CINDY POINT OF VIEW "Kamusta ka?" tanong ko kay John na hindi maipinta ang mukha kanina pa. Kanina pa rin siya irap nang irap sa akin na para bang may ginawa akong mali sa kanya. "Bakit nakipagkita ka pa kung hindi ka naman pala makikipag-usap nang matino?" inis ko ng tanong. Sumulyap siya sandali at umirap na naman. "Ano ba, John?" Inilapit ko na ang mukha ko sa kanya. "Waiter!" tawag niya lang at hindi pa rin ako pinansin. "Galit ka ba dahil bumalik ako sa kumpanya ng asawa ko?" "Mukha ba?" sarkastiko niyang balik na ikinatawa ko na nang mahina. Sumandal ako at tinignan siya nang diretso. "So, galit ka na niyan? Samantalang ako nga ang dapat magalit dahil binugbog mo ang asawa ko." "He deserves it," suplado niyang sagot. "Besides, you're now my personal assistant, right? Pero an

