CHAPTER 33

3273 Words

CINDY POV "Cindy, I know you are trying to avoid this conversation. Pero magulang mo pa rin kami. We need to know kung bumalik ba talaga ang sakit mo." Nakakrus na ang mga braso niya at seryoso na ang mukha. "Hindi ko alam kung kanino niyo 'yan nalaman pero totoo po talaga ang sinasabi ko. Matagal na kong walang sakit." "Then explain this." Masungit niyang inagaw ang braso ko. "Ano 'yang tahi sa braso mo?" Tinaasan niya ko ng kilay. Nahulog ang jacket na sinabit sa akin ni Sean kaya yuon ang ginawa kong dahilan para bawiin ang braso ko. Kunyari ko 'yong pinulot sa lapag at sinuot. "Cindy." Madiin na ulit siyang magsalita. "Wala lang 'to, ma. Nahiwa lang ako." "Cindy, ayokong sumasali ka sa gulo. Alalahanin mo, may asawa ka na. Ayokong mabalitaan na may nangyaring masama sa'yo lalo na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD