Chapter 17

4056 Words
Maaga nagising si Karylle ngayon kasi ang parade nila sa buong lugar ng Pagudpud. Bukas naman na ang final night for the pageant. Kinakabahan na siya dahil talaga naman first time niya to' never pa siya sumali or isinali sa beauty pageant, pero si Vice naman ay todo suporta sa kanya. Inaway pa nga nito si Anne kahapon dahil sa may escort ito sa gagawin na parade ngayon. Kaya ang kinalabasan si Vice na ang escort niya sabihin na nilang possessive si Vice pero gusto niya siya ang katabi nito ayaw niya na may iba na aaligid dito. "Myloves" bungad ni Vice pagbukas nito ng pintuan ng kwarto ni Karylle. Agad naman na tinago ni Karylle ang diary niya kasalukuyan kasi siyang nagsusulat, itinago niya to sa safety box niya. "Morning." Tanging nasagot niya, natense kasi siya medyo pakialemero kasi to si Vice baka tanungin pa siya kung ano yung hawak niya. "Ano yung itinago mo?" sakto tama nga magtatanong to. "Wala yun listahan lang ng mga nagastos ko at savings ko." Pagsisinungaling niya. Bumenta naman ito kay Vice, niyaya na siya nito sa kusina para mag-agahan alas siyete kasi ang call time nila dito sa resort nila magstart ang parade paikot sa buong lugar. Pabonggahan din sila ng mga float si Vice at ang mga empleyado nito ay nagtulong-tulong sa paggawa nito. Hindi alam ni Karylle ang tungkol dito surpresa niya ito sa dalaga. "Bakit ang konti ng kinain mo?" takang tanong ni Vice, ang dami pa naman niyang hinanda para kay Karylle. "Kinakabahan kasi ako. Wala akong gana kumain feeling ko isusuka ko yan pag pinilit ko pa. Sorry." Napasmile naman si Vice dahil halatang-halata nga na kinakabahan ito dahil hindi maipinta ang itsura ni Karylle. Nilapitan niya ito at niyakap ito mula sa likod, then he whispered. "Don't worry I'm here supporting you all the way." After he said that Karylle felt relieved, hindi man niya aminin ay talagang si Vice ang parang inspirasyon niya ngayon. Hindi rin siya makapaniwala with the happiness na nararanasan niya ngayon and Vice is the source of that. She gently cupped Vice's cheek."Thanks Vice ang laki talaga ng tulong ng mga pagpupush mo sa akin. Thanks for making me happy." She said whole-heartedly, gusto man niyang tuluyang buksan na ang puso niya but she don't want to be unfair with Vice. She wants to make sure first that her heart is empty, completely. Bago niya ito papasukin dito. For the past few weeks Vice didn't failed to show her what she deserved. It's her first time to be treated like that, nakakataba ng puso but at the same time nakakatakot. "Ang sarap naman pakinggan, pero mas masarap din siguro if I will hear from you that you love me too." He whispered at lalong hinigpitan ang yakap kay Karylle habang magkadikit na ang mga pisngi nila ngayon. "Diba you said your willing to wait?" she asked. "Oo naman." Mabilis na sagot nito. "Good let's just enjoy this kind of relationship we have right now, you know getting to know each other." Vice was a bit disappointed but he needs to be patient, ngayon niya lang napagtanto na talagang mahirap ang manligaw ng babae. Pero sure naman siya na magiging worth ang paghihintay niya, he know for a fact that Karylle has a good heart, they had their differences but that made them closer. Tinanggal ni Karylle ang mga kamay ni Vice na nakayakap sa kanya, kumunot naman ang noo niya at nakita ito ni Karylle. Nagulat si Vice na kaya pala ito tumayo dahil yayakapin siya nito ng napakahigpit. Para na naman siyang nasa heaven those hugs, smiles at mga nakaw na halik niya kay Karylle ang nagdadala sa alapaap sa kanya. "Kaw kasi ayaw pa umamin na inlove ka na sa akin, pinapahirapan pa ako." Sabi ni Vice ng maghiwalay na sila sa pagkakayakap nila at pinisil pa ang ilong ni Karylle. "Tse, ang lakas ng fighting spirit mo kasi hindi kaya kita sasagutin. Tropa na lang kaya tayo." Pang-aasar ni Karylle, sumimangot naman si Vice. "Pakipot ka pa! Sige ka baka mahumaling ako sa iba ikaw din magsisi ka." Ganting asar nito, pero mukhang si Karylle ang napikon. "Ayos lang, ganyan naman kayo mga lalakwe manloloko." May pait sa mga salita nito, dinikit ni Vice ang ilong niya sa ilong ni Karylle at tinitigan ito sa mga mata. "Yan bitter ka na naman, kala mo kasi lahat ng lalaki pare-pareho. Bading ako pero hindi ako manloloko baka ako pa ang lokohin mo." Seryosong sambit nito, aligaga naman si Karylle, pag ganito na kasi si Vice kalapit sa kanya natatakot na siya feeling niya kasi para siyang walang laban na inaanod na lang ang damdamin niya. "Josemarie lumayo ka na sa akin, maliligo na ako baka malate pa ako sa call-time." Pagiiba niya ng usapan, nagsisimula na kasi siyang malunod sa mga tingin ni Vice it is indeed suffocating. Vice smirk at her."Talagang Josemarie ah, tawagin mo pa ako isang beses niyan lagot ka sa akin." Banta nito, agad naman na tumakbo si Karylle papalayo dito. "Josemarie, Josemarie mas bagay sayo yun ang macho pakinggan." Pang-aasar niya at nag belat pa kay Vice bago pumasok ng kwarto niya nakita niya na patakbo na ito sa kanya kaya mabilis niyang sinara ang pintuan. *** Inukupa ng mga candidates ang conference hall ng resort para maging dressing room nila pati na rin ang lugar kung saan sila aayusan. Si Buern at Archie ang nag-aayos kay Karylle, tong dalawa kasi na to ang kadalasan na nag-aayos sa mga beks nilang friend pag may mga competition. Nagprisinta na kasi itong dalawa kay Anne kaya hindi naman na siya nakatanggi. "Nakakaloka ka ses, saan ka ba kasing lungga nagtago dati at ngayon mo lang nilabas ang true colors mo." Si Buern, naiisip niya kasi ang dating Karylle compare sa nakikita niya ngayon. "Ganyan talaga pag inlove yieeehh, blooming." Pang-aasar ni Archie dito. Tinapik siya ni Karylle na kunyari ay dinedeny. "Hindi ako inlove, need ko lang talaga mag-level up para naman hindi ako mukhang manang." Since the time kasi na nakita niya ulit si Yael sa Manila she decided to change, physically. Tinago na niya ang mga makalumang fashion sense niya then Anne gave her lots of clothes na nagustuhan naman niya. "Korek ng makabingwit ng fafa kailangan ganyan nga still simple but fantabulous." Komento ni Buern. "Check, kaya ikaw hindi mo na need ng makapal na make-up to show your beauty ito simple lang nilagay ko. Pero wag ka pak na pak yan winner ka na dai for sure." Si Archie, ang nag-ayos ng makeup niya. Samantalang si Vice ay naghihintay lang sa float, he's checking if everything is good to go. Tinayuan nila ang isang katamtamang laki na elf truck ng isang castle na napapaligiran ng madaming bulaklak na iba't ibang kulay. Ang mga empleyado naman niya ay hindi maiwasan na magpapicture sa kanya, paano naman Vice look so handsome right now nakabrush up ang black hair niya with his white tuxedo, hindi rin alam ni Karylle na kasama siya sa float. Excited na siya makita ang itsura ni Karylle, nang mapansin niya na naglalabasan na ang mga candidates at papunta na sa lugar niya kung saan nakapila ang mga iba't ibang floats ay agad siyang nagtago sa kabilang gilid ng float. Sinilip niya si Karylle paakyat na ito sana sa float niya pero ang daming nagpapapicture sa kanya, kahit nakatalikod ito ay sigurado siyang napakaganda ni Karylle ngayon. Nang matapos ang kumpulan at mga tao na nagpapapicture dito ay inalalayan ito nila Buern at Archie na umakyat sa float nito. He was stunned when she saw Karylle, ang ganda-ganda nito sa red at peach combination na long dress na heart shaped tube. Nakagilid ang mga buhok nito sa kaliwang balikat nito at napakasimple lang ng makeup na nilagay dito pero kahit ganoon ay ang lakas ng dating nito sa kanya. "Meme umakyat ka na nagtago ka pa kita ka naman." Pambubuking ni Buern. "Peste ka! Sshh." Mahinang sambit ni Vice, naglakad na ito papunta sa kabilang side ng float para umakyat na at samahan si Karylle. "Haha ang gwapo mo meme." Si Archie, napalingon naman si Karylle sa kanan niya kung saan papaakyat si Vice. Karylle gave her a very sweet smile, she was amazed with the looks of Vice right now. "Vice bakit ganyan ang getup mo?" tanong ni Karylle, kinuha ni Vice ang kanang kamay ni Karylle at maingat itong hinalikan. "Karak parang that's my tomboy lang." komento ni Buern. "Pero aminin mo ses ang gwapo ni meme ngayon." Isa pa to si Archie, pero hindi matinag ang mga ngiti sa labi at mata ni Vice. "You look like a princess myloves." Hindi na napigilan na isantinig ni Vice. Agad naman kinuha ni Vice ang Tiara na nasa likod niya at isinuot ito kay Karylle. "Yieehhh, so ikaw ang prince meme?" agaw trip na sabi ni Buern na kinikilig ng bongga. Samantalang si Karylle ay pakiramdam niya ay mauubos ata ang deodorant niya sa kilikili bigla kasing nag-init ang pakiramdaman niya nagsimula lang sa pisngi sinabayan pa kasi ng super bilis ng t***k ng puso niya. "Binobola mo lang ata ako." Nahihiyang sabi ni Karylle. "Di kita binobola nagsasabi lang ako ng totoong nakikita ko ngayon." Seryoso na sambit ni Vice. "Betcha by golly Buern pakitweet nga at pakitanong sa madlang pipol when ba ang exact date ng end of the world mukhang malapit na kasi." Si Archie, agad naman na binatukan ni Vice ito. "Bumaba na nga kayo kups lang kayo dito eh." Pagtataboy ni Vice sa dalawa. "Wit pwede kami ang personal hair and make up artist ni Karylle." Pairap na sabi ni Buern. "Iwanan niyo na lang ang mga gamit ako na bahala kay Karylle magretouch." Pagpipilit nito. "Haller nakatuxedo ka tapos gumaganern ka, asan ang hustisya sa muk-up?" nakatawang hirit ni Archie. Naalala nga pala ni Vice na damit panlalaki ang suot niya ngayon, naiirita kasi siya sa dalawang kaibigan wagas kung maka-asar. "Cuz! Ses we will be leaving in 2 mins be ready with your super beautiful smile, wave like there's no more tomorrow. Show the madlang pipol that you will be the one who's gonna win tomorrow. Ayt?" biglang dating ni Anne ay ininform sila na paalis na sila at magsisimula na ang float parade. "Sige na kuda ng kuda pa." ungot ni Vice. "At bakit highblood ka cuz?" curious na tanong ni Anne. "Paano may mga asungot dito." Nakangusong turo sa dalawa. "Haha akala mo masosolo mo si pretty ses noh? Nga pala ses si Vice gumawa nitong float, sabi niya kasi your her princess at siya daw ang prince mo kaya ayan siya ang escort mo dinarag ako eh." Pagko-confess ni Anne at agad naman ito tumakbo dahil pinandilatan na siya ng mga mata ni Vice. "Talaga Vice?" kiming tanong ni Karylle nahihiya kasi siya grabe naman kasi maka-effort to si Vice. Tumango lang ito. "Inlababo eh." Singit ni Archie. "Ilang araw na kaya kaming puyat! Maganda naman diba ses?" tanong ni Buern. "Oo sobrang ganda, feeling ko tuloy talagang totoong princess ako." She said while smiling at Vice. "Para sayo, ang lakas mo kaya sa akin." He said sabay kindat kay Karylle. Umandar na ang float nila ang daming taong nagaabang sa kanila sa mga gilid ng daan lahat ay napapatili pag napapadaan ang float nila Vice. Inabot sila ng isang oras sa paglilibot sa buong lugar, all those time ay magkahawak kamay lang sila ni Vice habang kumakaway sa mga tao sa paligid with her precious smile pati si Vice ay proud na proud dahil madami siyang naririnig na maganda sa mga tao sa paligid tungkol kay Karylle. *** Tonight is the night, kabang kaba na si Karylle. Madami ng tao sa labas, madami na ring ilaw ang nakapaligid sa stage kung saan rarampa siya along with the other candidates. Pinagbawalan si Vice na pumasok dito kung saan inaayusan sila dahil parang ito pa ang sasali dahil siya pa ang aligaga kanina pa kaya sinabihan siya ni Anne na hintayin na lang sila sa labas. The program has started, ang unang mangyayari ay ang talent portion then susundan ng sports outfit at last ay ang long gown competition. Unfortunately pang number 15 si Karylle kaya ang kaba niya ay sobrang wagas na ngayon, naririnig na kasi niya ang hiyawan ng mga audience sa labas. Nakikita naman niya mula dito ang mga ginagawa na talent ng mga naunang candidates. Merong kumanta, sumayaw at umarte. "Buern lalabas na yata ang puso ko sa sobrang kaba." Nanginginig ang mga kamay niya at namamawis na din. "Keriboom mo yan teh! Isipin mo lang na nasa banyo ka kumakanta na mag-isa." Pag-eencourage ni Archie. "Thank you candidate no.14 that was an awesome performance. Now let's all call on our last but not the least candidate no.15 Karylle Tatlonghari" naghiyawan ang mga tao, pati si Vice na nakaupo sa unahan ay nagsisigaw kasama si Aaron at Colleen. "Oh hi pretty lady, what you gonna do for tonight?" tanong ng beking emcee. "First of all good evening sa lahat ng andito ngayon, grabe kinakabahan talaga ako." Nakangising sabi ni Karylle. Feeling niya gelatin na kasi ang mga tuhod niya ngayon sa sobrang nerbyos. Seryoso naman na nakatitig si Vice dito hinihintay na makita siya nito at hindi siya nagkamali ng magtama ang mga mata nila. "You can do it!" Sabi ni Vice hiling niya ay mabasa ni Karylle ang bibig niya sa mga sinabi niya since maingay at hindi nito malamang maririnig. At hindi siya nabigo, Karylle smiled at him. "Let's give Karylle a round of applause." Emcee said at hindi magkamayaw ang sigawan sa audience, may mga pumipito, may mga nagwawagayway ng banner na may picture ni Karylle. IKAW by Yeng Nagsimula na ang instrumental, sobrang higpit ng hawak ni Karylle sa mic niya. She inhale and exhale three times bago magsimula ang lyrics. ♫♪Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw Ang iniisip-isip ko hindi ko mahinto pintig ng puso Ikaw ang pinangarap-ngarap ko Simula ng matanto na balang araw iibig ang puso♫♪ Karylle found her comfort zone, that is with Vice's eyes. They're eyes met again after that feel na feel na ni Karylle ang pagkanta. ♫♪Ikaw ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw♫♪ Vice can't afford to blink even just for a split second, dinadama niya ang bawat katagang binabanggit ni Karylle. Kung wala lang tenga na haharang sa pag-ngiti niya ay malamang aabot na ang ngiti niya hanggang sa bunbunan niya. "I heart you" Vice mouthed. Para naman siyang nahiya ng bigla, nalusaw siya sa ngiti na ginanti ni Karylle. ♫♪Ikaw ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw At hindi pa'ko umibig ng gan'to At nasa isip makasama ka habang buhay♫♪ "Cuz this is it! Nagpapahiwatig na si Karylle. Go na go na ituu!" kinikilig na sabi ni Anne lumapit ito kay Vice. "Wag ka muna agaw moment." Sagot ni Vice pero nakatingin pa din ito kay Karylle. ♫♪Ikaw ang pag-ibig na hinintay Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw Puso ay nalumbay ng kay tagal Ngunit ngayo'y nandito na Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw Pag-ibig ko'y ikaw...♫♪ Hindi naman napansin ni Karylle na wala na si Vice sa paningin nito, nadako naman ang paningin niya sa mga nasa harap na judges. Napayuko siya ng makita ang isa sa mga judges smiling at her while clapping. At may sinabi ito hindi niya lang maintindihan. Pagdating sa backstage since nakayuko siyang naglalakad ay nagulat siya ng may bigla siyang naramdaman na yumakap sa kanya. "Ang galing ng myloves ko." Proud na proud na sabi ni Vice. "Erkk, a-aray hindi ako makahinga." Umuubo na sabi ni Karylle super higpit naman kasi ng yakap nito sa kanya. "Sareh sareh hindi ko napigilan." Humiwalay na siya and give Karylle a smack in her forehead. Sumingit na ang isa sa mga coordinator na kailangan na ni Karylle bumalik sa dressing room para magpalit. Naglakad na pabalik si Vice pabalik sa upuan niya at nilapitan ang isa sa mga judge. "Uy ung no.15 iboto mo ah." Bulong niya dito. "Kaw talaga Jose hindi mo na kailangan sabihin pa. She's on my top. She's beautiful and has a unique voice" Tinapik naman ng malakas ito ni Vice sa balikat. "Uy Christian akin yun ah. Ang mga mata mo dudukutin ko yan." Inis na sabi ni Vice, ganoon sila kaclose nitong kausap ito kasi ang long lost kababata nila ni Anne. Napatira lang ito sa States at isa na ito ngayon na isang sikat na theater actor doon. Ito pala ang sinasabi ng pinsan na special guest na judge nila. "Are you joking Josemarie?"gulat na tanong nito. "Ay hindi, hindi ka na makakalabas ng buhay dito." Inis na sabi ni Vice at nagwalkout at bumalik sa upuan nito. Nasa gilid lang kasi siya ng mesa ng mga judges kaya kita niya ang malagkit na tingin nito kay Karylle. Rumampa na ang mga kandidata with their sports outfit, ang cute ni Karylle with her tennis player outfit naka all white ito at may sunvisor din na white habang may hawak na raketa. Naglalakad siya with a lot of confidence, Anne remind her not to get nervous anymore dahil sa mukhang malakas ang laban niya at sinunod naman niya ito at binigay ang lahat ng lakas niya. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat ang announcement ng top 5. They were all wearing their night gown na. Parang nasa lalamunan na ni Karylle ang puso niya sa sobrang kaba, apat na kasi ang tinatawag. Pinapa-suspense pa ng emcee ang pag-announce. "For the last candidate that will fill the last spot let us our special judge announce it. Mr. Christian Baustita please let's do the honor on announcing the last candidate." Tumayo si Christian sa kinauupuan niya at nakangiti na nakatingin ng deretso kay Karylle. "The last candidate that will fill the last spot has it all, she is a complete package. Beauty and talent are there. Let's congratulate Karylle Tatlonghari." Nagpalakpakan ang mga tao, naghihiyawan naman ang tres marias si Anne at si Colleen. "Woooohh. Kaloka ang saya saya noh!" hiyaw ni Archie na proud na proud dahil sila ang nagayos dito. "Nakakainis!" dabog ni Vice, ramdam niya kasi na may something tong si Christian kay Karylle. Kilala niya kasi ito pag ganon ang mga titig nito sa babae it means may gusto ito. "Bakit cuz?" takang tanong ni Anne ng makitang nakasimangot si Vice. "Pagsabihan mo yan si Christian ah, daot eh kanina pa kung makatingin kay Karylle eh." "Meme jellyace na agad?" pang-aasar ni Aaron. "Tse wag niyo ko kausapin." Nakahalukipkip na sabi ni Vice habang nakadekwatro. Nagsimula na ang question and answer portion. Isa-isa ng tinatawag ang natirang limang kandidata. "Ms. Lauriellen Guinto please select the judge that will ask you the question." Inabot ng emcee ang bowl na may name ng mga judges. Napili nito ang Mayor nila. "Ms. Guinto, if you will only have 24hrs to live what will you do?" napalunok naman ang kandidata. Mukhang hirap magisip ng isasagot. "A-ah u-hm if I have 24hrs to live I believe that I need to u-hm a-ah you need to let me go home now so I can spend my other time with my family. That's all thank you very much" nagtawanan naman ang mga madlang pipol sa sagot nito. Tinawag na ang pangalawang kandidata. "If you will be given a chance to talk to our President what will you tell him?" tanong ng napili nitong judge. Taas noo naman ito na ngumiti at inagaw ang mic sa emcee. "Mr. President baka pwede po makita ko ang Kathniel sobrang idol ko kasi sila ang gwapo gwapo pa ni Daniel.." Napafacepalm naman ang mga judge sa sagot nito. At sa wakas ay tinawag na si Karylle, isa na lang ang natitirang judge na hindi pa napipili at iyon ay si Christian. "Hi Karylle." Malambing na bati nito. Tumugon din naman si Karylle. "Here is my question, if you need to choose between career and love what will you choose and why?" sobrang napaisip naman si Karylle ng magandang isasagot never niya pa kasi ito naexperience. So she think what if in the future she will experience it. "That's a very hard question thank you by the way, uhmm. My answer is I'll choose the one I love. Why? Because if I chose my career and I don't have my inspiration parang hindi kumpleto. Ang career andiyan lang yan lalo na kung alam mo naman ang kakayahan mo, but love? Mahirap hanapin yun ngayon kaya hindi natin dapat pakawalan ang isang tao na mahalaga sa atin. Yun lang po, maraming salamat." She vowed hindi niya alam kung okay ba ang sagot niya basta maitawid lang. "Very well said." Pahabol na komento ni Christian. Before inanounce ang mananalo ay nag-announce muna ang emcee ng iba't ibang special awards, halos mahakot na ni Karylle ang lahat ng mga awards. Pinakita din sa white screen ang kuha ng swimsuit pictures nila at nakuha din ni Karylle ang best in swimsuit. Halos mapuno na siya ng sash at sangkatutak ng bulaklak. Lahat ay kinakabahan na magkakahawak silang lima ng inaanounce na ng emcess ang mga mananalo. Hanggang sa dalawa na lang si Karylle at ang isang kasama nito. Nauubusan na ng oxygen si Karylle feeling niya anytime mahihimatay na siya sa sobrang nerbyos. "Goo myloves. Gooo myloves." Sigaw ni Vice, ang kaninang tahimik at inis na inis ay nabuhayan ulit. "Christian will announce the winner at ang matitira ay ang first runner up." Nakayuko si Karylle habang nakapikit. "The winner got a total points of 95.7% while the first runner up got 91.06%. And I think the winner really deserved this I wanna add aside from being beautiful, talented she's also bright and smart. So all let's all congratulate our Ms.Pagudpud 2015, Ms. Karylle Tatlonghari." Karylle jaw dropped literally when she heard her name. She still can't believe it. Natakip niya ang dalawang kamay sa bibig niya. Lumapit ang ibang judges sa kanya put on the sash with the title, a crown and another boquet of flowers. Lahat ito ay nagbeso-beso kay Karylle and congratulate her. Nang si Christian ay palapit na kay Karylle para i-congratulate ito nagulat na lang ang dalawa dahil sa pagsingit ni Vice sa gitna nila. "Congratulations." Christian said, inirapan naman siya ni Vice. "Josemarie time really changed people huh. I didn't expected na ganito ka na ngayon. I'm still in shock." Bulong nito kay Vice. "Can you stop calling me like that nakakairita." "Can I sing with you Karylle?" request ni Christian. Agad naman inanounce ng emcee ang duet nito at hinila si Vice pababa ng stage ng mga organizer. "Punyeta ah pinagtutulungan niyo ako." Asar na sabi ni Vice. "Alalahanin niyo nakatungtong kayo sa resort ko." Maktol na bumalik si Vice sa upuan niya. At gusto ng tirisin si Christian habang kasamang kumakanta si Karylle. "Kalma lang meme." Hagod sa likod ni Buern dito. "Paano ako kakalma? Aber? Tignan mo tong si Karylle gusto-gusto pa na kaduet tong ungas na Christian na to" sasabog na ang dibdib ni Vice. "Nakakainis na merlat yan ang hirap pala sa damdamin ang ganito. Parang pakiramdam ko kaya ko ng makipagsuntukan." Inis na patuloy ni Vice. "Ginusto mo yan, panindigan mo!" humahalakhak na pang-aasar ni Archie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD