Chapter 16

3366 Words
Nagising si Karylle sa tunog ng cellphone niya. Ang hirap pa buksan ng mga mata niya ngayon niya lang kasi naramdaman ang pagod sa byahe kahapon. "uhm hello." Sagot niya. "Myloves goodmorning gising ka na po." Malambing na sambit ni Vice. Maaga siya nagising ewan ba niya excited na siya makita ulit si Karylle. "Myloves mo mukha mo." Nagising ang diwa ni Karylle sa boses ni Vice. Ang aga-aga kasi nakakaramdam siya ng kakaiba. Kilig ba ang tawag don? "Suplada naman ng myloves ko. Andito ako sa labas ng kwarto mo pwede ba pumasok?" pagkasabi ni Vice nito ay napaupo kaagad si Karylle sa kama niya at hindi alam ang gagawin. Hindi siya makasagot pero wala na siya nagawa binuksan na ni Vice ang pintuan niya. "Hi myloves." Ang laki ng ngiti ni Vice ng makita si Karylle na bagong gising na sobrang g**o ng buhok. "Hindi pa ako sumasagot kung pwede ka pumasok andito ka na agad." Medyo naiilang na sagot niya, hindi man lang siya nakapag-prepared ni isang hagod ng suklay ay hindi niya nagawa. "Alam ko naman na papayag ka. Hehe." Lumapit ito sa kama ni Karylle at umupo. "Wag ka muna lalapit hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush eh." Sabi nito habang umuusog palayo kay Vice. "Wala akong pake." Nakangising sabi ni Vice. "Tsee teka lang." agad na tumakbo si Karylle sa banyo. Napahawak sa dalawang tuhod niya at napayuko. Eto na naman ang mga puso niya ang aga pa kung makatibok wagas. Nang makamove-on na siya sa heartbeat niya ay agad na tinignan ang sarili sa salamin, hindi maiwasan mapangiti na parang baliw. Kinikilig nga ba talaga siya? Dahil kay Vice?. Kinuha na ang toothbrush niya at nagsipilyo pero hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya si Vice na nakahiga habang hawak ang cellphone na bigay nito sa kanya. "Ayan may bagong picture ako diyan sa gallery mo. Meron ka na naman bagong picture na pagpa-pantasyahan mo." Vice chuckled inabot ang cellphone kay Karylle at sabay hinila ito sa tabi niya. "Kapal ng mukha mo talaga, never ako magpapantasya diyan sa mga pictures mo. Di bake kung kay abs ka." Ganting asar ni Karylle na nakayuko ngayon nasa tabi kasi siya ni Vice, nilagay ni Vice ang ulo niya sa bisig niya at lalong nilapit ito sa kanya. Halos ilang inch na lang ang pagitan ng ulo nila. "Talaga lang ah echosera ka. If I know kinikilig ka sa mga pictures ko. Maggygym na ako pag nagka-abs ako hu u ka sakin." Mahinang sambit ni Vice, hinawakan ni Vice ang baba nito para makita niya ang mukha ni Karylle. "Luh asa ka." pang aasar ulit nito, tinignan niya saglit ang mukha ni Vice at nakitang nakangiti ito sa kanya agad naman niya iniiwas ang paningin dito. "Pa-hug ako ah." Asusual hindi na naman niya hinintay na tumanggi pa ito at agad na tumagilid siya para mayakap si Karylle. Nasa dibdib niya ang ulo nito kinuha niya ang kaliwang kamay ni Karylle para yakapin din siya nito. "Di naman ako makahinga." Mahinang reklamo ni Karylle, natawa naman si Vice dahil ang higpit na pala ng yakap niya dito he adjusted it na sakto lang ang higpit. Tahimik lang silang while hugging each other, if only Karylle can hear Vice's heartbeat siguro matatawa ito dahil parang tambol na ito sa lakas. There's a lot of first time na nararanasan niya with Karylle, he fell in love before pero hindi ganito na lagi na lang siya nahihirapan huminga anytime na maglalapat ang mga balat nila. He smiled like he's going crazy, ang sarap ng feeling ng mga yakap na ito. Very fulfilling ng pagkatao. "I don't want this feelings to end. I want to be here with you, I want to protect you and I want you to stop crying because of your bastard ex.." Vice said with sincerity. Karylle can't react, even her dunno what's going on with Vice why suddenly ganito na ito sa kanya, hindi niya malaman kung ano bang ginawa niya at bigla na lang siya naging ganito sa kanya. "Vice..." tanging nasabi niya, Vice caressing her hair pakiramdam niya ay tumatayo ang mga balahibo niya. Pinilit niyang iniangat ang ulo to see Vice and his reactions, she want to see if somewhat Vice is saying it whole-heartedly. "Please forget him, stop being lonely because of him. You deserve someone better, I'm not sure if I will be better than him but I wanna try." Vice said it while looking straight to Karylle's eyes. "B-bakit a-ako?" she said while stuttering. "Coz my heart chose you, hindi ko nga din alam bakit it just happened. Sabi ko nga sayo ginayuma mo ako. Malay ko ba kung ano nilalagay mo sa pagkain ko." He said and wink at Karylle. "Ewan ko sayo, okay na sana eh." Kunyaring nainis si Karylle at pilit na pumipiglas sa yakap ni Vice, pero hinigpitan nito ang yakap sa kanya para hindi siya makaalis. "Seriously myloves, I heart you manang." Kinikilig na sabi ni Vice hindi na kasi niya maitago pa. Daig pa niya ang nagbibinata. "Manang pala ah." Inalis ni Karylle ang kamay sa pagkakayakap dito at kinurot ng paulit-ulit si Vice sa tiyan at sa tagiliran. At hindi naman nagpatalo si Vice at gumanti din ito kinikiliti naman nito si Karylle. "Ang sakit ah, isa pa hahalikan kita." Kunyaring reklamo ni Vice, pero hindi siya pinakinggan ni Karylle para silang mga batang nagkukulitan, pausog na ng pausog si Karylle para umiwas sa pangingiliti nito. "Haahahaha ayaw ko na, tama na!" bungisngis na sabi ni Karylle, nakuha kasi ni Vice ang kiliti niya. Sa talampakan. Umupo si Vice at lumuhod para mas mahawakan ng mabuti ang paa ni Karylle. "Kaw nga to ayaw tumigil, talagang gusto mo halikan kita ah." Kinurot siya ulit ni Karylle kahit hirap na hirap na sa sobrang pangingiliti niya. Sa sobrang kiliti ay napasipa si Karylle, hindi niya nakita na sa mukha ni Vice tumama ang paa niya. Agad naman nahilo si Vice at nahulog pa sa kama. "Aray! Ang s*****a mo hindi pa nga tayo. Battered boyfriend ang peg ko nito." Nakahawak sa may bandang pwetan niya si Vice medyo masakit ang pagkakahulog niya. Agad naman tumayo si Karylle at pinuntahan si Vice lumuhod siya sa tapat ni Vice na nakaupo. "Sorry ikaw kasi eh ang kulit mo." Hinaplos niya ang mukha ni Vice na nasipa niya. "Ang sakit" pacute na sabi ni Vice habang tinuturo ang ilong niya. "Sorry na." hinawakan niya ito at kinurot kurot. "Kiss mo baka mawala sakit." He said while pouting his lips. "Utot mo pink. Inuuto mo ako ah." "Sige na ang sakit eh." Turo pa din niya sa ilong niya. Nagdadalawang isip naman si Karylle kung susundin ang sabi nito. "Sige na nga." Hinalikan niya ng saglit ang ilong ni Vice, napapikit naman ito ng dumampi ang labi niKarylle. "Ang galing nawala ang sakit, dito pa oh ang sakit din." Turo sa kaliwang pisngi niya. "Talaga, hindi naman malakas pagkakasipa ko ah ang OA mo na ah." "Huhuhu nakasakit ka na nga nagrereklamo ka pa. Dito kiss mo din myloves." Sabi nito pero nakanguso naman. "Ewan ko sayo." Tanggi ni Karylle, tatayo na sana siya dahil mukhang pinagtritripan na naman siya ni Vice pero pinigilan siya nito. "Last na promise." Huling hirit niya pa. "Siguraduhin mo ah." Paniniguro ni Karylle. Ngiting tagumpay naman ang itsura ni Vice. Malapit na ang mukha ni Karylle sa kanya, ang mali ni Karylle ay nakapikit siya kaya hindi niya nakita ang sumunod na nangyari. Instead na sa pisngi maglalanding ang labi ni Karylle ay sa labi ni Vice ito napunta. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman niya ito. Vice hugged him again. "Kainis ka." Iritang sabi ni Karylle ng maghiwalay ang mga labi nila. Ang laki-laki ng ngiti ni Vice. "Hehehe I heart you myloves." Napakagat naman sa labi niya si Karylle, kumukota na kasi si Vice sa pagpapakilig sa kanya ngayong umaga. Agad na tumayo siya at padabog na naupo sa kama. Trying to compose herself, "Let's go na kain na tayo ng breakfast." Hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle at hinila na palabas. Maaga din siyang nagising para siya naman ang maghanda ng breakfast nila. Pagdating sa dining area ay iniwanan siya saglit ni Vice, umupo na siya at natuwa sa mga handang pagkain ni Vice. E for effort talaga. Parang ang dami nilang kakain sa mga niluto nila. Naramdaman niya na nasa likod na niya si Vice, nagulat siya ng hawiin ni Vice ang buhok niya na nakalugay at may inilagay sa may tenga niya. "Ano to?" kinapa niya kung ano ang nasa tenga niya. "Hehe gumamela wala ako makita na iba. Ayan lang yung bulaklak sa labas." "Salamat." Kiming sambit ni Karylle, napangiti na lang siya ng lihim. "Smile ka." Nagulat si Karylle na nakatutok pala ang cellphone camera ni Vice sa kanya. Naudlot naman ang pagkain nila ng may sunod-sunod na nagdoorbell. "Teka lang eggzited unli ang doorbelalo." Sigaw ni Vice habang naglalakad papunta sa main door. "Cuzzz goodmorning." Malakas na bati ni Anne. Napausog naman si Vice sa lakas ng bunganga nito. "Ang aga-aga may sirena ng bumbero." Irap ni Vice kay Anne. "Aba syempre! Where's Karylle?" pumasok na sila sa loob at tinuro na nasa dining area ito. "Hi ses buenas dias." Bati nito at nag beso-beso sila. "Hi Anne good morning." "Chuchal ang daming foods, ang cute mo ses sino naglagay niyang gumamela sa tenga mo?" pansin nito umupo na si Anne at nilagyan naman ng plato ito ni Karylle. Inginuso naman ni Karylle si Vice. "Bakit ang sama ng tingin mo?" puna ni Vice ng tignan siya ng masama ni Anne. "Ang cute mo cuz, tiboli ka na talaga. Kenekeleg ako ang aga pa." "Ilakad mo nga ako diyan ka Karylle pachicks pa kasi." Nanlaki naman ang mga mata ni Anne at muntik ng mabuga ang kape na iniinom. "Are you gonna court Karylle now?" hindi makapaniwala na tanong nito. Tumango lang si Vice habang nakatingin kay Karylle. "O-M-G! Sabi na eh. Hahaha. Kunyari ka pa ah. Hahaha omg! End of the world na ba cuz? What's with the sudden change?" pailing-iling na tanong ni Anne, she is just hoping last time and didn't see it happening right now. Tama ang kutob niya sa mga kinikilos ng pinsan niya. Si Karylle lang pala ang sagot sa mga panalangin nila ni Tita Rosario niya na makakapagbago sa damdamin ni Vice about getting into a real relationship with a girl. "It just happen. There's nothing to elaborate." Seryosong sabi ni Vice and give Karylle a sweet smile, sobrang nahiya naman si Karylle kasi andito si Anne bigla siyang naconscious. "Wow gumaganon ka na ngayon ah. Lume-levelup ka na, so ses may pag-asa ba tong pinsan ko sayo? Yes or no lang." deretsang tanong ni Anne. Hindi na nanguya ni Karylle ang kinakain niya napalunok na lang siyang bigla sa tanong ni Anne. "Myloves yes or no daw." Pang-gagatong pa ni Vice. "Potek may endearment na kayo? Waah hindi ko kinakaya." Kinikilig na naman si Anne. "A-ah hindi ko pa alam Anne." Nahihiyang sagot niya. "Okay lang myloves I'm willing to wait." Seryosong sabi nito. "Ayun naman pala eh willing to wait. Well nga pala cuz hiramin ko ulit si Karylle we will be having a photoshoot in Paoay sa Sand dunes later. Okay lang naman diba?" tinapunan naman ng masamang tingin ni Vice si Anne. "Pwede ba wag mo na lang isali si Karylle?" naalala niya na kasali nga pala ito sa darating na Ms. Pagudpud sa fiesta. "Nooo, wag ka nga cuz porket tiboli ka na ngayon magiging overprotective ka na." tanggi ni Anne. "Sasama ako." *** Bumyahe na sila Anne nakaconvoy sila si Karylle kasama ni Vice sa kotse nila. At sinusundan lang nila ang mga van na andon ang ibang mga candidates, organizers at photographers. Halos dalawang oras din ang byahe nila. Nakarating na sila sa tourist spot na Sand dunes of paoay isa itong malawak na lugar na akala mo ay disyerto. Nagtayo ng isang malaking tent ang mga kasama ng organizers para sa dressing room ng mga candidates. Medyo mainit na ngayon dahil halos tanghali na din ng dumating sila. "Ses let's go" yaya ni Anne kay Karylle na nasa kotse pa din ni Vice. Lumabas na ito at sumunod si Vice. Andon na ang mga ibang candidates at tatlong make up artist. Inayusan na sila at isa-isang isinalang sa photoshoot. Hindi naman nahirapan ang makeup artist kay Karylle dahil simpleng make up lang ay lutang na kaagad ang ganda nito. Isang maikling dress na heart tube ang suot niya na kulay red at 2 inches na white wedge. Tinawag na siya ng isa sa mga organizers dahil siya na ang next na isasalang. "Ohh." Tanging nasabi ni Vice ng makita na lumabas si Karylle sa tent. Nanlaki ang mga mata niya sa taglay na ganda nito. Nakita siya nito at nginitian siya ang init ay balewala mas natunaw siya kasi sa mga ngiti ni Karylle, nilapitan niya ito at inalalayan papunta sa location ng photographer. "Thanks Vice." "Ang ganda mo myloves." Nakatitig lang si Vice sa bawat galaw ni Karylle, nakailang shots din ang photographer pati siya ay hindi maiwasan na kuhaan din ito ng litrato. "Matunaw cuz." Bulong ni Anne. Hindi siya sinagot nito nakangiti lang ito at titig na titig pa din kay Karylle. "Good job Karylle, you all look good in your shots." Papuri ng photographer. Nakiusyoso naman si Vice sa camera nito. "Pahingi ako kopya niyan ah." Hiling niya sa photographer. "Sure" Inabot sila ng tatlong oras sa Sand dunes, habang naghihintay sa mga iba ay nagpaalam sila na sasakay sa 4x4 para maexperience naman ni Karylle ang sumakay dito. "Anne sa tabi ka ni Manong dito kami sa likod ni Karylle." Binigyan sila ng instructions ng driver ng safety tips dahil hindi basta-basta ang dadaanan nila. Puro matatarik na pababa tipong nasa rollercoaster. "Kayong nasa likod, tayo lang kayo at hawak ng mahigpit." Huling bilin ng driver. "Nakakatakot ata to Vice." Nanginginig na sabi ni Karylle. "Don't be afraid andito lang ako. Just enjoy it. Kapit ka lang sa kamay ko" Vice gave her an assurance that everything will be alright. Nagsimula ng umandar ang 4x4. Ang lakas ng kabog nila Anne at Karylle, first time to ni Anne kasi never niya ito tinry natatakot kasi siya. Unting andar pa lang ay pababa na sila sa isang matarik na daan. "Waahhhh" sigaw nilang tatlo ng habang pababa ang sasakyan nila. "Sh1t ang sakit ng braso ko manong." Reklamo ni Anne habang nakatawa. Para kasi siya iniitsa habang pababa ang sasakyan. "Okay ka lang myloves?" tanong ni Vice sa tahimik na si Karylle. "Nahulog yata ang puso ko." Namumutla na sabi ni Karylle, sasagot na sana si Vice pero pababa na naman sila mas mataas ngayon. "Waaahhhhh ang panty ko malalaglag na yata." Sigaw ni Anne. "Ayaw ko na." natatakot na sambit ni Karylle. Ayan na naman at pababa na naman sila mas matarik. Mas mataas. "Ang kaluluwa ko! Naiwan!." Sigaw na naman ni Anne. Tinatawanan lang sila ni Manong driver. "Grabe ka kuya tuwang tuwa ka pa habang kami naloloka na dito." Inis na sabi ni Anne, nginisian lang siya nito. "Waahhh naiihi na akoooo." Sunod-sunod na kasi ang pagdausdos nila pababa daig pa ang roller coaster nito. Ang higpit ng hawak ni Karylle sa kamay ni Vice, namamawis na nga yata ito dahil sa sobrang kaba niya. "Hindi pa ba tapos?" naiiyak na sabi ni Karylle. "Malapit na myloves wag ka matakot. Hawak kita." "Pitumpot pitong tupa! Ayaw ko na manong. Bibilhin ko na tong disyerto na to para hindi na ako makaranas ng ganito." Nakakalokang sabi ni Anne, lalo natuwa si Manong driver kaya binilisan nito ang pagpapatakbo. "Waaaahhhh" lakas ng sigaw ni Karylle. "Last na kapit" paalala ni Manong driver. Sobrang taas ng dausdos nila akala mo ay kasing taas ng tatlong palapag na building. "Vice mamatay na yata ako." Hingal na hingal na sabi ni Karylle paglanding nila sa patag. Laking pasalamat nila dahil ng pabalik na sila ay puro patag na lang at hindi na sila dumaan sa mga matataas ng lugar. "Wag naman mamahalin mo pa ako." Nilapit niya si Karylle sa katawan niya ramdam niya ang panginginig ni Karylle hinaplos niya ang likod nito para maging mahulasan sa kaba. Sa kanya naman ay balewala lang nagenjoy pa nga siya sa adventure nila. Pagdating nila sa location ay sakto naman na nagpa-packup na. Next destination kasi nila ang resort ni Vice for another photoshoot para sa swimwear photos. Ang target ng photographer kasi yung tipong almost sunset na at makikita ang patagong araw sa background. Nakarating naman sila on time agad na pinagbihis ang mga candidate para isalang sa next photoshoot nila. Dito sila sa may bandang dulo ng resort kung saan maraming bato na malalaki. Medyo naiilang si Karylle sa suot ngayon, two piece na red swimsuit pero may sarong naman sila na tumatabing sa pangibaba pero never pa kasi siya nagsuot ng ganito at madami pa ang makakakita. "Anne hinde ba pwedeng shorts na lang I'm not comfortable." Sabi niya kay Anne na kasalukuyan andito sa tent. "Naku ses kailangan talaga eh isa kasi ito sa magiging batayan saka may best in swimwear award din." Paliwanag nito napanguso na lang si Karylle. "No choice first time kasi sorry if ang arte ko." "Okay lang ses dalang-dala mo naman ang sexy mo infairview. Flat tummy and nice waist." Papuri nito. Si vice naman ay nasa labas hinihintay lumabas si Karylle, nauna niyang nakita si Anne na lumabas. "Uy kailangan ba talaga magsuot ni Karylle ng ganyan?" kanina pa hindi mapakali si Vice kasi nakita na niya ang mga naunang candidates sa mga suot nito. "Relax lang cuz kailangan talaga yun alam mo yan, pageant to may swimwear talaga parang bago ka naman." "Pero ayaw ko may iba makakita ng katawan niya." Medyo lumungkot ang boses nito. "Kaloka possessive na tiboli ang peg."hinampas naman siya ni Vice. "Eh basta hindi ako natutuwa." "Hoy cuz be proud kasi Karylle is so dam hot sexy. Natalbugan pa ako." "Talaga?" sakto naman labas ni Karylle na nakabalot naman ang buong katawan ng malaking malong. "Myloves." Tawag niya dito, napalingon naman ito. Sumama siya sa location ng kukuhaan nila ng picture. May mga tatlong ilaw sa paligid since medyo madilim na. "Okay Karylle your turn." Sabi ng photographer. Kinuha ni Anne ang malong na nakabalot sa katawan ni Karylle, halata naman na nahihiya si Karylle ng tumambad ang katawan niya sa madaming tao. Napabilog ang bibig ni Vice ng makita si Karylle with her hot red two piece swimsuit. It's not his first time to see girls wearing this halos araw-araw nakakakita siya ng naka-ganito pero iba ang paningin niya kay Karylle. Simply amazing. Ang ganda ng hubog ng katawan nito, flat ang tummy, maliit na bewang saktong laki na dibdib dagdagan pa ng nakapagandang mukha ni Karylle. "Ang laway tumutulo cuz." Pang-aasar ni Anne. "Tse." "Tiboling –tiboli ka na talaga." "Kuya wag mo masyadong titigan ang girlfriend ko. Ako na kaya ang kukuha?" inaagaw ni Vice ang camera nito ng mapansin na sobrang titig nito kay Karylle. "Cuz ano ba" hinila ni Anne si Vice. "m******s yang photographer na yan." "Okay Karylle, nakatayo naman put your two hands in your waist and give me your best shot." Utos nito. "Ang dami namang shots niya tama na yan." Reklamo na naman ni Vice. Sumasakto ang hangin sa paligid sa lalong pag-ganda ng kuha ni Karylle dahil ang mga buhok nito ay parang umaalon-alon. "Perfect. We're done yung boyfriend mo baka sapakin na ako." Nakatawang sabi ng photographer. Agad na pumunta si Vice sa pwesto ni Karylle at inilapat ang malong dito para matakpan na ang buong katawan nito. "Wag mo na uulitin to ah. Makakatay ko yung photographer na yun." Inis na sabi ni Vice, inihatid niya ito sa tent at inutasan na magbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD