“Pisting yawa! Anne! Bakit kasi inimbitahan mo pa yang otoko na yan dito!” namumula na sa inis si Vice, kaya si Anne ang pinagdidiskitihan niya.
“Ane be cuz! Kumakanta lang sila whatza matter?”
“Wiz ko gusto ang kaganapan na ganyan!.” Bulyaw niya kay Anne.
“Hindi mo ba namiss si Christian? Buti nga pumayag siya pumunta dito kahit napaka sikat na niya international pa take note.” Sinamaan siya ng tingin ni Vice.
“Wa ako pakels.” Nakatikim ng mag-asawang irap si Anne.
“Gelli de Belen ka lang cuz, hahaha otoko ka na din cuz! Hindi ka na talaga badet ah. Super proud na ako sa’yo.” Hawak ni Anne ngayon ang sleeve ng damit nito habang inaalog-alog. Napagtanto niya na grabe talaga si Vice ngayon kung magreact when it comes to Karylle.
“Oo jellyace dalandan flavor ang peg ko ngayon nagmamamaasim ako!” seryoso na talaga ang itsura ni Vice ngayon paano ba naman nakahawak ang kamay ni Christian sa bewang ni Karylle. At ito pa titig na titig ito kay Karylle na nakangiti lang.
He don’t want anyone else that can see that sweet smile of Karylle, gusto niya siya lang ang inaalayan nito ng napakagandang mga ngiti nito. Gusto niya siya lang ang ka eye to eye contact nito. Gusto niya siya lang ang dahilan at makakakita ng everything that made Karylle smile.
“Thank you for that wonderful song Karylle, your such an awesome singer.” Christian vowed and applause Karylle’s voice.
Agad naman pumunta sa backstage si Vice para salubungin ang myloves niya, hindi pa rin mawala ang kunot sa noo niya. Nakita na niyang lumabas ng stage si Karylle while inaalalayan ni Christian. He cleared his throat many times so he can catch their attention.
“Vice.” Nakangiting sambit ni Karylle, agad naman siyang hinila ni Vice.
“Hi Vice.” Si Christian.
“Tsee.” Sabi niya sabay irap dito.
“Vice” suway ni Karylle.
“Halika na magbihis ka na ayaw ko na ganyan itsura mo tanggalin mo na yang make up mo.” Lalaking tono ang boses ni Vice habang naglalakad na sila palayo sa stage.
“Bakit? May pictorial pa daw ako.” Nagtatatakang sabi ni Karylle.
“Vice wait.” Humahabol pala sa kanila si Christian.
“Ano na naman?” iritang irita na si Vice sa presensya ng kababata.
“Bakit ba ang sungit mo?” ani Christian.
“Back off kasi kay Karylle.” Bulalas ni Vice. Ang higpit ng hawak ni Vice sa kamay ni Karylle, nanlaki naman ang mga mata ni Karylle hindi niya kasi alam if galit na ba ito.
“What’s wrong?” tanong ni Christian.
“Ayaw kong titingin ka kay Karylle, ayaw ko na lalapit ka sa kanya dahil akin lang siya.” Diretsang sabi nito, napanganga naman si Karylle at lalong nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ni Vice.
Napahalakhak naman si Christian up until now he can’t believe na ganito na ang dating kababata dati kasi ang lamya-lamya nito at ang mga crush ay mga lalaki. Hindi siya makapaniwala na babae na pala ang gusto nito.
“Vice hindi ko naman inaagaw si Karylle sayo, I’m just interested in her talent.”
“Wala akong pakealam.” Pa-irap na naman na sagot nito.
“Cuzz” narinig nilang sigaw ni Anne sa hindi kalayuan.
Nainis na naman si Vice gusto na niya kasi iuwi si Karylle, ayaw niya na madaming humahangang mga mata dito. Nagsisisi siya na pumayag siya na magpatuloy si Karylle sa competition ngayon niya lang narealize how beautiful and talented itong babaeng sinisinta niya ngayon. He never expected na ganito pala ang pakiramdam magselos ang bigat sa damdamin.
“Hi Anne” bati ni Karylle paglapit nito sa kanila.
“Let’s go ses we have a victory party pinaayos ko na ang bar. Congrats ses.” Yayakapin sana ni Anne si Karylle pero hindi naman makalas ang kamay ni Karylle na hawak ni Vice.
“Uuwi na kami.” Sabat ni Vice, pinandalitan ni Anne ng mata si Vice. Sumusobra na kasi ito sa pag ka OA.
“Cuz! Your being unreasonable. You must be proud of Karylle coz she make it. Ayaw mo non magkakaroon ka ng girlfriend na beauty queen.” Sagot ni Anne.
“Wala akong pake.” Naramdaman naman ni Vice na hinawakan siya ni Karylle sa braso niya.
“Vice what’s wrong ba? Bakit ganyan ka?” malumanay na tanong ni Karylle dito, nilingon siya ni Vice na medyo lumambot naman ang ekspresyon.
“Karylle, madaming bago akong nararamdaman na hindi ko mapaliwanag. At lahat yun ang sakit sa pakiramdam. First time ko to maramdaman eh.” Mahinahon na sagot niya.
“V-vice” tanging nabanggit niya. She can sense kasi na seryoso ang sinasabi ni Vice at wala naman siyang masabi parang umurong bigla ang utak niya.
Humarap si Vice kay Karylle, wala siyang pake kung andito si Christian at Anne.
Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Karylle.
“Bakla kasi ako eh, wala akong laban sa mga straight na otoko. Pero nabihag mo talaga ang puso ko, hindi pa man kita pag-aari pero ang dami ko ng selos na nararamdaman. Bago kasi to’ sa akin Karylle, first time ko makaramdam ng ganito.” Titig na titig si Vice sa mga mata ni Karylle, he wants to see Karylle that he’s really sincere.
Pinipigilan naman ni Anne na mapatili grabe ang kilig na nararamdaman niya ngayon sa mga sinasabi ng pinsan niya kay Karylle. Lumelevel up na talaga ito.
“B-bakit ka n-naman nagseselos?” she said na nauutal pa. First time din kasi ni Karylle tong ganito, someone that is vocal about his feelings.
“Dahil mahalaga ka sa akin, dahil mahal kita.” Deretsang sagot ni Vice, ilan beses naman napalunok si Karylle she don’t know what to say now pati yata dila niya umurong na.
“Tang’na sorry hindi ko na mapigilan. O to the M to the G! OMG!” napamura pa sa sobrang kilig si Anne. Wala ang mga loves story na movie sa napapanood niya ngayon. Wala, wit, wiz! Kabog na kabog ng pinsan niya.
“Sorry Vice.” Singit din ni Christian.
“Ikaw kasi Christian eh nag Gelli De Belen ang peg ni cuz sayo. Insecure ang lola mo sayo.” Bulong ni Anne dito.
“Hindi ko naman kasi alam na seryoso pala si Vice sa sinabi niya akala ko ginu-goodtime niya lang ako.” Bulong din nito kay Anne.
“Cuz” lumapit si Anne kay Vice at tinapik ito. “Sunod na lang kayo sa Bar hindi pwedeng wala si Karylle wag na matigas ulo pag hindi ka pumayag sasabihin ko kay ses wag ka sagutin.” Pangbaba-blackmail ni Anne.
“Aba! Oo na maguusap lang kami.” Tinaboy na ni Vice yung dalawa para masolo si Karylle.
“Halika na sa bahay magpapalit na ako.” Yaya ni Karylle.
“Akala ko may pictorial ka pa?”
“Hayaan mo na yun madami naman na ako picture sa kanila. Wag ka lang magalit or magselos.” Hinila na ni Karylle si Vice, huminto ito at tinanggal ang suot na wedge ang hirap kasi maglakad sa buhanginan.
Pagdating sa bahay ni Vice pagpasok pa lang ay agad niyang niyakap si Karylle.
“Sorry kanina myloves, congratulations.” He said while caressing Karylle’s hair.
Napangiti na lang ng lihim si Karylle, nakakatawa kasi si Vice magselos nagiging parang lalaki talaga. Napakaseryoso.
***
Ilang buwan nadin ang nakalipas na andito sa Pagudpud si Karylle, hindi na niya namalayan ang mga araw masasabi na din niya na nakamove-on na siya sa mga masasakit na dulot ng nakaraan. Sa tulong ng bagong environment sa tulong na din ni Vice. Matiyaga pa rin ito na nanliligaw sa kanya.
She promised to herself na sa susunod na iibig siya sisiguraduhin muna niya na last na yun, mahirap maginvest ng damdamin at pagmamahal mahirap masaktan.
She’s currently browsing her diary, natatawa na lang siya sa mga sinusulat niya ang mga kadramahan niya sa buhay ang mga nakaraan na ang sungit sa kanya ni Vice. At ang mga araw na sobrang saya niya dahil sa panunuyo sa kanya ni Vice.
Naudlot ang pagbabasa niya ng nagring ang cellphone niya.
“Hello iha.”
“Nanay Rosario.”
“Kamusta kayo ni Vice diyan?”
Wala kasi sa Pilipinas ito ngayon ilang buwan na din itong nasa America, nagbakasyon ito sa kapatid nito.
“Ayos naman po Nanay, gusto niyo po ba siya makausap?”
“Hindi na iha ikaw talaga gusto ko makausap. Itatanong ko lang sana kung ano na ang score ng anak ko sayo?”
Napatututop naman siya sa dibdib niya, nahihiya siya sa Nanay Rosario niya until now alam naman na nito na nililigawan siya ng anak nito at wala itong tutol sobrang saya pa nga nito ng malaman ang balita na yun. Todo payo pa nga ito kay Vice ng mga pwedeng gawin para mapasagot si Karylle. Pero eto until now hindi pa rin nakukuha ni Vice ang matamis niyang OO.
“Ah eh Nanay alam naman po ni Vice na bigyan niya pa ako ng kaunting panahon pa para masiguro ko po ang totoong nararamdaman ko.” Nahihiyang sagot niya, hindi lang kasi si Vice ang nanliligaw sa kanya pati na din kasi si Nanay Rosario ay todo push sa lovelife nila.
“Wala ka pa bang espesyal na nararamdaman sa anak ko?” medyong malungkot ang boses nito.
“Uhm Nay meron naman po, sa sobrang tagal na po niya akong sinusuyo hindi naman po ako manhid para hindi makaramdam ng espesyal sa kanya.”
“Pagbigyan mo na ang anak ko iha, first time niyang papasok sa totoong relasyon at talaga naman ako ang pinakamasaya ng tao pag nangyari yun.” Napabuntong hininga si Karylle hindi niya na lang ipinarinig dito, nakakapressure.
“Sige Nay pagiisipan ko po. Maraming salamat po talaga sa pagtanggap sa akin.”
Medyo matagal pa silang nagusap, nastress siya bigla. Talaga naman kasi ang pag-push ni Nanay Rosario sa kanya sa unico hijo niya. Nagulat siya ng magbukas ang pintuan ng kwarto niya.
“Myloves sino kausap mo?” nakakunot na naman ang noo nito. Napakaseloso talaga.
“Bago kong textmate.” Pang-aasar nito.
Agad na lumapit ito sa kanya at hinablot ang cellphone niya.
“Joke lang si Nanay Rosario yun.” Bawi niya.
“Talaga ikaw niloloko mo ako ah muntik ko na ibato tong cellphone eh.” Kinurot niya sa ilong si Karylle.
“Aray naman, napakaseloso kasi eh hindi pa nga tayo ganyan ka na nakakatakot ka naman pag tayo na baka mas lumala ka.” Prangkang sabi ni karylle.
***
It’s a breezy Saturday morning. Off ni Karylle sa work, naglalakad sila ni Vice sa dalampasigan habang nainom ng kape.
“Ang sarap ng hangin buti hindi masyadong mainit.” Puna ni Karylle.
“Oo nga ang sarap magtampisaw. Gora tayo?” sakto naman kasi mga nakashorts at sando lang silang dalawa kaya keri na ang maligo sa dagat.
“Wala naman tayong dala kahit tuwalya babakat ang b*a ko pag nabasa nito kakahiya maglakad.”
“Anong ginagawa ng cellphone? Papautos na lang ako.” He called Buern and ask one of their staff to bring them towels, naglakad pa sila hanggang marating nila ang medyo dulo ng resort ayaw kasi ni Vice na madaming tao. Gusto niya sila lang dalawa ni Karylle.
Naupo na sila sa batuhan habang nakasawsaw ang mga paa nila ang sarap sa pakiramdam habang tumatalsik sa mga paa nila ang alon ng dagat.
Umusog si Vice para mas lalong mapalapit kay Karylle, inihilig nito ang ulo sa balikat ni Karylle at hinawakan ang isang kamay nito.
“Myloves, alam mo ba nanaginip ako kagabi.”
“Talaga ano naman yun?” curious na tanong nito.
“Censored eh.” Nakangising sabi ni Vice.
“Grabe ka! Pinagpapantasyahan mo ba ako?”
“Ewan ko ba pinagpawisan nga ako paggising ko.” Agad siyang kinurot ni Karylle.
“Bastos!”
“Joke lang, I dreamt na kinasal tayo. Ang daming tao sa paligid at ang ganda-ganda mo sa panaginip ko.” Napalunok naman si Karylle sa narinig.
“I wish na magkatotoo yung panaginip ko na yun.” He said at inalis ang ulo nito na nakahilig sa balikat ni Karylle at pinagtapat ang mukha nila.
“I realize that I’m not getting any younger, kung magsesetle down man ako at magkakapamilya gusto ko ikaw na yun.” Patuloy ni Vice. Para naman nanuyo ang lalamunan ni Karylle, bakit ba kasi wala silang dalang tubig para tuloy siyang nadehydrate bigla.
“Every little thing kasi that you do, naiinlove ako sayo lalong lumala na kasi tong nararamdaman ko sayo. Sana mapagbigyan mo na ako I really want to show you, feel you that I’m really inlove with you na.”
Umiiwas naman si Karylle ng tingin kay Vice, she can’t stand those serious na tingin ni Vice.
“Look at me Karylle.” Utos ni Vice.
“Tell me an honest answer, kahit ba kaunti? Pwede na ba akong pumasok sa puso mo?” he said.
Walang lumalabas ng boses sa bibig ni Karylle, para siyang naubusan ng lakas. Nakakatunaw kasi ang mga tingin ni Vice eh.
Inilagay ni Vice ang mga hinahangin na buhok ni Karylle sa likod ng tengga nito, habang lumalapit ang mukha nito sa mukha ni Karylle.
“I l-love y-you, sorry if I hindi ko mapigilan.” Vice touched Karylle’s lips. Napapaurong naman si Karylle.
“V-vice.” Sa wakas ay nagkalakas siya na magsalita pero ito lang ang nakayanan niya.
“This lips, nakakaadik gusto ko ako lang. Ang mga labi ko lang ang dadampi dito.” Umuusog na naman si Karylle, nakakatakot naman kasi si Vice parang totoong lalaki na.
“Those beautiful eyes, sa akin lang yan dapat nakatingin.” Vice teased her again.
Sa kakausog ni Karylle dulo na pala ng bato yun, nagulat na lang si Vice na ang daming tubig na tumalsik sa kanya at nawala si Karylle sa paningin niya. Nahulog na ito sa dagat.
“Myloves! Hindi mo naman kasi ako sinasabihan gusto mo na pala maligo” nakuha pa nitong magbiro, pero agad naman siyang tumalon papunta sa pwesto ni Karylle na mukhang ang daming nainom na tubig dagat.
Ubo ng ubo si Karylle ng madatnan ni Vice. Nakakaawa ang itsura nito pero hindi nakalagpas ang bakat na black b*a nito mula sa ilalim ng white na sando nito.
“Wow lang ang kurba ng katawan mo myloves.”
Ubo pa rin ito ng ubo. Niyakap niya ito.
“Sorry” Nagalala naman siya kasi hindi matigil ang pag-ubo nito.
Kumalas din siya kaagad sa pagkakayakap dito at hinawakan ang dalawang pisngi nito.
“Loveyou kurba ko.” Napakunot naman ng noo si Karylle.
“Huh?” mukhang hindi nagets ang bagong endearment ni Vice sa kanya.
“Ang sexy mo kasi.” Napatakip naman si Karylle sa dibdib niya.
Nilapat ni Vice ang noo niya and give Karylle a quick kiss on her lips.
“Alunin man tayo ng maraming beses, hindi nito madadala ang pagmamahal ko sayo.” Seryoso na sabi ni Vice.
“Vice naman eh. Hindi na kita maintindihan.” Reklamo ni Vice.
“Kahit anong dumaan man na pagsubok sa atin sa mga darating na araw, mamahalin pa rin kita sa abot ng makakaya ko.” Paliwanag nito. Kinilig naman ng bongga si Karylle.
“Nakakainis ka! Bakit ang pogi mo sa paningin ko.?” Kiming sabi ni Karylle.
“Haha ngayon ko lang nagustuhan na sinabihan ako ng pogi. Nakakakilig.” Napasandal ang ulo ni Karylle sa dibdib ni Vice. Namumula kasi siya ngayon, ang sarap kaya pakinggan yun mga sinabi ni Vice.
Iniangat ni Vice ang mukha ni Karylle at hindi na napigilan ang bugso ng damdamin niya. Naglapat na ang mga labi nila, napapikit na lang si Karylle at nagpaanod na din sa nararamdaman niya. Napahawak na siya sa batok ni Vice dahil lumalakas ang alon na humahapas sa likod niya sabayan pa ng gelatin na tuhod niya. Inuubos kasi ni Vice ang energy niya, ang sarap kaya humalik ni Vice parang totoong lalaki lang.
Both of their eyes were closed now, they were just enjoying every seconds that their lips are one. Napapakapit na lang ng mahigpit si Vice sa buhok ni Karylle. Ang init na kasi ng pakiramdam niya it’s just a kiss but it’s making him feel other things na ngayon niya lang din naramdaman. Bumaba na kasi ang kamay ni Vice sa bewang ni Karylle. Unti na lang ay iba na ang mahahawakan niya.
“Meme! Eto na yung pinapadala mo.” Sigaw ni Buern. Nagulat naman silang dalawa at agad na naghiwalay ang mga labi nila.
“DAOT KA TALAGANG BAKLA KA!” sigaw ni Vice na napakasama ng tingin sa kanya. Nasa tiboli moment siya kung maka-extra.