Jacky’s P.O.V Pagbalik namin ng Manila ay pinakilala ko si Marian sa mga magulang ko. Nakapag adjust na rin kaagad sila Tatay at Nanay sa bagong tinitirhan nila kasama ko. At madalas pumupunta din si Marian sa bahay. “Dae! Ang gwapo ng Tatay mo! Parang hindi halatang farmer! Parang artistahin! Nanay mo naman kamukha mo!” Sabi ni Marian. Napangiti ako. “Of course, kanino pa ako magmamana edi sa magulang ko din,” sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya. “True!” sabi niya at tumabi sakin sa sofa. Hindi ko alam kung saan angpunta si Tatay. Sabi niya kasi may kaibigan daw siya dito sa maynila na kakausapin niya. Si Nanay naman ay nasa kusina at nagluluto. “So kamusta naman ang manliligaw mong foreigner?” Tanong niya. Ngumiti ako at nagkibit balikat. “Okay naman. Pero wala masyadong bago sami

