"Vice ano ba nakakahiya." Suway ni Karylle dahil ang ingay nito. Akala niya ay tapos na pero humihirit pa ito ng isa pang kanta.
"Ano madlang pipol diba gusto niyo pa kami marinig, isang kanta pa ba?" sigaw ni Vice sa microphone nito, naghihiyawan naman ang mga tao lalo na sila Anne, Coleen at ang tres marias. Lahat ay nagsisigawan ng isa pa.
Hiyang hiya na si Karylle at mukhang namumula na din ang kanyang mga pisngi dahil damang dama niya ang pag-iinit nito, napakagat na lang siya sa labi niya habang nakayuko.
"More more more" sigaw ng mga tao.
"Ayan sabi na ng madlang pipol yan ah." Sambit ni Vice kay Karylle.
"Ayaw ko na nahihiya ako. Balik na tayo sa mesa natin" Bulong ni Karylle, nginitian siya ni Vice at hinawakan ng sobrang higpit ang kamay niya.
"Just enjoy the moment, andito lang ako." He said with an assurance. Sinabihan na niya ang banda sa susunod na kakantahin nila. Nagsimula ng tumugtog ang mga ito, intro pa lang ay ang ingay na ng mga tao sa paligid parang mas dumami pa nga ang mga andito ngayon dahil halos mapuno na ang venue.
"Cuz! Kumu-combo ka na.. Itodo mo na yan.." sigaw ni Anne.
"Sinapian na si Meme." Hindi pa rin makapaniwala na sabi ni Aaron.
Lahat sila ay napainom sa sobrang tense sa nakikita sa kaibigan nila. Meron kasing parang mali. Lalo ng magsimula na ang tugtog at nakita ang ginawa ni Vice ay mas lalo silang naloka.
Tumapat ito kay Karylle, nilagay ni Vice ang kaliwang kamay ni Karylle sa balikat niya at ang kanang kamay naman niya sa bewang ni Karylle at ang kabilang kamay nila ay hawak ang mikropono.
V I C E
♪Bakit ngayon ka lang
Bakit ngayon kung kelan ang aking pusoy meron nang laman♪
Umpisang kanta ni Vice, titig na titig ito sa mga mata ni Karylle na pilit naman na iniiwas ng huli. Hindi maintindihan ni Vice anong nangyayari sa kanya basta ang alam niya lang ngayon masaya siya at nag-eenjoy siya sa ginagawa niya.
K A R Y L L E
♪Sanay nalaman ko na darating ka sa buhay ko
Di sanay naghintay ako...♪
Lalong lumaki ang ngiti ni Vice ng marinig na kumanta si Karylle, natutuwa siya sa mensahe ng kanta. Napapailing na lang ng bahagya habang nakangiti. Umaapaw ang kasiyahan ni Vice tuwing naririnig ang magandang boses ni Karylle.
V I C E & K A R Y L L E
♪Ikaw sana ang aking yakap-yakap
(Ikaw sana ang laging yakap-yakap)
Ang iyong kamay ang aking laging hawak
(Kamay lagi ang aking hawak)
At hindi kanya... (at hindi kanya)♪
Siguro kung andito ang Mama niya at nanonood malamang ay hinimatay na ito, first time kasi ni Vice umakto ng ganito. These feelings are really unexplainable for him. Indeed a confusion. Lumalakas din ang t***k ng puso niya na parang tumatalon ito sa kaba pero pinipilit niya pa din kumanta ng maayos.
V I C E & K A R Y L L E
♫♪Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko
(Bakit ngayon lang dumating sa buhay ko)
Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso
(Pilit binubuksan ang aking puso)
Ikaw ba ay nararapat sa akin
(Ikaw ba ay nararapat sa akin)
At siya bay dapat ko nang limutin
(At siya bay dapat limutin)
Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating
(Nais malaman bakit ngayon lang dumating)♫♪
Samantalang si Karylle, kung natutunaw lang siya sa mga tingin ni Vice ay kanina pa siya nag-evaporate. Ibang-iba kasi ang Vice na kaharap. Sobrang kakaiba, parang hindi ito ang maldita, pilosopo at mataray na baklush. Hindi tuloy siya masyadong makapag-concentrate sa kinakanta niya, kanina pa niya pinapanalangin na sana ay maglaho na lang siya at lamunin ng buhangin or tangayin ng alon, bigla sana magka-tsunami.
Hindi pa naman ito masyadong nakainom dahil kakaumpisa lang nila, iniisip niya tuloy na pinagtritripan lang siya ni Vice. Buong kanta nila ay nakatingin lang ito sa kanya, naiilang na tuloy siya kaya hindi na siya makatingin kay Vice ng diretso.
Nang matapos ang kanta ay agad na humiwalay si Karylle.
"Wala ba kayong mga kamay? Palakpakan naman natin ang super tamis na couple na si Vice at Karylle." Sigaw ng vocalist.
"Nilanggam kami dito meme, ang kati!" sigaw ni Archie.
"May diabetes na ako!" nakangusong sabi ni Buern.
"Nagbago na pananaw ko sa buhay, no more ampalaya day!" hirit ni Coleen.
"Cuz ang sakit na ng lalamunan ko. It's Vice's fault" tinodo ni Anne ang natitirang lakas at nagtititili. Sobrang natutuwa siya sa nakikita sa pinsan niya, she never expected it. As in never.
Humiwalay na ang kamay ni Karylle, hindi na nahabol pa ito ni Vice dahil busy siya sa pakikipagusap sa vocalist. Padabog na umupo si Karylle, nagsalin ng tequila sunrise ulit sa baso niya.
"Ses yung totoo? May pag-asa ba ang pinsan ko pag nanligaw siya sayo?" agad na chicka ni Anne sa kanya. Tinignan lang siya ni Karylle at hindi sumagot.
"Friend lalaki na si Vice." Sabat ni Colleen, tinignan lang din siya ni Karylle.
Pero hindi siya tinigilan ng mga ito.
"Pinagtritripan niya lang ako. Wag kayong OA! Never yan magkakagusto sa babae noh" sinagot na niya ang mga ito. Ang kulit kasi.
Narinig naman ito ni Vice na kakabalik lang sa mesa nila.
"Meme kumakalas ka na ba sa federasyon?" malungkot na tanong ni Archie.
"Oo nga kailan pa? Bakit? Saan nangyari? Paano mo naramdaman?" sunod-sunod na tanong naman ni Aaron.
"Manahimik nga kayo, echos lang yun." Nakangising sabi ni Vice. Napalunok naman si Karylle sa narinig, alam naman niya na biro lang ito ni Vice pero parang nasaktan siya ng slight. Hindi na lang niya masyadong dinamdam expected naman niya na gusto lang talaga nito siya pagtripan.
"Bad ka cuz, that's not what I saw awhile ago." sabat ni Anne.
"Uuwi na ako, late na din kasi may pasok pa ako." Singit ni Karylle, nalungkot naman si Anne. Napalingon naman si Vice dito, hinahanap niya ang kamay ni Karylle sa ibaba ng mesa pero iniiwas ito ni Karylle.
"Maaga pa ses." Sabi ni Buern ng makita ang oras, alas diyes pasado pa lang.
"Masama kasi pakiramdam ko kanina kailangan ko na magpahinga. Baka hindi pa ako makapasok nito pag pinilit ko pa" Mahinang sabi niya.
"Ihahatid na kita." Presinta ni Vice.
"Hindi na okay lang ako." Tanggi niya.
"Sige ses pahinga ka na baka mapaano ka pa." sumang-ayon na din si Anne, naalala niya na sinabi nga nito na masama pakiramdam nito kanina.
"Sige guys salamat see yah" tumayo na si Karylle at nagsimula na maglakad palayo sa mga kasama.
Hindi niya alam pero parang naiinis siya na gusto niyang umiyak sa sobrang kahihiyan. Kahihiyan na makita na kakaiba si Vice kanina at kahihiyan na namumula ang mga pisngi niya dahil sa mga titig nito sa kanya na para itong tunay na lalaki kanina. Ngayon niya lang kasi naramdaman yung ganon pag tinititigan siya. Malapit na siya lumiko paakyat sa daan patungo ng bahay ni Vice nang may maramdaman siya umakbay sa kanya.
"Sabi ko sayo ihahatid na kita, gusto ko na din umuwi eh." Si Vice lang pala, kinuha ni Karylle ang kamay ni Vice at padabog na tinaggal ito sa balikat niya.
"Don't be too touchy with me Vice kung okay lang." hindi na niya mapigilan na sabihin ito. Naiirita na kasi siya hindi na kasi nakakatuwa ang pakiramdam ng magkalapit ang mga balat nila.
Kinabigla naman ni Vice ang reaksyon ni Karylle, akala niya ay okay lang ito sa kanya, mali pala siya.
"Sorry, galit ka ba sakin?" tanong nito sa kanya, hindi siya sinagot ni Karylle nagpatuloy lang ito sa paglalakad tipong binibilisan pa nito para hindi sila magabot.
"Karylle, kausapin mo naman ako. Galit ka ba?" tanong niya ulit, hinarang na niya ang dinadaanan ni Karylle, he stretched his two arms para harangan ito pero hindi ito nagpapatinag at pilit na nilalagpasan siya pero hindi niya ito hinahayaan na makahakbang pa-abante para tuloy silang nagpa-patintero.
"Ano ba Vice padaanin mo ako." Mahinang sabi ni Karylle pero mahihimigan ang pagkainis, wala siya sa mood sumigaw nanghihina na kasi siya.
"Hindi kita titigilan hanggang hindi mo sinasabi kung galit ka." Mapilit na sabi ni Vice, hindi naman matinag si Karylle at pilit pa rin na pinipilit maka-alpas sa dadaanan niya.
"Hindi ako galit kaya umalis ka na diyan sa harap ko." Mahinang sigaw niya, nababadtrip na kasi siya kay Vice. Ang lakas pa ng loob magtanong kung galit ba siya.
"Wehh hindi nga, tignan mo nga ako kung hindi ka galit." Pangungulit nito.
"Naiinis na ako ah, padaanin mo na kasi ako." Halata na ang inis sa boses ni Karylle pero hindi pa din siya nagpatinag at pilit na umaabante para malagpasan si Vice.
Pero nagkamali siya sa huling hakbang niya, natapakan niya si Vice habang umaabante siya kinabigla naman nilang dalawa ng ma-out of balance si Vice at sumunod din ang katawan ni Karylle. Napahiga tuloy si Vice sa buhanginan at nakapatong naman sa kanya si Karylle.
Napapapikit naman ng todo si Karylle after niyang makita ang pwesto nilang dalawa.
"Arouch" reklamo ni Vice.
"Grrrr kasi naman ayaw pa ako padaanin eh." Galit na sabi ni Karylle.
Napahawak naman si Vice sa likod ng ulo niya meron kasing nakatusok na maliit na bato kaya ang sakit tuloy ng ulo niya parang nasugatan ata siya.
"Ang sakit ng ulo ko." Seryosong sambit ni Vice. Minulat ni Karylle ang mga mata niya at nakita nga na nakangiwi si Vice mukhang totoo ang sinasabi nito, agad siyang tumayo at inalalayan si Vice makaupo.
Lumuhod siya sa buhanginan at tinignan ang likod ng ulo ni Vice.
"Sorry Vice kaw kasi ang kulit mo eh." Agad na sabi niya ng may makita siyang kauNting dugo sa buhok nito.
"Anong nangyari sa ulo ko?" inosenteng tanong ni Vice.
"Halika na dadalhin kita sa hospital" nanginginig ang kamay ni Karylle ng may makitang dugo ulit sa sugat sa ulo ni Vice.
Hinawakan ni Vice ang parte na masakit at may nakitang bahid ng dugo sa palad niya.
"Kaya pala masakit eh. Waahhhhh may dugo!" sigaw ni Vice.
Hinawakan ni Karylle ang dalawang kamay ni Vice at pinilit itong tumayo.
"Akin na ang susi mo." Naiiyak na sabi ni Karylle, nag-aalala siya kay Vice.
"Saan moko dadalhin?"
"Sa hospital nga. Amin na susi mo." Natakot naman si Vice dahil seryoso na si Karylle. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya, nilagay ni Karylle ang kamay ni Vice sa balikat niya.
"Okay lang ako malayo sa bituka to." Anito, hindi siya sinagot ni Karylle. Pinagbuksan niya ng pinto si Vice sa passengers seat at saka pumunta sa drivers seat.
"Turo mo sa akin saan papunta ng hospital please." Mahinang sabi ni Karylle pagkatapos niya i-start ang makina, marunong naman siyang magdrive may kotse siya dati binenta niya lang dati pandagdag sa pambayad ng utang nila.
"Bakit ba kasi ang seryoso mo? Ayos lang ako." Curious na tanong nito.
"Nag-aalala ako sayo siyempre ako ang dahilan bakit may sugat ka." Sagot nito, napangiti naman siya sa narinig.
"Hindi ka na galit sa akin?" muling tanong ni Vice.
"Saan na ang daan Vice?" hindi niya ito sinagot at nagulat si Karylle ng kuhain ni Vice ang kanang kamay niya at itinuro sa kaliwang dibdib niya.
"Nakadaan ka na nga yata. Nabulabog kasi ito. Feeling ko na hit and run ako" Idiniin pa ni Vice ang kamay ni Karylle sa dibdib niya, sa parte kung nasaan ang puso niya.
Sinulyapan siya ng saglit ni Karylle na nakakunot ang noo at napatingin kung nasaan ang kamay niya. She can feel her cheeks turning red when their eyes meet, agad niyang kinuha ang kamay niya at nilagay ulit ito sa kambyo ng kotse.
"Vice for once please answer me with sense hindi na kasi nakakatuwa." Inis na sabi ni Karylle, nagdrive na lang siya at sa wakas ay tinuro na ni Vice ang daan papuntang hospital.
Bigla naman na natauhan si Vice sa huling sinabi ni Karylle, he's asking his self that maybe he's really not making any sense talaga. Dahil kahit siya ay nalilito at naguguluhan kanina pa siya ganito. Feeling niya ay nagiging tiboli na siya.
"Wait wag ka muna bumaba." Suway ni Karylle ng makarating na sila sa may tapat ng emergency room. Bumaba ito at pumasok sa ER. Nagulat naman si Vice ng makita na itong lumalabas kasama ang nurse na may dalang wheel chair.
Dinaluhan na si Vice ng mga nurse, nilinis ang sugat na natamo mula sa pagkakauntog sa bato, the nurses assured them na hindi naman malalim ang sugat kaya unting gamutan lang ay okay na si Vice. Nilagyan ng gasa ang sugat ni Vice pagkatapos linisan at lagyan ng gamot ang sugat na natamo.
"Okay na po siya mam hindi naman malalim ang sugat." Agad na sabi ng nurse nakaupo kasi si Karylle sa waiting area.
"Salamat po. Pwede na po ba kami umuwi?" tanong niya.
"Opo pwede na." pagkasabi nito ay nilapitan niya si Vice na nakaupo pa din sa wheelchair.
"Sorry Vice." Mahinang sambit niya.
"Sus okay na ako malayo sa bituka to." Nagbayad na sila ng bill nila, inalalayan niya si Vice pabalik sa kotse.
Tahimik lang ang byahe nila medyo inaantok na kasi si Vice pinainom kasi siya ng gamot kaya medyo inantok siya sa epekto nito.
Pagdating nila sa bahay ni Vice ay nagulat sila dahil andon sa labas non sila Anne, Colleen at ang tres marias na parang hinihintay sila.
"Woooh ses saan kayo galing ni Vice?" gulat na gulat na tanong ni Anne pagbaba niya ng kotse ni Vice.
"Ah—eh kasi may nangyari kay Vice." Hindi niya alam kung paano magsisimula.
Agad naman lumapit si Anne sa kotse ni Vice at binuksan ang pintuan ng passengers seat.
"Cuzzz" alog nito kay Vice na kasalukuyang natutulog.
"Ohh" gulat na sigaw nito. Hindi niya namalayan na andito na pala sila sa tapat ng bahay niya.
"Anyare meme?" tanong ng tres marias sa kanya.
"Wala naman bakit andito kayo?" tanong nito habang bumaba ng kotse.
"Nagyaya kasi si Madam Anne dito nabitin sa inom, tapos na kasi ang mga banda naboring na siya." Sagot ni Buern.
Nagulat ang lahat ng buksan ni Karylle ang pintuan ng bahay ni Vice.
"Pasok na kayo." Yaya ni Karylle. Dumeretso na si Karylle sa loob at kumuha ng pagkain ni Mumay. Lahat sila ay nakatingin kay Vice na tipong lahat ay may question mark sa mga noo nila pwera kay Colleen na alam na dito nakatira si Karylle.
Nakita nila na may dala na dog food ito at inilagay sa loob ng kulungan ng aso. Kinuha ni Karylle ang aso at binuhat at parang kinakausap.
"Alaga mo yan ses?" tanong ni Anne. Tumango lang ito.
"Cuz! Is there something that we didn't know?"
"So meme natuloy ang pagtira ni Karylle dito?" si Aaron. Tumango naman si Vice.
"OMG! Cuz you're living in the same roof?" eksaheradang sigaw ni Anne.
"Plangak eh ano ngayon?" nakataas ang kilay na sagot ni Vice.
Nagtititili si Anne na tipong matatanggal lahat ng tutuli nila sa tenga.
"I'm so excited cuz for my magiging pamangkin. Cuz I want a baby girl." Binatukan ni Vice si Anne ng manahimik sa pagiilusyon nito.
"Wag OA ah." Naglakad na papasok si Vice at sumunod na sila, si Karylle ay hawak pa din si Mumay namimiss na kasi niya ito lagi kasi siyang wala kawawa naman ang alaga malungkot.
"Anyare sa ulo mo meme?" napansin ni Archie ang gasa sa ulo nito.
"Wala dandruff lang yan na namaga." Nakangising sabi niya. Pinasok na nila Buern ang alak na dala nito at pulutan.
"Karylle." Tawag ni Anne sa kakapasok pa lang na si Karylle.
"Magbibihis lang ako Anne susunod ako." Nakatungong naglakad si Karylle papasok sa kwarto nito.
"Confirmed! Cuz paano nangyari to' napakamalihim mo na sa akin ah." Nagtatampo na sabi ni Anne.
"Si mama ang nagrequest na dito tumira si Karylle." Sagot nito, pinakwento ni Anne ang buong pangyayari paano nakilala ng Tita Rosario niya ito. Lahat naman sila ay nagulat sa nalaman.
Lahat sila ay nakatingin sa kakalabas lang na si Karylle, nakapajama na ito at nakataas ulit ang buhok nito na nakapusod pero walang salamin.
"Ses" lumapit si Anne dito at niyakap si Karylle.
"I'm sorry to hear about your story, Vice told me na nanakawan ka with all your stuff. We all know na how you got here and Tita helped you. Good thing that your safe." Nagaalala na sabi ni Anne, kahit naman na saglit pa lang niya nakakasama si Karylle ay magaan na ang loob niya dito. Mas lalo na she saw something sparks with Vice eyes awhile ago. She knew that her cousin is almost there, she can feel na unting push na lang Vice is about to leave the gayness he have.
"Salamat Anne." Hinila na siya ni Anne papunta sa sala kung saan ay lahat sila ay nakaupo sa sahig na pabilog. Si Vice, Anne, Buern, Coleen, Aaron, Karylle at Archie.
"Let's play something para hindi boring." Suhestiyon ni Colleen.
"Sige ano naman ses?" tanong ni Archie.
"Tagu-taguan?" si Aaron
"Jackstone?" si Buern.
"Tulog-tulugan na lang." humahalakhak na sabi n Vice.
"Truth or dare na lang" suhestiyon naman ni Anne. Napahawak naman ang tres marias sa mga baba nila na tipong nagiisip kung sasangayon sila.
Wala na sila nagawa dahil may hawak na bote na si Anne at pinapaikot na.
"Walang KJ ah." Paalala ni Anne.
Habang pinapaikot ni Anne ang bote ay siya ding pagikot ng shotglass. Unang tumapat ito kay Coleen.
"Ses ikaw! Ano truth or dare?" excited na tanong ni Anne.
"Hmm truth na lang." nagdadalawang isip na sagot.
"Ako magtatanong since ako nagpaikot." Ani Anne.
"Gora madam" si Buern
"Sa tingin mo ba bagay si cuz at Karylle?" kinikilig na tanong nito.
"Huh bakit kami?" nagreact si Karylle.
"Oo sobrang kinikilig ako sa kanila! Magtatayo ako ng fans club pag nagkataon." Tuwang tuwa na sabi ni Colleen.
"Echosera" react ni Vice.
"Yieeh ako din eh kinikilig talaga ng bongga. Sige ikaw naman Coleen magspin." Utos ni Anne. Tumapat naman ito kay Buern.
"Truth din ako ateng." Ani Buern, napaisip naman si Coleen. Parang ang hirap kasi.
"Nakatikim ka na ba ng babae?" nagulat lahat sa diretsong tanong ni Coleen.
"Ateng quizbee ang tanong mo ang hirap! Pwedeng easy lang kaloka" komento ni Buern.
"Dali na oo or hindi lang pero dapat yung totoo ah." Pang-aasar pa ni Coleen.
"O-oo" nahihiyang sabi ni Buern, naghiyawan ang lahat.
"Kadiri ka tiboli ka! Tsupeeee" sigaw ni Archie sabay tulak kay Buern.
"Ang pututoy bow!" si Aaron.
"Manahimik kayo ako na it's my turn bwahahaha lagot kayo." Pinaikot na ni Buern ang bote at tumapat ito kay Karylle.
"Lagot ka Ateng." Pananakot ni Aaron.
"Dare na lang ako ang hirap yata pag truth." Natatawang sabi ni Karylle.
"Aba nagdare pa talaga! Sure ka na ba is that your final answer?" paniniguro ni Buern.
"Oo wag mahirap ah." Hirit ni Karylle while smiling at Buern.
Nakangisi si Buern naiisip pa lang niya ang ipapagawa kay Karylle ay hindi na niya alam kung ano ang i-rereact after.
"I-kiss mo ang isa sa amin dito pwera sa mga merlat for 20 seconds" utos ni Buern, nanlaki naman ang mga mata ni Karylle at sabay sunod-sunod na napalunok.
"Ang hirap naman Buern, ayaw ko." Tanggi niya.
"Sabi mo sure ka na, I asked you so walang ng urungan hehe gora na."
Vice is clearing his throat na tipong kala mo ang daming nakabara.
"Ehemm. Eheem, ehemmm" si Vice.
"Ang tagal naman kasi bakit 20 seconds?" Naluluha na sambit ni Karylle.
Humugot ng malalim na hininga si Karylle bago tumayo.
"Huhu ang hirap sana pala truth na lang." nanghihina na sabi ni Karylle.
"Go kaya mo yan. No hard feelings" Cheer ni Vice.
"Tayo kayo sa gitna ah para kita namin." Utos ni Anne, na kilig na kilig na.
Nakapikit na nilahad ni Karylle ang kamay sa tapat ni Vice.
"Ako?" maang na tanong ni Vice. Agad naman na tumayo ito at tumapat sa harap ni Karylle.
"Shemas! Grabehan. Kinikilig talaga ako." Tili ni Coleen.
"Meme! Maghahanda lang ako ng plastic para sa susukahan namin." Pangaasar ni Aaron.
"Tse wag kayong epal." Nakabelat na sabi ni Vice.
"Walang malisya to ah." Nahihiyang sabi ni Karylle.
"Game na! Go Go Go" pagchi-cheer ni Anne.
Karylle opened her eyes and to her shocked she saw that Vice face is just an inch away from her. Nakangiti ito na parang nakakaloko.
"20 seconds starts now." Sigaw ni Anne
Vicee wet his lips bago hinagkan ang mga labi ni Karylle, lahat naman ay natulala. Si Buern ay napashot ng wala sa oras, dapat kay Coleen yung shot pero ininom na niya dahil sa sobrang pagkabigla sa kaganapan.
Vice wrapped his arms on Karylle's waist. Noong una ay para lang silang tuod magkalapat lang ang mga labi nila for the past 5 seconds but he can't control his self. He started to move his lips at dinadama ang mga malalambot na labi ni Karylle. Nilagay ni Vice ang mga kamay naman ni Karylle sa batok niya at binalik ang kamay niya sa bewang nito.
Parang sasabog naman ang dibdib ni Karylle sa sobrang halo-halong emosyon hiya, inis, takot at kaba this is not the first time their lips meet. She didn't know but she started to move her lips like Vice is doing. Sa tingin niya ay lagpas na ito ng 20 seconds but Vice don't want to stop. They were just like savoring each seconds that their lips were together.
"Cuz! OMG! Bakit ganyan ka. Ihatechu. Mamatay na ako sa kilig dito, feeling ko magkaka-epilepsy na ako" papadyak-padyak pa si Anne habang sinasabi ito.
Ang bilis ng ikot ng alak lahat ay hindi makapaniwala sa ginagawa ni Vice. This is really not him, the gay Vice.
Bigla naman bumalik sa katinuan si Karylle at kumalas na ito. At agad na bumalik sa pwesto niya na sobrang pula na ang mukha.
Habang si Vice naman ay hindi maalis ang ngiti sa mga labi nito.
"Meme tatangalin na talaga kita sa listahan ng federasyon! Kanina ka pa." seryosong sabi ni Aaron.
Nginitian lang siya ni Vice.
"Cuz yung totoo?" Sundot na tanong ni Anne.
Nginitian lang din siya ni Vice, nasa cloud nine pa kasi ang feeling niya. Napapailing na lang siya habang nakangiti dahil sa daming mga tanong ng mga kasama, samantalang si Karylle ay gusto ng magpakain sa carpet ng mawala na sa pwesto niya. Sobrang hiyang hiya siya.
"Sige na nga it's your turn na ses." ani Buern kay Karylle at ibinigay na nito ang bote.
Walang lakas na pinaikot ni Karylle ang bote at kay Vice ito tumapat.
"Dare." Agad na sagot ni Vice with a very big smile in his face.
"Eggzoited ang peg." Si Archie habang humahalakhak.
"Nemen." Kiming sagot ni Vice.
"Dare daw Karylle. Ikaw na ang maghatol." Si Coleen.
"Wala ako maisip." Mahinang sabi ni Karylle.
"Ako na lang if you want." Singit ni Anne.
"Ayaw ko gusto ko si Karylle." Ani Vice.
"Sige Anne ikaw na lang wala talaga ako maisip." Ani Karylle, medyo nalungkot naman si Vice gusto niya sana si Karylle ang magpapagawa sa kanya ng dare eh.
"Yes ako daw. Hmmm" nagiisip na sabi ni Anne.
"Go madam!" si Buern.
"Tonight magkatabi kayo na matutulog ni Karylle sa kwarto mo kasi doon kami sa guest room." Nagulat naman si Karylle sa sinabi ni Anne.
"Ayaw ko." Agad na sabat ni Karylle.
Lumaki ulit ang mga ngiti sa labi ni Vice.
"Salamat cuz you're the best talaga. Sige halika na matulog na tayo."