakatitig sa reflection naming dalawa sa salamin. Bigla kong naalala 'yung unang pagtitinginan naming ganito sa salamin. Nakasuot ako noon ng blue sparkling dress na bigay ni Mama at nalilito kung ano nga ba 'yung kakaibang nararamdaman ko tuwing malapit siya. Hindi ko inexpect na 'yon na pala ang simula. "Nagbago na ang isip ko. 'Wag na kaya t

