Chapter 19

3466 Words
“A morning text doesn't only mean Good Morning. It also means, I think about you when i wake up.” When Karylle woke up she decided to text Vice this quote. Napangiti siya hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Vice, naghilamos na siya at lumabas para magluto ng agahan. Ngayon lang siya naging masaya everytime that she will wake up. Yung pakiramdam na may isang tao na andiyan sayo nakikita mo bago ka matulog at pagka-gising. Someone that will put smile in your lips and that is Vice. Sa sobrang haba na panahon na naging malungkot siya para bang nawala na lang ng isang iglap ng pagdating ni Vice sa buhay niya. Kimi siyang napangiti habang nagbabate ng itlog, she didn’t imagine na si Vice na masungit, mataray at pilosopo ay mapapaamo niya na parang tupa. Kahit si Mumay ay love na love na nito, ito pa nga nagpapaligo dito minsan sobrang close na din sila. Napapakanta pa siya ng Ikaw ni Yeng habang nagluluto, dedicate niya kasi talaga yung kanta na yun kay Vice swak na swak kasi ang meaning nito sa nararamdaman niya ngayon. Muntik na siyang mapakembot sa gulat when someone hugged her from behind. Inaamoy-amoy pa nito ang buhok niya. “Goodmorning myloves.” Sobrang lambing na sabi ni Vice, muntik naman mangisay si Karylle sa sobrang kilig dahil ang masculine talaga ng boses ni Vice ang husky pa. “G-good m-morning din.” Pacute na sabi niya, para kasing nanginginig na ang baba niya sa sobrang kabalig pinagsama ba naman na kaba at kilig. “Bakit ang sweet mo ang aga-aga kinilig ako?” he said, Karylle can feel the warm breathe of Vice on her cheeks sobrang lapit kasi nito nakapatong ang ulo nito sa balikat niya. “Eh nagustuhan ko lang kasi yung quotes, para sayo” nahihiyang pag-amin ni Karylle. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Vice iniharap niya si Karylle sa kanya. “Bakit ako ang unang iniisip mo when you wake up?” curious na tanong ni Vice, napapakagat pa siya sa labi niya. Ewan ba niya grabe talaga tong babaita na to, iba talaga ang nagagawa sa kanya. Yung quote na nareceive niya halos gumulong-gulong na siya sa kama niya kanina ng mabasa niya ito pagkagising pa lang niya. Halata naman nahiya bigla si Karylle dahil napayuko ito pero iniangat din ni Vice ang ulo niya para magtagpo ulit ang mga mata nila. Tinignan niya si Karylle na parang tinatanong na ano na ang sagot niya. “K-kasi hmm nahihiya ako.” Napayuko ulit si Karylle. Hinawakan siya ulit ni Vice sa baba at iniangat ulit ang ulo niya, nilapit niya ng bahagya ang mukha sa mukha ni Karylle. “Please, I wanna know.” Vice begged to know the answer. “Eh k-kasi y-you’re the one who made me smile before I sleep s-saka pumapasok ka sa utak ko bago ako matulog. S-aka hmm” nahihiyang sabi niya nauutal pa paminsan-minsan then she stopped. But Vice did not respond he’s still waiting for the continuation ng sasabihin nito. “Saka?” hindi na nakapaghintay si Vice. “Kaya y-yun pagising ko lumalabas ka sa utak ko at ginigising ang puso ko.” Napatakip naman ang kamay ni Karylle sa bibig niya. Unti-unting sumisilay ang kilig na ngiti sa mga labi ni Vice. Vice pinched her nose, ang cute ni Karylle everytime na ginagawa niya ito ang bilis kasi mamula ng ilong nito. “Ang aga talaga ang saya ko na. Alam ko nararamdaman ko na mahal mo na din ako.” Tinanggal ni Vice ang nakaharang sa labi ni Karylle ang kamay nito to give way sa labi niya, he gave Karylle a morning kiss and hug. “Ayyyy.” Napasigaw si Karylle kaya naman naghiwalay na ang mga labi nila, nasusunog na ang itlog na niluluto niya. “Ayan nasunog ang itlog natin.” Natatawang sabi ni Vice. “Ikaw kasi eh.” Paninisi ni Karylle. “Ikaw nga nauna eh. Pinapakilig mo ako ng sobrang aga.” Tinulungan niya na alisin ang nasunog na itlog si Karylle at sinabi dito na maupo na lang siya at siya na lang ang magluluto. Pinagtimpla pa ng kape ni Vice si Karylle at isa-isang inihain ang mga niluto niya, buong agahan nila ay nakatingin lang siya kay Karylle. “Diba off mo ngayon?” ani Vice. “Oo pinag-off mo daw ako sabi ni Buern.” Napapalatak naman si Vice, binuko siya ng baklitang yun. Hindi talaga restday ni Karylle pero pinag-off niya ito. “Panira talaga yun.” Bulong niya. “Anong meron bakit mo ako maaga pinag-off?” tanong niya. “Gusto kasi kita ipasyal, masyado ka kasing subsob sa trabaho. Para makapagenjoy ka naman.” Seryosong sabi ni Vice. Natuwa naman si Karylle, madami kasing tourist spot dito sa Ilocos na hindi pa niya napupuntahan. Pagkatapos kumain ay naghanda na sila sa pag-alis nila. Dumaan muna sila sa resort para icheck kung may need ba siyang pirmahan bago sila mag-gala. “Karylle h-happy hmm” bati ni Coleen pinandilatan naman siya ng mata ni Vice kaya natahimik siya. “Ah happy morning ses.” Nakangising sabi na lang ni Coleen. “Good morning din friend. Okay ka lang ba magisa dito ngayon?” nag-aalala na tanong ni Karylle, Sabado kasi ngayon kaya madaming tao for sure. “Oo naman kering keri ko to basta pasalubong ah.” Paalala ni Coleen ng nagpaalam na si Vice na aalis na sila, naglakad na sila pabalik sa kotse ni Vice, inalalayan niyang makaakyat ng kotse si Karylle. Lalo na naman siyang nainlove dito, ang cute kasi ni Karylle ngayon naka dress ito na lagpas ng tuhod at nakatirintas ang kulot na buhok nito. Tahimik lang sila sa loob ng kotse habang nagmamaneho si Vice pero hindi ang kanilang mga mata, lagi kasi lumilingon si Vice kay Karylle kung pwede lang ang isang mata nakatingin dito at ang isang mata niya sa daan ay gagawin na niya. Tibong tibo lang talaga ang peg, hanggang ngayon ay madami pa rin siyang first time na nagawa, nangyari at naramdaman simula ng mabihag ni Karylle ang natutulog niyang lalaking puso. Nakarating na sila sa una nilang destinasyon ay ang Paoay Church hinabol talaga ni Vice ang huling misa sa umaga. Agad na pumasok sila at nagsign of the cross pagkapasok pa lang, manghang mangha naman si Karylle sa itsura ng simbahan, gawa ito sa parang makalumang mga bato at plain lang ito sa labas walang pintura na kulay ito sa labas. Antigo din ang itsura nito sa loob. Tahimik sila na nakikinig sa misa habang hawak nila ang kamay ng isa’t isa. Ang ganda ng sermon ng pari ngayon. Nagkakatinginan pa sila tuwing tatama ang sinasabi nito sa kanila. “Paano nga ba magsimula ulit? Madami akong mga kababaihan na nagcoconfess sa akin ngayong linggo na kesyo heartbroken sila hirap na sila hindi nanila alam ang gagawin nila, kesyo niloko sila gusto nila maghigante, meron naman gusto ng mamatay. Harujusko. Nagugulat na lang ako sa mga tao ngayon pag nasaktan kung ano-ano ang iniisip.” Kwento ng pari. “Pag tayo sinaktan ng kahit sino mang tao, kailangan natin sila patawarin. Sabi nga diba? Forget others, not because they deserve forgiveness, but because you deserve peace. Kahit sino man yan nanakit sayo, hindi mo kailangan gumanti, magtanim ng sama ng loob dahil ganyan dapat tayo marunong magpatawad.” Napatulala si Karylle dinadama niya ang dibdib niya at tinatanong ang sarili kung napatawad na ba niya si Yael sa lahat ng sakit na dinulot nito sa kanya? Napatingala siya at napatingin sa taas sabay ngumiti, magaan na ang pakiramdam niya. She finally can say na wala na ang sakit sa dibdib niya, napatawad na niya si Yael. Sa tulong na din ng taong kasama niya at katabi, ang puso niya ay muling nabuhay. She look at Vice na seryoso pa rin na nakikinig sa pari. “Lahat ng nangyayari sa atin lahat yan ay may dahilan. Hindi man magtagal ang isang tao sa buhay natin lahat ito ay may dahilan. Masaktan man tayo kailangan natin na tanggapin ito, dahil may darating pa na mas higit dito. Tinuturuan ka lang ng iyong karanasan para maging matatag at matuto sa mga maling pwedeng nagawa mo. Kaya kung nasaktan ka ngayon, may darating at darating na magpapasaya sayo ng higit pa sa inaakala mo.” Sabay naman na napangiti at nagka-tinginan si Vice at Karylle. Sakto lang sa kanila ang sermon ng pare talaga. Parang sila ang pinapatamaan. Tinapos nila ang misa at ng makalabas ay nagyaya muna si Karylle na maglibot sa paligid habang kumukuha sila ng picture binigyan siya ni Vice ng monopod noon nakaraan buti nadala niya ngayon. Ang dami nilang kuha ni Vice. Kumain din sila ng suman ni Vice nilibre niya ito. Pagkatapos ng Paoay Church ay dumeretso sila sa Malacañang of the North. Pagdating nila dito ay talaga naman napahanga si Karylle sa lugar luma na ito at punong puno ito ng memorabilia ng mga Marcos at mga natitirang gamit pa ng andito pa sila. Andito sila sa pangawalang palapag at nililibot ng tour guide nila with side story of the history of the Marcoses. “Ang ganda dito.” andito ngaun sila sa likod na part kung saan may makikita na lake. As usual kumuha na naman ng mga litrato si Karylle kasama si Vice ang saya-saya niya ngayong araw, namangha naman siya ng tumingin sila sa baba may malaking garden bago mag lake may nagpreprepare for a wedding. "Wow kuya pwede pala dito maging venue sa kasal?" "Yes mam" "Galing naman" Tumagal din sila ng isang oras dito kakatingin sa mga gallery at paglilibot. Lagpas lunch na ng napagdesisyunan nila na umalis na. Kumain sila sa isa sa pinakasikat na carinderia dito dahil yun ang gusto ni Karylle mga filipino food, after that ay bumyahe na sila papunta Vigan. Ang huling destinasyon nila ngayon ay ang Calle Crisologo, excited na siya dahil ito ang lugar kung saan mo makikita ang mga sinaunang mga bahay. Dati sa tv at internet niya lang ito nakikita pero ngayon masisilayan na niya ito. “Myloves are you having fun?” tanong ni Vice pagbaba nila ng kotse, naglalakad sila ngayon sa Calle Crisologo. She look at Vice with her sweet smile. “Super nageenjoy ako mahilig talaga ako sa history saka sa nature tripping salamat sa pagsama mo sa akin dito.” Natuwa naman si Vice na masaya si Karylle sa lakad nila, may nadaanan sila na nagtitinda ng Ilocos empanada bumili siya at kumain muna. May napadaan na dalawang batang babae sa kanila. “Kuya bilhan mo naman si Ate ganda ng bulaklak” Alok nito kay Vice mga sunflowers. “Sige pahingi lima.” Masaya naman ang bata na iniaabot ang bulaklak kay Vice. “Ate alam mo bang 5 flowers means iloveyou so much yiieee ang sweet.” Kinikilig na sabi ng bata kay Karylle. “Aba ang bata mo pa alam mo na yan ah.” Natutuwang sabi ni Vice. “Ay tama naman po diba? Love mo si Ate?” naloka naman si Vice pati kasi ang bata ay nakikichicka sa lovelife nila. “Oo naman. Myloves oh, sinabi na ng bata eh. I heart you my loves din ibig sabihin non." Sabi nito at inabot kay Karylle ang limang sunflower.. Kinikilig na inamoy-amoy naman ni Karylle ang mga bulaklak. “Salamat Vicey ko.” Inubos nila ang empanada na kinakain at naglakad ulit, may lumapit sa kanila na isang matandang lalaki. “Iho baka gusto niyo sumakay sa kalesa?” alok nito sa kanila. “Ay gusto ko yan.” Sagot ni Karylle. Agad naman pumayag si Vice at lumapit na sila sa kalesa at inalalayan si Karylle na makaakyat. Inarkila nila ang kalesa for one hour habang naglilibot sa Calle Crisologo. Nang marating nila ang lugar na sobrang daming nagtitinda ay pinatigil muna nila si Manong at nagpahintay dahil gusto ni Karylle tumingin ng pwede niyang bilhin. Buti na lang at busy si Vice sa kabilang tindahan tumitingin ng mga accessories, andito kasi siya sa tindahan ng iba’t ibang tshirt. “Ate magkano po dito sa dalawang tshirt na to?” “300 na yang dalawa.” “Sige ate yung isa po large yung isa po medium pakibalot na lang po ah.” Patingin-tingin si Karylle dapat kasi hindi makita ni Vice ang binili niya tsismoso pa naman yun. Agad niyang binayaran ito at nilagay sa bag niya nilapitan niya ito na busy pa din sa pamimili ng accessories. “May nabili ka?” tanong ni Vice sa kanya. “Ah pang pasalubong lang ” Walang mapili si Vice kaya nagyaya na ulit ito sumakay sa kalesa. Nang makaupo na sila ay inakbayan siya ni Vice habang siya ay busy sa pagkuha ng mga litrato ng mga bahay na nadadaanan. Nagextend pa sila ng isang oras pa sa pag-arkila ng kalesa dahil lagi sila nababa para tumingin ng mga bahay at ng mga nagtitinda. Halos magtatakip-silim na nagsisimula ng magbukasan ang mga ilaw sa mga bahay sa paligid at poste. May binulong si Vice kay Manong at nagpatuloy ito sa papaandar ng kalesa. Sa daanan nila makikita ang iba’t ibang restaurant. Tumigil na ang kalesa nauna bumaba si Vice. “Wait mo ako diyan ah may tatanungin lang ako.” Utos ni Vice, pumunta ito sa loob ng restaurant, maaliawas ang restaurant na ito bukod sa makaluma din ang lugar at ang itsura ng restaurant ay mga mga mesa at upuan sa labas din na napaka elegante ng pagkakaayos. Tumagal siguro si Vice sa loob ng mga 15 minutes pagbalik ay agad na binayaran ang kutsero at inalalayan na bumaba na si Karylle. Dito sila sa labas pumwesto. “Ang ganda ng ambience dito sakto mahangin pa ang ganda.” Puna ni Karylle habang paikot-ikot ang paningin nito sa paligid. “Syempre gusto ko lagi maganda ang experience mo everytime that we're together.” Vice said, sabay hawak sa dalawang kamay ni Karylle na nasa ibabaw ng mesa. “Thanks Vice, for always showing me how special I am for you.” Sobrang touch talaga siya kay Vice, never pa kasi niya naranasan na makadama ng ganito. Madami din siyang first time hindi lang si Vice ay may ganoon na eksena. “It’s my pleasure to see you happy, I want you to always be happy and I’m going to do all that I can for you to feel that even everyday.” Seryosong sabi ni Vice dito. Napapayuko na naman si Karylle everytime na cheesy si Vice sa kanya she really can’t help but to look to other location para kasi siyang natutunaw talaga. “Salamat Vicey ko, wag ka masyado sweet ah baka masanay ako.” Kinikilig na sabi ni Karylle, tumayo si Vice at sinabihan na tumabi sa kanya si Karylle kesa na magkatapat sila. Nagtataka naman si Karylle bakit may projector sa tapat nila at white screen. Palihim na may sinenyasan si Vice sa likod niya. Ilang minuto pa lang ay may lumabas ng orchestra at pumwesto sa harap nila. When I met You ♫♪♫ There I was, an empty piece of a shell, Just minding my own world; Without even knowin' what love and life were all about Then you came, You brought me out of the shell You gave the world to me And before I knew, there I was so in love with you♫♪♫ Nagulat si Karylle ng magbukas ang projector at makita ang mga pictures niya with the captions ng lyrics ng kanta. Ang ganda pakingan ng pagtutugtog ng orchestra instrumental lang ito walang kumakanta. Napapatingin siya kay Vice kasi ang daming mga stolen shots niya na lumalabas sa white screen. Tinapik niya ito. “Ano tong pakulo mo?” mahinang sambit niya. Kininditan siya ni Vice “Malalaman mo din” ♫♪♫ You gave me a reason for my being And I love what I'm feelin' You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you♪♫♪ Ang daming pictures nila ang lumalabas meron nang nagpunta silang Baguio, ang mga tambay moments nila sa dalampasigan sa bahay ni Vice sa reception at kung saan saan pero nagulat talaga siya dahil ang dami niyang picture na hindi niya alam na kinukuhaan pala siya ni Vice. Sobrang natotouch talaga siya dahil ang ganda pa ng message ng kanta. Nagbabadya na nga ang mga luha sa gilid ng mata niya, ♫♪♫ I love the touch of your hair And when I look in your eyes I just know, I know I'm on to something good And I'm sure, my love for you will endure Your love will light up my world And take all my cares away With the aching part of me♫♪♫ Tumayo si Vice at inabutan ng mic ng waiter at kumanta sa harap niya. Hindi na napigilan ni Karylle ang maiyak. Tears of joy… ♫♪♫ You gave me a reason for my being And I love what I'm feelin You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you You taught me how to love You showed me how tomorrow and today My love is diff'rent from the yesterday I knew, you taught me to love And darling I will always cherish you today Tomorrow and forever and I'm sure when evening comes around I know we'll be making love like never before My love, who could ask for more you gave me a reason for my being And I love what I'm feelin' You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you when I met you you gave me a reason for my being and I love what I'm feelin' You gave me a meaning to my life Yes, I've gone beyond existing And it all began when I met you When I met you♫♪♫ Pinapahid ni Vice ang mga luha ni Karylle habang kumakanta siya pangako niya kasi sa sarili niya ito ayaw niyang nakikitang umiiyak si Karylle. Natapos na ang pagtugtog ng orchestra pero hawak pa din ni Vice ang microphone. “HAPPY BIRTHDAY MYLOVES, this is the first time that I will celebrate the day that you were born.” Lumabas ito sa white screen. Natulala si Karylle dahil siya, hindi niya naalala na birthday niya pala ngayon. Lalo siyang naiyak at hindi napigilan na yakapin si Vice. “I wanna spend all of your upcoming birthdays until my last breathe.” Vice said with his microphone on. Ang mga staff ng restaurant ay sobrang kilig na kilig ngayon, daig pa nila ang nakapanood ng love story na movie sa sobrang kasweetan ni Vice. “Nakakainis ka!” tanging nasabi ni Karylle ng maghiwalay ang yakap nila. “I will not love you for the rest of your life but for the rest of my life. Keep that in mind myloves.” Napatutop siya sa bibig niya gusto na niya kasi sumigaw sa sobrang kilig sa mga sinasabi ni Vice sa kanya. Sobra-sobrang kilig na ang dumadaloy sa buong katawan niya ngayon. Ang sarap pala ng may taong nagpapasaya sayo. “Karylle Tatlonghari starting today up to the last day of my breathe I won’t promise you anything but I will just give you my heart in whole. Will you give your whole heart with me too?” seryosong tanong ni Vice while looking at her eyes. Ang kabalig ito na naman. Her heart is beating fast than normal, konti na lang ay parang sasabog na ito. “V-vice.” She said while stuttering. May kinuha si Vice sa bulsa niya na isang maliit na kahon binuksan niya ito at makikita dito ang isang necklace with a heart pendant. Pumunta siya sa likod ni Karylle at hinawi ang mga buhok nito para maisuot ito sa kanya. “This is my heart starting today I’m giving it to you. All I want is for you to take care of it.” Hinawakan ni Karylle ang pendant na puso at hindi na naman na maiwasan ang maiyak. “Kainis ka Vice.” Maktol ni Karylle.Humarap ulit si Vice sa kanya habang nakangiti. “Again myloves. Will you also give your whole heart with me?” He said while cupping Karylle’s cheeks. Sumisinghot-singhot si Karylle dahil sunod-sunod na ang luha na dumadaloy sa mga mata niya. Tumatango-tango lang siya at hindi alam paano sasagot. Hinihintay naman ni Vice ang sagot ni Karylle. Habang nagtitilian ang mga tao sa paligid. Medyo lumungkot naman ang mga mata ni Vice kasi hindi pa rin nasagot si Karylle. “P-please be care-careful of my heart, coz from now on you will be the sole owner of it.” Karylle said while biting her lips. Bumuga ng sobrang daming hangin si Vice, he can’t believe with what he heard. Ito na ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay niya. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid parang akala mo ay may shooting ng isang pelikula dahil biglang dumami ang mga ususero at ususera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD