Prologue

273 Words
Summer 1966, Balabac, Palawan, Philippines. Marahang tinupi ni Lorena ang sa tingin niya'y pinaka-huling telegramang matatangap niya. Dumating kahapon ang isang kartero dala ang sulat para sa kanya na labis niyang ikina-gulat dahil galing pa iyun sa Middle East.  At makailang-ulit  na niya itong binabasa pero hindi parin tuluyang ma-absorb ng utak ang nakasaad doon. Pagkuwa'y isinama ito sa iba pang mga sulat na nakalagay sa isang maliit na kahon. Pinaghalong mga sulat ng pagpapahayag ng pag-ibig, sulat ng pamamaalam at paghingi ng paumanhin. All came from two people which she recieved all together in less than a year.  Maya-maya'y pinahid ang ilang butil ng luhang hindi niya namalayang nag-landas sa pisngi bago kunin sa mesa ang nag-iisang sulat na natanggap galing kay Antonio Garcia. Pinasadahan ito ng mga mata. Ang liham ng paghingi ng paumanhin at paliwanag sa kung ano ang opinion at pananaw sa mga pangyayari, in plain tagalog.  Muli ay naroon ang pamilyar na paninikip ng dibdib. Tila naging mapaglaro ang tadhana para sa kanya at sa ikalawang pagkakataon ay naiwan siyang luhaan. Humugot siya ng malalim na hininga at tumingala upang pigilan ang nagbabadyang muling pagpatak ng luha. Hindi makakatulong sa kalagayan niya ang ginagawang pag-iyak. Ibinaba niya ang sulat ni Antonio at dinampot sa kahon ang dalawang pinaka-importanteng liham. Maya-maya'y dinala sa dibdib na tila sa pamamagitan nun kahit papano'y magkaroon siya ng kaunting lakas. Para siyang unti-unting nauupos kapag pumapasok sa isip ang laman ng dalawang sulat na nanggaling sa dalwang magkaibang tao. Isang hindi nagkaroon ng lakas ng loob upang ipaglaban ang isinisigaw ng puso at ang ikalawa na mas pinili ang akuin ang hindi nito responsibilidad para sa naiwan ng yumao nitong kaibigan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD