Chapter 15

3843 Words
“I’m tipsy na let’s go to sleep na.” nahihilong sabi ni Anne, naubos na nila ang alak na iniinom at tapos na din sila sa nilalarong truth or dare. Tahimik lang si Karylle pati si Vice habang nagliligpit ng kalat sa sala. Pagkatapos ay dumeretso na si Karylle sa kwarto niya andon na sila Anne at Colleen. “Ses hindi ka na kasya.” Nakapikit na sabi ni Anne parang sinadya na masakop ang kama dahil nakabukaka ito habang nakahiga pati si Colleen ay ganoon din. “Saan ako matutulog?” malungkot na sambit ni Karylle. “Let’s go na sa kwarto ko.” Sabat ni Vice na nasa likod niya. “Ayaw ko Vice.” Tanggi niya. Pero hinila na siya nito. “Goodnight ses.” Pang-aasar pa ni Anne, ang tres marias ay kanya-kanyang pwesto na sa sala. Wala na siya choice ng hilahihin siya ni Vice papasok sa kwarto nito. “Halika na ito ang dare ko unfair naman if hindi ko gagawin.”yaya ni Vice sa mukhang natatakot na si Karylle nasa may pintuan kasi ito at hindi pa tuluyang pumapasok. “Hindi tayo pwede magtabi.” Napapalunok na sabi ni Karylle, naghuhubad kasi si Vice ng damit niya mukhang magpapalit ng damit pangtulog bago pa nito tuluyang hinubad ang pang-itaas ay pumikit na siya. “Bakit naman harmless naman ako.” He said with his husky voice, lumapit siya sa tapat ni Karylle at dahan-dahang sinara ang pintuan. He can’t help but to smile with Karylle’s facial expression sobrang diin kasi ng pagkakapikit nito, mukhang hindi kinaya ang pagkakita ng katawan niya. He snap his finger three times in front of her face at laking gulat ni Karylle ng buksan niya ang mga mata niya dahil sobrang lapit na naman ng mukha nila sa isa’t isa. “Why you look like a nervous chicken?” nakangising sabi ni Vice. Nahalata pala ni Vice ang sobrang kaba niya, she dunno what she’s feeling right now. After their second kiss ngayon naman ay magkatabi silang matutulog ni Vice. Over na sa t***k ang puso niya feeling niya ay galing sa car race ang puso niya ang oa kung makatibok ngayon. “Kasi naman Vice hindi maganda t-tignan.” Nakayukong sabi ni Karylle, Vice is looking at her and she dunno how to look back kaya mas pinili na lang niya iiwas ang mga mata dito. “Anong masama don? Bakla naman ako at hindi ko bet ang mga merlat. Kung lalaki ka pa baka ginapang na kita” Agad na sagot ni Vice, napa-angat naman ng ulo si Karylle sa narinig at ngumiti ng kimi. “Oo nga pala, nakalimutan ko bading ka nga pala. Sorry ah.” Disappointed na sabi ni Karylle, para naman siya kasing binuhusan na naman ng malamig na tubig sa huling sinabi ni Vice. Bakit nga ba siya namomoblema pinagtritripan lang naman siya ni Vice. Tinulak ni Karylle si Vice palayo at pumunta na sa kama nito, inihagis niya ang blanket nito at isang unan. “Hoy ang sakit ah.” Reklamo ni Vice. “Diyan ka sa sahig matulog wag na wag kang tatabi sa akin.” Padabog na humiga si Karylle. Ewan niya ba at bigla siyang nainis. Napalitan nito ang kabog ng dibdib niya pero ngayon parang feeling niya ay high-blood na siya. Wala naman nagawa si Vice pumasok muna siya sa banyo at nagshower muna. Paglabas niya ay nakatalikod si Karylle hindi niya alam if natutulog na ito. Pinagkasya niya ang sarili sa 3seater na couch, hinihintay niya na magpalit ng pwesto si Karylle para makita ang mukha nito pero ilang minuto na niya itong pinagmamasdan ay ganoon pa din ang pwesto. Napangiti siya ng hindi niya inaasahan ng maalala niya ang kissing scene nila kanina, napahawak si Vice sa labi niya at napapikit. He dunno pero parang damang-dama niya pa din ang malalambot na labi ni Karylle dito. First time niya itong naranasan, he never kissed a girl before ngayon pa lang. Nakatulugan na lang niya ang pagmumuni ng mga sandali na magkalapat ang mga labi nila. *** 2 weeks after… Nagising si Vice na walang pagkain sa dining table, which is so unusual. He knocked on Karylle’s door pero walang sumasagot hindi na niya napigilan na buksan ito, to his surprised walang Karylle na andon. For the past few days nararamdaman naman niya ang pagiging aloof sa kanya nito. Bihira na din sila magkita dahil may bagong business ang Mama niya na pinapa-asikaso. Magtatayo kasi sila ng poultry at piggery na din kaya sinasamahan niya ito sa mga pagaasikaso kaya minsan ay late na siya makauwi. Bumalik siya sa dining table at umaasang may note man lang si Karylle for him. Nalungkot siya ng wala man lang siyang makita, nagtimpla na lang siya ng kape at pagkatapos ay naligo na. “Potek lowbat pala ako.” Sabi sa sarili niya. Isinasak niya muna sa charger ang cellphone para mabuksan man lang kahit saglit at makita kung may mga nagtext. Pag-on palang nito ay madami ng text notification. Agad niyang binuksan ito unang tinignan ang text ni Anne. “Cuz, I’m with Karylle hiramin ko lang siya for 3 days.” Napakunot naman ang noo niya hindi man lang siya nainform in advance na mawawala ito. Naalala niya wala nga palang cellphone si Karylle, gusto niya tong tawagan at tanungin kung okay lang siya. Kung nagbreakfast na ba ito. First time niyang hindi makasama ito sa pagkain ng almusal, bigla niya tuloy namiss ito. Nang mag 10% na ang battery niya ay agad na tinawagan si Anne, pero hindi ito nasagot. Nakailan na siyang dial ng number nito pero wala pa din. Padabog na lumabas ng bahay siya at nagdrive na papunta sa resort. Agad na hinanap si Buern. “Yes meme good morning.” Hyper na sabi nito, pero nagulat si Buern na hindi maganda ang timpla ng itsura ni Vice. “Bakit hindi niyo ako ininform na mawawala si Karylle?” mahihimigan ang inis sa boses nito. “A-ah akala ko meme alam mo na. Sabi ni Anne.” Paliwanag ni Buern dito. “You should inform me all the things that is happening here. Hindi porket kamag-anak ko you won’t tell me and just let it go.” Sigaw ni Vice, nagulat naman si Buern sa inaasal ni Vice. “Sorry Vice hindi na mauulit.” Nakayuko na si Buern. “Saan ba sila pumunta?” “Hindi ko alam meme. Sorry” mahinang sagot niya. “Hays! Wala kang kwenta kausap.” Iritang sabi niya at nagwalk out na pumunta sa restobar para kumain ang init ng ulo niya ewan niya ba kung bakit umorder ng madami at kumain na parang isang linggong gutom. Pagbalik sa opisina ay fullcharge na ang cellphone niya he tried to call Anne again pero ring lang ng ring ito. Alas diyes na pero hindi pa rin niya ito makontak. Nakailang text na din siya dito pero wala ring reply. Dahil wala silang lakad ng Mama niya ay buryong buryo na siya sa resort, napagdesisyunan na pumunta na lang siya ng mall. *** “Ses ito pala si Raf siya ang magtatahi ng gown mo for the upcoming pageant.” Pakilala ni Anne sa kaibigan na fashion designer. Andito sila ngayon sa Maynila nakakuha kasi ng mga sponsors si Anne dito. Katulad ng mga dress na susuotin, photographers at mga products din at services from a skin care company. “Naku Anne ah nastress ako sayo, two weeks na lang pala itong binibigay mo sa akin. Kaloka” reklamo nito, two weeks na lang kasi ay fiesta na sa kanila at gaganapin din ang big night for the pageant. Sinukatan si Karylle nito at pinakita ang sketch na damit na gagawin para dito. “Ang ganda parang hindi bagay sa akin.” Puna ni Karylle ng makita ito, sinukatan na din ang iba pang candidates pero bias kasi si Anne talaga she want to win Karylle. Kaya todo suporta ito sa kanya. Pagkatapos ay nagpunta na silang lahat sa MOA para puntahan ang sponsor nila na dermatologist. Meron silang libreng facial at mga kung ano-ano pang services na pwedeng gawin sa mga kandidata. Kinakabahan naman si Karylle dahil may branch ng store dito sila Yael. Nasa clothing business kasi ito at isa sa mga sikat ang business nito madami itong branches sa mga mall sa Manila. At dito madalas si Yael pumunta. “Ses why you look uncomfortable?” napuna ni Anne ang pagka-aligaga nito. Ang dami naman kasing daan na tatahakin nila papunta sa destinasyon nila ay doon pa sa way ng store ni Yael. “May naalala lang ako.” Malungkot na sambit niya. Bawat hakbang niya papalapit sa store ni Yael ay parang pahirap sa dibdib niya. Hindi niya alam anong mararamdaman niya pag nakita ito. Isang hakbang na lang ay tapat na ng clothing store ni Yael. She can’t help but to look inside kung andon ba ito the time na nasa tapat na sila. Her heartbeat skips then sunod-sunod ang pagtibok nito ng makita niya ang tanging taong minahal niya, nasa counter ito at kausap ang mga tauhan niya. She wants to go inside and tell Yael how she missed him so much. Gusto niya itong yakapin at tanungin kung hinahanap siya ba nito. She wants to know if Yael missed him too. Hindi man niya aminin pero may natitira pa din na pagmamahal siya para dito. Napansin naman ni Anne na wala na sa tabi niya si Karylle, lumingon siya at nakita itong nakatigil sa tapat ng isang boutique at nakatulala. “Ses what happen?” nag-aalala na tanong nito. Natauhan naman si Karylle na umiiyak na pala. “Masakit pa din pala.” Tanging nasabi ni Karylle, Anne was so puzzled. Hindi niya alam anong pinaglalaban ni Karylle at bigla na lang umiiyak. Hinila na siya ni Anne palayo sa boutique na yun. “Ses you can tell me what you feel. I’m willing to listen.” Tanong nito, pinauna na nila ang mga kasama at susunod na lang hindi kasi tumutigil ang mga luha na dumadaloy sa mga mata ni Karylle. “Nakita ko siya ulit. Masakit pa rin makita siyang masaya na wala ako.” Binulalas na ni Karylle ng todo ang nararamdaman. Niyakap siya ni Anne ng mahigpit at hinagod-hagod ang likod nila, madami na din ang nakikiusyoso sa mga dumadaan. “I know how you feel pero you need to move on, meron pang iba diyan for sure na magmamahal sayo.” Lalong naramdaman ni Anne ang pagka-awa kay Karylle, hindi ito ganon ka open sa kanya when It comes to this pero ramdam niya na sobrang wasak ito and she really knows how it feels mahirap makalimot lalo na sa taong minahal mo ng sobra. Humiwalay na si Karylle sa pagkakayakap nila and give Anne a big smile. “Thanks Anne, sana malapit na ako makamove on ang hirap kasi. At least nakita ko siya ulit I can continue with what I started ang kalimutan na siya ng tuluyan.” Natapos na ang pag-eemote ni Karylle. Pinunasan ni Anne ang mga natirang luha nito. “Let’s go ses it’s a brand new day. Ito na ang araw na sasabihin mo sa ex mo HU U ka ngayon! Pag nakita ka niya na super pretty for sure he’ll regret that you run away and he let you go. For sure yan!” nag-apir ang dalawa. Decided na si Karylle to change for the better. It’s time to love herself, be beautiful at ipangalandakan what beauty she really possess. Tama na ang old fashioned dress, thick eyeglasses at boring na hairstyle. Madaming nakuhang freebies sila Karylle at iba pang candidates, they had facial, footspa, Brazilian wax at madami pa. After that ay nagpunta sila sa isang salon sa mall, she have her eyebrows trim, eyelash extension, manicure at pedicure inayos din ang buhok niya hairspa at brazillian blowout. Halos pagabi na din ng matapos sila. Tomorrow will be their first photoshoot para sa gagawin na banner for their upcoming pageant. Andito na sila sa hotel where they will stay for tonight. Magkasama sila ni Anne sa kwarto. “Look at you ses your so damn pretty. Sabi ko sayo aayusan ka lang at super pasok ka na sa banga.” Nakangiting sabi nito, nasa harap kasi sila ng salamin ngayon. “Salamat friend for giving me this opportunity, feeling ko I’m the Karylle version 2.0 na.” masayang sambit ni Karylle. Maaga silang natulog para fresh bukas. Bukas din ay babalik na sila sa Ilocos after the photoshoot. *** Andito na sila ngayon sa studio ng sponsor photographer nila for their photoshoot maaga sila kasi uuwi din sila mamaya. Inayusan na sila isa-isa at sinalang na din para sa solo picture. Ang ganda ng kinalabasan ng kuha ni Karylle, ngayon pa lang ay naririnig na ni Anne na isa si Karylle sa top choice ng mga organizer. Tinuruan ni Anne si Karylle ng mga post na pwede nitong gawin, she also taught Karylle ng tamang paglalakad once nasa stage na siya. She really wants Karylle to bring home the bacon. Naalala niya bigla ang mga text ni Vice at mukhang galit na ito. Kaya hinanap ang cellphone nito at saktong tumatawag ito. Hindi na kasi niya ito nasagot kagabi bukod sa lowbat ang cellphone niya at nakasilent ay antok na antok na siya kagabi ng mapansin ito. “Kaloka! Are you ignoring my calls?” agad na bungad na singhal ni Vice sa kanya ng sagutin niya ang phone. “Pwedeng kalma lang cuz? Busy kasi ako kahapon.” “Ako kakalma? Halos mabura na ang redial button ko sa cellphone ko tapos your not answering my call.” Galit pa din na sabi ni Vice. “Ano ba ang kinukuda mo, ano bang problema mo?” medyo inis na din na sagot niya. “Ikaw! Kinukuha mo ang mga empleyado ko ng wala man lang permiso ko.” “Bakit cuz? Miss mo na si Karylle no? Yiieeh aminin?” pang-aasar pa nito. “Tseeh hindi noh, madami kasi kaming guest dito I can’t afford to lose them for few days. Alam mo naman summer time na.” paliwanag ni Vice medyo kumalma naman na siya. “Echosera! Sige mag-deny ka pa. Don’t worry were going home na today. Makikita mo na si Karylle mo, sabi mo yan ah hindi mo siya miss. Naku cuz wag ka maiinlove kay Karylle pag nakita mo siya ah.” Kinikilig naman si Anne. Hindi niya ba alam dito sa pinsan niya in denial pa din na may crush kay Karylle pachicks pa eh. “Totoo uuwi na kayo?” paguulit ni Vice para makasiguro kasi huling text nito 3days eh. “Hangkulit oo nga. Gusto mo hindi ko na iuwi si Karylle?” pananakot nito. “To’ naman sige wait ko kayo.” Masaya na ang tono ni Vice, nawala na ang inis niya simula pa kahapon. *** Halos alas diyes na ng gabi nakarating sila Anne sa Ilocos, hinatid niya si Karylle sa resort hindi na din nagpakita kay Vice at agad na umalis pagod na din kasi ito sa byahe meron pa silang mga photoshoot bukas. Dumaan si Karylle sa reception area. “Hi Ren” bati niya dito na kasalukuyang nakayuko at mukhang may ginagawa sa computer. “Hi Ate” agad na bati nito. “Kamusta dito ng wala ako?” tanong niya. “Ayon madaming tao ngayon nga fully book na tayo.” Kwento nito. “Saka napagalitan ako ni Sir Vice ang init ng ulo lagi.” Mahinang sabi nito. “Talaga? Wag mo na lang pansinin yun menopause na kasi yun.” Nakangising sabi nito. “Ate ang ganda ng hair mo ah bagay sayo. Ganyan ka na lang palagi.” Puna nito. “Hehe salamat oo new look na ako ngayon. Wag ka maumay ah.” Pagkasabi nito ay iniabot niya ang pasalubong niya dito galing Maynila. Inihabilin niya muna ang bag na dala dahil wala pa siyang balak umuwi sa bahay ni Vice. Nagsimula na siyang maglakad-lakad, gusto niya muna kasi ulit maramdaman ang comfort na nararamdaman niya tuwing napapag-isa, lumalanghap ng sariwang hangin at taning alon lang ng dagat ang naririnig. In short gusto niya muna mag-emote ng slight. “Sino yung kausap mo?” tanong ni Vice paglabas ng coffee shop napansin niya kasi ito habang naghihintay ng order niya. “Si Ate Karylle po.” “Nasaan na siya?” excited na tanong nito. Akala niya kasi namamalik-mata lang kasi siya, naka dress kasi ang babaeng nakita nakalugay ang magandang kulot na buhok. “Hindi ko po alam iniwan niya po ang bag niya dito.” Pagkarinig nito ay agad siyang tumakbo palabas. Alam na niya kung nasaan si Karylle, doon lang naman ito pupunta walang iba. At hindi siya nagkamali dahil natatanaw na niya ang imahe nito sa hindi kalayuan. Ewan ba niya at sobrang saya ng pakiramdam ng muling makita ito. Dalawang araw lang itong nawala sa paningin niya ay parang nangungulila na siya dito. Sa likod siya nito dumaan gusto niya kasi itong gulatin. Yumuko ng kaunti ng makalapit na siya at tinakpan ang mga mata ni Karylle. “Na-miss kita.” Bulong niya sa tenga ni Karylle. “Vice. Bwiset ka nagulat ako ng bongga” Sigaw nito. Tinanggal na ni Vice ang mga kamay niya sa mata nito at umupo sa gilid nito, naramdaman niya na basa ang kamay niya mukhang umiiyak na naman si Karylle. “W-what’s wrong?” seryosong tanong ni Vice, napansin naman niya na pinapahid ni Karylle ang mukha gamit ng likod ng kamay nito. Confirmed umiiyak nga ito. “Nakita ko siya.” Deretsang sagot ni Karylle, pero diretso din ang tingin nito sa dagat. Nalungkot si Vice sa narinig. “Anong naramdaman mo?” nagsisi siya bakit tinanong niya ito dahil nagsimula na naman umiyak si Karylle. “M-masakit, masakit pa din.” Garalgal na sabi ni Karylle, hindi naiwasan ni Vice na kuhain ang ulo ni Karylle at inihilig ito sa balikat niya habang hinihimas-himas ang buhok nito. “Makakalimutan mo din siya. Pilitin mo para sa sarili mo. Ako nga nakamove on na.” aniya, walang kibo naman si Karylle at patuloy lang sa paghikbi. “Oo naman gusto ko lang umiyak para ilabas ko na lahat ng natitirang sakit sa puso ko. I’m almost there at least now I know how it feels like to see him again. I know he’s happy without me, which is kailangan ko na talagang tanggapin from now on.” Pagkasabi nito ay tumayo siya. “Dalhin na sana ng alon ang natitirang sakit sa puso ko! Gusto ko na magsimula ulit. Dalhin niyo na lahat parang awa niyo na.” buong lakas ng sigaw ni Karylle, tumayo din si Vice. “Pagbigyan niyo na si Karylle, mamahalin niya pa ako. Dalhin na sana ng alon lahat ng natitira niyang pagmamahal sa ex niya.” Sigaw din ni Vice, napalingon naman si Karylle sa kanya sa gulat sa mga pinagsasabi nito. Natatawang hinampas ni Karylle si Vice. “Bwiset ka! Bawiin mo yun baka magkatotoo.” Protesta ni Karylle. Nakanguso naman si Vice sa narinig kay Karylle. “Ayaw mo ba?” he said with his pouting lips. “Lika na nga lakas na naman ng trip mo.” Naglakad na palayo si Karylle. Sinundan siya ni Vice at hindi napigilan ang yakapin ito mula sa likod. “I really miss you ako ba hindi mo namiss?” bulong nito. “Vice ano ba.” Pagpupumiglas ni Karylle para makawala sa yakap ni Vice, lumipat si Vice sa harap nito. “Ewan ko ba hindi ako makatulog simula ng umalis ka. Para akong timang na hinihintay ka.” Automatikong nag-init ang pinsgi naman ni Karylle. “Tama na Vice wala ako sa mood makipaglokohan sayo, pagod ako.” naglakad ulit palayo si Karylle. Ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi nito. “Promise hindi yun echos.” Sigaw ni Vice habang hinahabol siya. Napatigil naman sa paglalakad si Karylle parang nawalan kasi siyang ng lakas. Naramdaman na lang niya na nasa harap na ulit niya si Vice. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. “Siguro ginagayuma mo ako noh?” mahinang sambit ni Vice at lumapit ang mukha nito sa kanya, konti na lang ay maglalapat na ang mga ilong nila. “Kapal mo.” Inis na sabi ni Karylle. “Seryoso, ayaw ko na makikita na iiyak ka ulit. I want you to be happy, sana this time ako naman ang maging dahilan. Gusto ko lagi kang masaya and I want you to feel that because of me.” Seryosong sabi ni Vice. He realized something last night when he can’t sleep thinking of her. Yung ilang oras na hindi niya makita si Karylle ay okay lang pero ng mawala ito ng dalawang araw feels like he’s incomplete. “Vice naman please stop. Hindi na nakakatuwa. Pass muna ako today sa kalokohan mo.” Nahihirapan na si Karylle huminga, ang lakas na naman kasi ng t***k ng puso niya. Everytime na ganito si Vice sa kanya she doesn’t know why her heart is like this na kahit joke lang it's making her heart beat like crazy. “I can’t stop, you’re the one giving me happiness now. Let’s try, gusto ko subukan magmahal ng isang katulad mo. Hindi ako nagbibiro seryoso ako” Lalong nilapit ni Vice ang mukha niya dito, nose to nose na sila hindi naman mapakali si Karylle. Ilang beses na siya kurap ng kurap trying to check if she’s just dreaming. Vice kissed her just a smack then hug her tight. Pati si Vice hindi na din alam bakit nagkakaganito siya. This is too soon napakabilis pero parang hindi na niya kaya pang ilihim sa sarili na may nararamdaman na siya kay Karylle. It’s his first time to be like this, he don’t know how to court a girl but he will do all he can para lang mapa-oo si Karylle. “Vice naman, feelings na ang pinaguusapan dito kaya wag mo ako pagtripan please.” Sambit ni Karylle habang magkayakap pa din sila ni Vice. Kumalas naman si Vice at hinawakan siya sa baba niya. “Maghihintay ako hanggang maniwala ka na totoo ang sinasabi ko. Bakla man ako sa paningin mo ngayon pero pipilitin ko na maging lalaki sa nararamdaman ko sayo.” He said and give her a sweet smile. Sobrang daming kaba ang naramdaman ni Vice sa revelation na sinabi niya kay Karylle. Niyaya na niya ito umuwi since galing pa itong mahabang byahe. Pagdating sa bahay ni Vice ay agad na pumasok ito sa kwarto nito at sinabi kay Karylle na hintayin siya saglit. “Ano to?” tanong ni Karylle ng bigyan siya ni Vice ng isang maliit na paperbag. “Buksan mo. Bigay ko sayo yan.” Nakangiting sambit nito, binuksan nga ito ni Karylle at laking gulat ng makita ang isang box ng cellphone. “Nakakahiya hindi ko to matatangap.” Binabalik ni Karylle ito kay Vice “Hmmp pachicks pa eh. Sayo na yan binili ko yan para sayo, poorita ka kasi hindi makabili ng cellphone hindi tuloy kita makontak.” “Ganon ba? Wala naman kasi ako itetext kaya hindi ako bumibili ng cellphone.” Nahihiyang sagot ni Karylle. “So ngayon meron na. Andyan ang number ko nakasave na.” wala na nagaw si Karylle kundi tanggapin ito. Pagpasok niya palang sa kwarto ay binuksan na niya ang cellphone. Nagulat siya ng makita ang wallpaper nito ay picture nila ni Vice sa Baguio. Napangiti naman siya nagulat siya ng magring ito at bumungad ang picture ni Vice. Myloves calling… “Hi myloves ang ganda ba ng picture na lumabas?” “Kapal mo ah talaga ikaw na naglagay ng name mo dito.” “Syempre sige tulog ka na wag mo na pagpantasyahan picture ko ah.” “Asa!” “Iloveyoutoo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD