Martin’s P.O.V I didn’t know that man is really serious. Pinunasan ko ang ilong ko na dumudugo. Napuruhan akong masyado sa ginawa niya. I sighed and scratch the back of my head. Pero hindi ko talaga inaasahan na pupuruhan niya mukha ko. Bwisit! “Oh! Anong nangyari sa mukha mo?” Tanong ng manager ko at lumapit sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nalaman ko na rin ang pangalan niya. Si Adele. Iyan ang pangalan ng bagong manager ko. Napabuntong hining ako. “Sinapak ni Ralph,” sabi ko. Napataas ang kilay niya. “Ah!” Ayun lang ang reaksyon niya? Nakita ko ang pag ngisi niya. “Sino bang hindi? Kasalanan mo rin naman kasi.” “Oo! Alam ko at isa akong isa’t kalahating tanga!” Nakasimangot na sabi ko. Ngumiti siya at tumango-tango. “That is right! Dapat aminin mo na ganun kang tao!”

