Chapter I: Fit in

2108 Words
Abu Dhabi, 2015  Lorena Faith took a long, deep breath, her eyes still closed, letting the hot air of Abu Dhabi fill her lungs. Nakatayo siya sa isang panig ng mahabang dalampasigan ng corniche. Both arms were outstretched, mimicking the Christ the Redeemer statue in Brazil. Hinahanap ng tainga ang hampas ng alon ngunit sa halip ay tunog ng mga nagdaraang sasakyan sa likod ang naririnig. She wondered where she could find peace at this goddamn place. Pilit pinaglaban ang disappointment dahil sa man-made na beach sa harapan. Kung matatawag bang beach ang tila nakatambak na tubig sa tabing kalsada sa parteng iyonng corniche road. Overlooking the famous Abu Dhabi's Etihad Towers imbes na walang hanggang dagat. Two weeks ago, she was exactly doing the same thing pero totoong dagat ang nasa harapan. Nakagawian na niya iyon kapag nais niyang payapain ang kalooban. She wanted to hate herself for this decision of hers at kung bakit nahihirapan siyang mag-adjust ngayon. But who's to blame. Kasalanan ba niyang gustuhin niyang makalimot. She was living a not-so-extravagant life in the Philippines,pero sapat upang sabihing kontento siya kung ano ang meron. May stable na trabaho bilang supervisor sa isang local resort sa Bolinao, Pangasinan. At hindi rin masasabing naghihikahos dahil may sariling fishponds ang lola niyang si Lorena na ang iba'y pinapaupahan. Her mother Faye, also have her own job. She doesn't have any financial problem, hindi tulad ng ibang Pinoy na piniling lisanin ang sariling bansa. But she has her reason kung bakit siya nakapag-abroad nang wala sa plano. Faith took another long deep breath at sinariwa sa isip kung bakit sinunggaban niya ang pagiging guest relation officer sa isang casual restaurant sa UAE, makaalis lang ng Pilipinas. There's a tiny part deep inside her heart that keeps on bothering her. What if hindi niya pinairal ang galit at pride? What if she convinced Daniel that she's willing to fight for their love? Iyonnaman dapat ang ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan, hindi ba? Dumarating sa point na sinusubukan ng tadhana kung gaano katatag ang pundasyon at pagmamahalan ng dalawang indibidwal. What if she did those things? Would they be able to surpass everything? Will it make any difference? She took a long, deep breath once more at mapait na ngumiti. Puro mga what ifs. Kasabay nang pagmulat ng mata'y siyang pagkarinig sa sunod-sunod na busina ng sasakyan. Awtomatikong humarap siya at nagulat nang makita ang isang nakaparadang bagong-bago naitim na Ford mustang sa tabing daan. Alam niyang common na ang makakita ng ganoong klase ng mamahaling sasakyan sa bansang ito pero hindi pa rin niya mapigilan ang sariling hindi humanga. Bumaba ang bintana sa may driver's seat at sumungaw ang isang local. Tawag sa mga native na Emirati. Nasabi niya iyon dahil sa suot nitong puting kandura at ghutra sa ulo. Sumenyas ito na lumapit siya pero hindi tuminag si Faith. Isa sa mga bagay na napag-alaman niya ay ang mababang tingin ng mga Emirati sa mga kabayan sa bansang iyon. Na kesyo mababang-uri ang mga Pilipina, pangkatulong, nakukuha kapalit ng mababang halaga. Which freaked her out at first. Nang hindi siya lumapit ay nagsalita ito. "You want to take a ride?" anito sa matatas na Ingles. Oh well, mukhang isa ito sa mga sinipag na local na mag-aral abroad at maganda ang English diction. At hindi lang 'yon, may itsura ito para mang-hook ng babae kung saan. Kahit medyo may kadiliman ang kinapaparadahan at kalahati lang ng kabuuan nito ang nakikita ni Faith ay nagawa pa rin niyang suriin ang lalaki. He has perfectly thick eyebrows paired with deep-set eyes, na kung lalapitan niya malamang ay mapapatunayan niyang may malalantik na pilik-mata. Tila nais niyang mainggit knowing na mas maganda ang mga mata nito. Na binagayan pa ng matangos na ilong at manipis na labi. Hindi gusto ng dalaga ang may stubble sa lalaki. Feeling niya ay oa iyon at dugyot, but with this man, tila lalong nakadagdag iyon sa lalaking-lalaking dating nito. But an Arab man? No way! Tinalikuran niya ito at naglakad patungo sa kabilang direksiyon.Narinig pa niya ang pagtutol ng lalaki ngunit hindi niya ito pinansin. Wala siya sa mood magtaray ngayon at gusto niya ng peace of mind. Parang ina-absorb pa rin niya ang katotohanang nasa abroad na nga siya. "Hay! Sana ako nalang ang pinalad na mapasama sa convention at nang matupad na ang pangarap kong rags to riches na love story." Hindi napigilang taasan ng kilay si Faith sa tinurang iyon ng kasamahang hostess na si Gem. Ang tinutukoy nito'y isang event na gaganapin sa Emirates Palace Hotel kung saan dadalo ang ilang elite people ng Emirates. A few days ago, lumapit sa host area si Rain upang tanungin kung sino sa kanila ang nais mag-parttime bilang usherette. Si Gem ang unang nagboluntaryo pero hindi umakma ang schedule nito. Nagkataong double off siya sa magkasunod na araw bilang employee of the month kaya pinakiusapan siya ng kasamahan. Tumanggi siya noong una dahil bukod sa plano niyang magpahinga'y hindi niya hilig ang mga ganoong okasyon. Pero hindi niya napahindian ang kasamahan. Kompleto na daw kasi dapat ito ng staff pero biglang nag-back out sa last minute ang isang kasama due to some reasons. Ayaw naman niyang masira ito sa part-time nito. Tutal natutulungan siya ni Rain sa kusina kapag may take-away orders siya. Bukod sa mabait na'y alam niyang kailangan nitong kumita ng extra. Hindi lingid sa kaalamang mas mababa ang sahod ng kitchen staff kaysa sa kanilang nasa frontline. "Sabi na kasi sa'yo ibigay ko nalang ang off ko tapos ikaw nalang ang magpunta." Sumimangot ang dalaga na kasalukuyang nakapangalumbaba sa reception. Ilang beses na niyang sinita ito na bawal ang ginagawa pero hinayaan nalang niya. Mabuti nalang at nasa opisina ang amo plus wala silang masyadong guest. They can relax for a bit. Pambawi sa weekends na halos gumulong sila sa sobrang dami ng tao. "Na parang papayag sila." Nakalabing-turan nito. "Lalo na ang boyfriend mo na napakaistrikto." Saka binuntunan ng tawa dahilan upang magusot ang ilong nito. "Excuse me, hindi ko siya boyfriend! At kahit siya na ang huling lalaki sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa Saife na 'yon." Gem made face sa pagkakabanggit sa isang supervisor. May love and hate relationship kasi ang dalawa. Laging nag-aargumento pero panakaw namang sumusulyap sa isa't-isa. "At nasa first name basis na kayo." Tukso niya. "Huwag naman kayong masyadong pahalata sa feelings niyo. Alam niyo namang bawal ang hostess-manager relationship." Umunat ito sabay taas ng dalawang kamay sa ere. "Please don't say bad words!" May pigil na ngiti sa sulok ng labi ni Faith. "Huwag lang sanang dumating ang araw na lunukin mo yang mga salitang 'yan, huh." She warned. One thing she learned in life: MAHIRAP MAGSALITA NG TAPOS. Iwinasiwas nito ang kamay bilang pag-dismiss ng topic. "Basta 'pag may pogi kang nabingwit at hindi mo type ipasa mo sa'kin, huh." Gem Ocampo is just twenty-two years old. Very young and attractive. Sa kabila ng matangkad at mabulas ang katawan ay halatang bata pa ito. Minsan ay kinaiinggitan ni Faith ang physical appearance nito. "Sira ka talaga. Trabaho ang ipupunta ko doon." aniyang napapailing-iling. "Naku, malay mo naman do'n ka na din makahanap ng taong muling bubuo ng puso mo." She winked at her. Hindi pinansin ang tinuran niya tulad ng nakagawian nito sa tuwing aasarin niya ito. "I doubt that." She said brokenly. Nakuwento na rito ni Faith ang tungkol sa buhay niya tulad ng ganoon din ito sa kanya. Nag-click agad sila sa isa't-isa nang magkakilala dahil halos magkasundo sila sa lahat ng bagay. Magkasama sa accommodation. Bukod pa sa pareho silang mula sa probinsya ng Pangasinan. "Tsk. Tsk. Don't close your heart to any possibility, ya Faith. Hindi dahil sa nasaktan ka dati, at hindi pinalad ang lola at mommy mo sa love life nila ay matutulad ka na sa kanila. Naku, ang ganda-ganda mo kaya." Gem is not being exaggerated. Nang una niyang makita ang kasamahang si Faith ay nagulat siya na Pilipina ito. Why she portrayed the classic middle eastern beauty. Almond-shaped striking eyes, straight nose, well-defined jawlines, thick arched eyebrows in a symmetrical oval face. Mahahaba ang pilik-mata na hindi na nito kailangang lagyan ng mascara, dahil natural na malalantik iyon. And natural sexy lips. "You just have to continue trying, Faith. Malay mo, you could be the one who is destined to make the difference. And then you'll have the best love story any girl would long to hope for." "And that's the longest and most senseful advice I've ever heard from you." Isang malamyos na tawa ang pinakawalan niya. Hindi ito umimik at sandaling napatitig sa kanya. "Just go with the flow my friend." Turan nito bago salubungin ng pagbati ang guest na kakapasok lang sa restaurant. Naiwan siyang natitigilan. Make the difference? Can she? Who knows! But in the UAE? At sa kalagayan ngayon ng puso niya? Hindi nga niya alam kung kakayanin pa niyang muling magtiwala. Her heart might fall in love someday. Pero ang trust? Mukhang mahihirapan siya sa aspetong iyun. "Al- as-Sayyid aṣ-Ṣaghīr, your room is ready. Would you like to come up now?" Walang tugon mula kay Rouhi na nanatiling madilim ang mukha. Napailing nalang si Russel nang hindi siya pansinin ng amo at sa halip na dumiretso sa loob ng hotel ay tumalilis ito. Sinenyasan niya ang dalawang bodyguard, na nag-umpisang sundan sila mula nang manggaling siya sa villa ng mga bin Futtaim, na hayaan lang ang binata. At siya ang mag-isang sumunod. Nagkatinginan muna ang dalawang malalaking lalaki, nasa mukha ang alinlangan pero sa huli'y tila robot na tinungo ang lobby ng hotel. Mahirap talagang i-deal si Rouhi kapag ganoong wala ito sa mood. Ilang araw na silang palipat-lipat ng hotel mula nang dumating sila mula sa South Dakota kung saan hawak ni Rouhi ang main branch ng Bin Futtaim Oil Reserve. Maganda ang performance na ipinakita ng binatang amo kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito biglang pinauwi ng ama dito sa UAE. Kung anuman ang dahilan ng ikinagagalit ng mag-ama'y hindi niya matukoy dahil nasa labas siya ng opisina ni Mr. Ahmed, ang ama ng binata. Ang alam lang niya'y galit na lumabas ng opisina si Rouhi at tinungo ang sariling sasakyan leaving him behind. Ilang oras din itong nawala bago siya tawagan para papuntahin sa hotel na tinutuluyan. Ang Emirates Palace Hotel ay pangatlo ngayong linggo lang na ito. Kung isang ordinaryong empleyado at kung hindi pa niya kabisado ang ugali ng amo, malamang matagal na niyang nilayasan ito. Sa tagal ng pagiging bodyguard ay siya lang ang tanging naiwan. Kung hindi si Rouhi ang kusang nagpapalayas ay kusang lumalayas ang mga empleyado. Mabait ang amo, madalas nga lang tupakin. At kung tutupakin ito'y dumistansya ka lang. Iyonang natutunan niya sa tagal ng paninilbihan dito at siyang mahigpit na bilin ng tiyuhing si Antonio na siyang nagrekomenda sa kanya kay Rashid bin Futtaim noong nabubuhay pa ito. Ayaw man niyang magbuhat ng sariling bangko pero ramdam niyang nirerespeto siya ni Rouhi sa kabila ng ilang taong agwat lang nila. Though hindi sila nagkakausap ng personal, ay sapat nang tinanggap nito ang serbisyo niya. Isa sa mga rason kung bakit siya nakatagal sa binata. Natural din dito ang tumulong lalo na sa mga kapos-palad sa ilang mahihirap na bansa. Ang totoo niyan ay isa si Rouhi sa malalaking donor ng mga charitable organization sa mga mahihirap na bansa sa kabila ng pagtutol dito ng ama. Bilang pangalawang anak ni Ahmed Mansour bin Futtaim, ang nagmamay-ari ng isa sa malaking Oil Company sa Gulf region ay nakaatang dito ang malaking responsibilidad bilang next in line sa panganay na anak na si Ahmed Rashid bin Futtaim. Sa kabila nun ay nagagawa pa rin nitong magliwaliw sa iba't-ibang bansa. Isang pribilehiyo na maging siya'y nagtatamasa. Nadatnan niya ang hinahanap sa isang panig ng hardin sa harap ng hotel habang humihithit ng sigarilyo. Isang ikinabilib niya sa binata sa kabila ng pagiging Arabo'y madalang itong manigarilyo. Only in time that he's stress and mad. Totoong kahit papano'y malapit siya rito pero ayaw naman niyang isipin nitong nagmamalabis siya. His salary and all the benefits he receives at the end of each month allow his family to live a slightly extravagant life in the Philippines, which is enough reason for him to continue serving him. Bonus nalang marahil na pinagkakatiwalaan siya nito. Humakbang siya paatras at pumihit. The day is over. Hindi na ito bata upang sabihing kailangan nang matulog. Alam niyang anytime ay aakyat ito sa sariling kuwarto. Sa lobby nalang ng hotel siya maghihintay. Hahayaan niya na munang humupa ang init ng ulo ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD