FIFTY-FOUR (SPECIAL CHAPTER)

3479 Words

3RD PERSON POINT OF VIEW (FOUR CARDS SPECIAL) "Paanong napunta kay Amanda si Momoy?!" Kanina pa kunsumido si Sean at hindi mapakali sa paglakad. Ilang araw na rin kasing hinahanap ni Cindy ang aso at nauubusan na siya ng dahilan. Ubos na rin ang pasensya ni Cindy at kung hindi niya mailalabas ang aso ngayong araw ay siguradong World war III na ang mangyayari. "Itanong mo sa bugok na 'to." Tinuro ni Xander si Will na kanina pa nananahimik. "Bakit ako?! Malay ko bang dognapper na ngayon si Amanda!" maagap na sagot ni Will. Pinagpapawisan na siya ngayon nang malagkit dahil sa matalim na tingin nina Sean at Xander. "Bakit ba galit na galit kayo kay Will? Kasimple lang naman ng problema niyo. Edi kuhanin natin," sabat ni Phil bilang pagtatanggol sa kaibigan. "Kunin niyo," utos ni Sean.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD