Chapter 13

3889 Words
Anong ganap sa Valentines Day? Ito ang araw kung saan ang may mga jowa or mag-asawa ay masayang mag-cecelebrate, magde-date kung saan-saan tahimik man or maingay na lugar. Eto ang araw para sa kanila, masaya. Pero para sa mga sawi, ang February 14 ay nawawala sa kalendaryo nila. Ang susunod sa February 13 ay February 15 agad. Masaya pa din kasi araw ng sweldo yan! Sulat ni Karylle sa diary niya, maaga pa naman kaya naisipan niya umpisahan sulatan ito, Mamaya na lang ulit kung meron pa ulit kaganapan after ng araw na ito. After the morning routine, pumasok na siyang mag-isa, ayaw niya kasi masanay na lagi silang sabay ni Vice pumasok nakakahiya na kasi siya. Hindi pa ito gising ng umalis siya and she don't want to bother him kaya nauna na siya. Medyo mabigat ang pakiramdam niya ngayon mukhang magkakasipon pa yata siya. "Hi Renely Good morning. Ang aga mo ah." Bati ni Karylle pagdating niya sa kasamahan sa reception. "Opo ate hinahatid kasi ako ng Itay bago siya pumasada sa bayan." Ito ang bagong kasama niya isang college student tuwing Friday up to Sunday lang ito andito since may klase ito during normal days kaya pagstart ng Monday sila na ni Coleen ang magkasama sa morning shift. "Sige gagawa muna ako ng tea sa pantry medyo masama kasi pakiramdam ko. Nag-almusal ka na ba?" tanong niya, may dala kasi siyang sandwich. "Opo tapos na ate." Anito, dumeretso na siya sa pantry at nilagyan ng mainit na tubig ang mug niya at ibinabad ang tea bag dito. Medyo guminhawa ng slight ang pakiramdam niya after niya uminom ng tea, paglabas niya ng pantry ay ang dami ng guest na nakapila kadalasan ay mga couples mapa teenager hanggang sa matanda. Hindi na nila namalayan ang oras dahil sa daming tao, humupa lang ang mga bagong guest ng after lunch. "Sige Ren kaw muna ang maglunch break ako na muna dito." Pumayag na din ito dahil sa sobrang gutom, sumaglit ulit si Karylle sa pantry para kumuha ulit ng mainit na tubig para sa tsaa niya. "Hi manang!" nagulat siya sa tumawag sa likod niya. Sino pa ba edi si Vice? "Hi." Malamyang sagot niya, nginitian niya lang ito at dumeretso na sa labas. Wala kasing tao sa post niya kaya nagmamadali siya. "Kumain ka na?" tanong ni Vice, sinundan pala siya nito. "Kakain pa lang ako may dala akong tinapay." Mahina pa rin ang boses niya ayaw niya kasi aksayahin ang boses niya matagal pa siya dito kalahati pa lang ng araw niya pagod na pagod na kaagad ang pakiramdam niya kasi. "Bakit ganyan ka ngayon may parang iba?" napuna kasi ni Vice ang pagiging low energy ni Karylle ngayon. "Masama kasi pakiramdam ko. Hi Sir/Mam good afternoon how can I help you." Biglang dami na naman ng tao at nagiisa lang siya, hindi na siya kinulit ni Vice at umalis na ito. Buti na lang at natapos na si Renaly sa lunch niya dahil sunod-sunod ang nagche-checkin at checkout. "Ate ako na bahala dito." Inayos muna ni Karylle ang huling guest bago siya tuluyang nagbreak. Maluha-luha na ang mga mata niya, pumunta siyang pantry at kinain ang baon niyang sandwich. Mukhang lalagnatin yata siya. Nagulat siya ng may humawak sa balikat niya at hinipo ang leeg niya. "Mainit ka ah." Pag-aalala ni Vice, sakto naman dahil talagang dinalhan niya ng gamot si Karylle. Nang lumingon sa kanya si Karylle ay mukha talagang masama ang pakiramdam nito. Inabot niya ang iba't ibang gamot dito hindi niya kasi alam ano ang kailangan ni Karylle kaya nagdala siya ng madaming gamot. "Ganito talaga ako nagkakasakit pag Valentines. Hehehe." Pagbibiro pa nito kay Vice. "Loka ka ano yan Valentines fever." kumuha ito ng tubig sa dispenser at ibinigay kay Karylle. "Salamat ah, dito sa gamot." Uminom na si Karylle ng bioflu para maagapan ang sakit niya. "Gusto mo bang umuwi na?" seryosong tanong ni Vice at umupo sa tapat nito. "Ah hindi mas lalo akong magkakasakit, okay lang ako uminom na naman ako ng gamot eh. Mamaya okay na ako." Tanggi niya, ayaw niyang iwanan ang kasama dahil madami talagang guest ngayon at baka madami pa mamayang gabi kawawa naman ito pag nagkataon na uuwi siya. "Sure ka? If ever hindi mo kaya paalam ka lang kay Buern medyo busy kasi ako sa labas meron kasi kaming sineset up na stage for the Valentines program mamaya." Nagaalala talaga si Vice sa kaharap pero ayaw talaga nito umuwi kahit anong pilit niya, nagpaalam na siya na lalabas na babalik na siya ginagawa para sa mamayang Valentines program at binilin na din nito kay Buern si Karylle. "Ateng" tawag ni Buern andito na ulit siya sa post niya lumipas na din ang isang oras simula ng uminom siya ng gamot at ngayon ay nag-aaudit siya ng mga available rooms pa. "Hi Buern" masiglang bati niya dito. "Sabi ni Meme uwi ka na daw at magpahinga." anito habang nakalumbaba sa tapat ni Karylle. "Ah okay lang, okay na ako. Medyo nawala na yung sinat ko, uminon naman na ako ng gamot eh." Pagtanggi niya ulit. "Text kasi ng text si Meme pinapacheck if okay ka lang." nakangusong sabi nito. "Pakisabi na lang na okay na ako." Totoo naman na okay na siya, mabilis naman umepekto ang gamot na binigay ni Vice kanina. "Okay ses ewan ko ba dito kay Meme paulit-ulit nakaunli siguro." Natatawang sabi nito, nagpaalam na ito dahil busy din ito sa pagaasikaso sa mga guest. Tuluyan na ngang gumanda ang pakiramdam niya isang oras na lang naman ay out na niya. Fully booked na din sila kaya puro mga pag-audit na lang ang ginagawa nila. "Hi girl. Happy Valentines." Hyper na bati ni Anne. "Hi, musta na?" nakangiting bati niya. "Sama ka ah after shift mo may party party kasi gusto kita kasama mamaya." Yaya nito. "Ahm tignan ko, masama kasi pakiramdam ko kanina baka bumalik pag nahamugan ako." Medyo nalungkot naman si Anne. "I have an extra summer hat sige na join ka na, I brought you damit pa that you can wear. Pretty please." Nakita na naman niya ang puppy eyes look ni Anne, pag ganito na siya hindi na niya ito matanggihan. "Sige na nga." Sobrang saya naman ni Anne at talaga naman na napayakap pa ito kay Karylle. "Ses sige balikan na lang kita dito like maybe mga 7:30 I'll just roam around muna." Inabot nito ang isang paperbag na susuotin daw niya. Nacurious siya kaya sinilip niya ito. Mukhang hindi niya nagustuhan kaya hindi na lang niya tinuloy ang pagbuklat dito. Dumating na din si Coleen pero hindi ito nakauniporme, naka summer dress ito na lagpas tuhod. "Hi friend. Hi Renely" bati nito sa kanila. Ang ganda ni Coleen umangat ang maputi niyang balat sa yellow summer dress niya. "Wala kang pasok?" tanong niya. "Waley nakapagoff ako hindi ko pwede palagpasin ang party party later" napabilog na lang ang bibig niya sa sinabi nito. Dumating na din ang bagong receptionist na pang-night shift inayos lang ni Karylle ang mga papers na iiwanan niya dito at pumunta sila sa pantry ni Coleen. "Parang ayaw ko na pumunta." Ani karylle. Siya namang dating ni Anne. "Ses" sambit nito. "Bakit hindi ka pa bihis?" patuloy nito. "Eh parang hindi ko keri yung dala mong damit para sa akin." "Nooo I think it will make bagay with you I'm sure. Let's go." Hinila na siya nito palabas papunta sa restroom. Nilabas ni Anne ang mga damit na dala niya para dito, isang napakaikling maong shorts, white sando at havaianas na kulay black. "Ang ikli hindi ko keri promise, pwede ba umuwi na lang ako." "Kaya mo to promise, I also bought you a new contact lens remember I asked you anong grado ng mata mo so pinagawan kita clear lang para mukhang natural. Stop wearing your thick eyeglasses na. So gora na magpalit ka na madami ng tao sa venue" mahabang sabi nito, itinulak na niya si Karylle papasok sa loob ng cubicle. Hindi sanay si Karylle sa ganitong suot, napapakagat na lang siya sa labi niya habang sinusuot ang napakaikling short. Pinipilit niya itong hilahin pababa pero saktong sakto lang talaga pati ang sando na suot niya ay halos makita na ang b*a na suo niya buti na lang maganda ang b*a niyang suot ngayon after that lumabas na siya na hiyang-hiya kay Anne. "Wow, look at you. You're so beautiful ses. Amin na ang glasses mo." Kinuha nito ang salamin ni Karylle at tinulungan ilagay ang contact lens na dala. Medyo nanibago si Karylle pagkatapos matapos ilagay nito sa mga mata niya saktong sakto naman sa linaw. "Huhuhu Anne pwede ba magbackout parang hindi ako makakalabas ng ganito talaga." Naiiyak na sabi niya. "You know what for sure madaming guys ang mapapalingon sayo grabe excited na ako sa pageant kukuha talaga ako ng magaling na mag-aayos sayo." pagboboost ng confidence na sabi ni Anne dito, tinanggal din ni Anne ang nakataling buhok ni Karylle at sinimulan ayusin ito, nilagyan niya ng hair moisturizing lotion ito para magglow. "Look at yourself, perfect. You're so pretty ses." Papuri nito. "Ehh hindi naman." Nahihiyang sabi nito. Pinaharap ni Anne si Karylle sa kanya para naman malagyan ng kaunting makeup, inaplyan niya ito ng light na foundation, blush on at light na lipstick. "OMG! Promise ses you really look good. Stunning indeed." Eksaheradang sabi nito. "Grabe ka hindi naman." Hindi rin makapaniwala si Karylle ng makita ang sarili, nakailang kurap pa siya para maniwala sa nakikita sa salamin. "Picture muna tayo." Inihanda ni Anne ang cellphone at nagselfie ang dalawa. Agad niya itong pinost sa i********: niya. "Hindi na ba talaga pwede umurong?" pangungulit nito kay Anne. "No, hindi, wit. Let's go ses excited na ako favorite banda ko kasi yung tutugtog. Gora na tayo." Hinila na naman siya ni Anne at mabigat siyang naglakad palabas at nakayuko. "Really now! Is that you girl?" gulat na gulat na reaksyon ni Coleen ng makita palabas sila Anne kasama ang nakayukong si Karylle, ang sexy pala kasi nito. "Si Anne kasi eh." "Kinabog mo ako friend." Hindi pa rin makapaniwala si Coleen sa transformation in just few minutes ni Karylle. "Don't bite your lips ses mawawala ang lipstick."pagsuway ni Anne, tense na tense na kasi siya talaga. Lumabas na sila ng reception area at naglakad na papunta sa venue. Sobrang daming tao na sa paligid, nakikipagsiksikan na sila habang hinahanap sila Vice. Ang daming mga mahahabang mesa at mga upuan ang nasa harap ng stage nasa tabi sila ng dalampasigan kaya ang sarap ng simoy ng hangin at medyo malamig din. Saktong pagdating nila ay nagsisimula na ang unang banda kumanta. Hinahanap naman ni Anne kung nasaan ang mesa ng pinsan niya at ng mga kaibigan. Bawat daanan nila ay talagang hindi maiwasan ng mga kalalakihan ang mga mapatingin sa kanila, tatlo ba naman na naggagandahan na dalaga ang dumadaan. Nasa likod lang lagi ni Anne si Karylle at hindi siya nito binibitawan nakita naman na ni Anne si Vice sa may bandang gilid ng stage. "Cuzzz" sigaw ni Anne sabay kaway sa mga ito, andito na din ang tres marias. "Oh ang tagal niyo." Agad na sabi ni Vice pagdating sa mesa nila. Binati din sila ni Coleen pero si Karylle nakatago pa din sa likod ni Anne. "Ses ang gwapo ng mga members ng banda yum yum yum" si Aaron kay Anne. "Asan si Karylle?" singit na tanong ni Vice. "Eto cuz hiyang hiya eh kanina pa nakatago sa likod ko. Halika na ses upo na tayo." Talaga naman umupo kaagad si Anne at tumambad na si Karylle na kiming nakangiti lang at hindi makatingin ng diretso sa mga tao sa harap niya. "Hi." Kinakabahang sabi niya, napanganga naman ang mga baklita sa nakita mas lalo na si Vice mukhang nalockjaw pa. "Si Karylle ba yan ses?" hindi makapaniwalang tanong ni Archie "Ay hindi sirena yan nakuha ko lang kanina sa dalampasigan." Pagbibiro ni Anne, hindi naman makaalis si Karylle sa kinatatayuan niya dahil parang naging tuod na siya sa sobrang kaba hanggang ngayon kasi nakatitig pa din sa kanya si Vice at nakita niya yun ng saglit na magtama ang mga mata nila. "Pak na pak ka ses, I told yah." Si Buern. "Merlat na merlat ang peg." Si Aaron, "Meme, meme, meme" si Archie habang inaalog sa braso si Vice. Pero parang hindi siya naririnig nito. Anne snapped her finger in front of Vice face. "Cuz umusog ka naman para makaupo si Karylle sa tabi mo." Napabalikwas naman si Vice na parang hindi alam ang nangyari umusog ito at pinaupo si Karylle. Nginitian niya ito ng malapit na ito sa tabi niya. Vice don't know what he's feeling right now. Ibang iba ang Manang na katabi niya ngayon, hindi naman nagdikit ang balat nila pero parang may kuryente na dumadaloy sa braso niya. "Ah hmm okay na ba pakiramdam mo?" Vice breaks the silence, mga busy na kasi sila sa panonood ng kumakantang banda. "Yes, again salamat sa medicine na binigay mo." Nakangiting sabi ni Karylle, Vice gasps for air ang lakas ng dating ng mga ngiti ni Karylle ngayon sa kanya. Bigla na lang siyang natameme at sakto naman dating ng mga pagkain na inorder niya. Sinimulan muna nilang kumain ng dinner, panaka-nakang tinitignan niya si Karylle na tahimik lang. "May gusto ka pa bang kainin? Order ka lang. Sagot ko." tanong niya dito, tinignan lang siya nito ng saglit at umiling bumalik na ulit ang tingin nito sa banda na nasa stage. "Ses ang galing nila noh? Favorite ko talaga sila pero excited na ako sa next band." Si Anne. "Oo nga ang ganda ng mga songs nila." Komento ni Karylle. Nakailang kanta din ang banda na ito, meron din mga nagsayaw sa gitna ng mga love songs na ang mga kinakanta ng mga ito. Nawala si Anne at Coleen sa mesa na hindi napansin ni Karylle. "Meme gora muna kami hahanap ng fafa" paalam ng tatlo sa kanila, sila na lang ni Vice ang natira sa mesa nila. "Hehe iniwanan na nila tayo dito." Natatawang sabi ni Karylle, nagsalin siya ng tequila sunrise sa baso niya. "Kaya nga eh. Ikaw ba do you wanna dance?" tanong nito. "Ay wala naman ako kasama doon saka nakakahiya manghila ng kasayaw baka mapaaway pa ako." Seryosong sagot ni Karylle, napafacepalm naman si Vice. Okay na sana pero engot pa din talaga tong babae na to. Hindi niya mapigilan na humalakhak. "Engot ka pa din. Alam mo ba yun?" deretsang sabi ni Vice, kumunot naman ang noo ni Karylle at napanguso. "Bakit anong engot don? Tama naman diba wala naman ako isasayaw doon." Naiinis na sabi nito. Nilapit ng bahagya ni Vice ang mukha niya sa gilid ng mukha ni Karylle. "Hindi ko naman kasi sinabi na makipagsayaw ka sa iba, tinatanong kita if you wanna dance with me?" Vice whispered to her ear. Nakita naman ni Vice ang sunod-sunod na paglunok ni Karylle. "A-ah ang g**o mo k-kasi magsabi. Hindi okay na ako dito, ikaw if you wanna go there I'm fine here." Sabi nito sabay inom. Lumipas pa ang dalawang kanta from the all boy band bumalik na ang mga kasama nila sa mesa nila. "Cuz bakit hindi mo sinayaw si Karylle?" hingal na hingal na sabi ni Anne pagkaupo. "Ayaw niya." Maikling sagot nito. "Ses enjoy the night para good vibes. Hindi porket single hindi na pwede magsaya." Anito, medyo tinamaan naman siya sa sinabi ni Anne. "Ganern cuz! May pinapatamaan kaba?" nakairap na sabi ni Vice. "Hahaha guilty! lahat kaya tayo dito single, so let's get ready to mingle. It's cupids day, we might find our someone na baka tonight." Anito, sabay salin sa mga baso ng mga kasama. "Cheers!" si Buern. "Kampai" si Aaron. "Para sa mga sawi at bitter today!" si Archie. "Korek! It's actually ampalaya day today for us!" makulit na sabi ni Coleen. Sabay-sabay nilang nilagok ang alak. They were patiently waiting for the next band, isa ito sa mga sikat na banda noong 90's last year pa nila ito binooked kaya excited talaga si Anne dito favorite niya kasi ito since bata pa siya. Nagsimula ng kumanta ang banda, hindi makamayaw ang mga tao sa paligid ng kumanta na ang babaeng vocalist. Lahat ay napapasway sa kanilang mga upuan, may mga nagsisindi ng lighter pa nila at winawagayway sa ere. Nagsimula na din dumami ang sa harapan ang mga couples na nagsasayaw puro love songs kasi ang kinakanta ng mga ito. "Happy Valentines mga katoto! Is everyone having fun?" sigaw ng babaeng vocalist. "Masaya kami na naanyayahan kami na magperform dito, so we are inviting a couple here that can join us to jam and sing for us. Anyone?" biglang may lumapit na waiter dito at may binigay na papel. "Oh we have a couple jammer now! May I call on Karylle and Vice." Pagkasabi nito ay nagpalakpakan ang mga tao sa paligid lalo na ang tres marias. "Anong ganap? Bakit tayo?" takang tanong ni Karylle. Nagkibit-balikat na lang si Vice at tumayo, inilahad nito ang kamay kay Karylle. "Let's go, wag mo ako ipahiya." Vice said it sounds sarcastic but he's smiling deep inside. "Ayaw ko. Nahihiya ako." "Walang hiya-hiya muna let's go." Hindi na hinintay ni Vice na hawakan ni Karylle ang kamay niya kinuha na niya ito ng s*******n at wala naman nagawa si Karylle kundi ang maglakad papunta sa stage. "Wow what a cute couple, you look good together. Ang swerte niyo sa isa't isa." Komento ng babaeng vocalist. "A-ah h-hin" itatangi sana ni Karylle pero pinigilan siya ni Vice. "Eto ang kakantahin namin." Singit ni Vice at itinuro sa vicalist ang song na napili niya. "Ok that's a nice song, so guys! Wala ba kayong mga kamay diyan, Vice and Karylle the stage is yours." Binigyan sila ng tig-isang microphone. Nagsimula na ang instrumental. Pero ang mga kamay nila ay magkahawak pa din, buti alam ni Karylle yung kanta, alam ni Vice na maganda ang boses ni Karylle naririnig niya kasi ito minsan kumakanta sa kwarto niya. Humarap siya kay Karylle na nakayuko lang. Nothing's Gonna Stop Us Now Multimedia Available Simula pa lang ng lyrics ay hinawakan na niya si Karylle sa baba para iangat ito na kasalukuyang nakayuko. "Just look at me" ani Vice, naaasiwa naman si Karylle pero sinunod na lang niya ito. V I C E ♫Looking in your eyes I see a paradise This world that I found is too good to be true Standing here beside you, want so much to give you This love in my heart that I'm feeling for you♫ "Pinsan ko yan! Potek magbabalik loob na yan! Ramdam ko." Todo sigaw ni Anne. Pati ang tres marias ay naninibago kay Vice kita kasi nila dito si Vice, nakatapat kasi ito sa kanila. Titig na titig ito kay Karylle at seryoso sa bawat pagbigkas ng mga liriko. K A R Y L L E ♫Let 'em say we're crazy, don't care 'bout that Put your hand in my hand baby, don't ever look back Let the world around us just fall apart Baby, we can make it if we're heart to heart ♫ "Ane be yen! Nakakakilig" Si Coleen todo alog siya kay Buern na kasalukuyang hawak ang braso nito. "Wag kang s*****a!" reklamo ni Buern. "Haha kakaiba pala kiligin tong si tisay nananakit." Nakatawang sabi ni Aaron. "Oh my gawd! Parang si Nora at Pips, Sharon at Gabby, Dawn at Richard ang peg ng dalawa!" hiyaw din ni Archie. Nang chorus na ay hinawakan ni Vice ang microphone ni Karylle at sabay na kumanta sa iisang microphone lang, unti-unting nilalapit ni Vice ang mukha niya dito hanggang sa maglapat na ang mga noo nila. Para naman mauubusan ng hininga si Karylle sa ginagawa ni Vice medyo nahihirapan tuloy siyang kumanta. V I C E & K A R Y L L E ♫ And we can build this dream together, standing strong forever Nothing's gonna stop us now And if this world runs out of lovers, we'll still have each other Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us now Woh woh oh ♫ "Wag kang matense" bulong ni Vice bago siya kumanta ulit, nilayo niya ng kaunti ang sarili at kumanta na ulit gamit ang sariling mic. V I C E ♫ I'm so glad I found you, I'm not gonna lose you Whatever it takes, I will stay here with you Take it to the good times, see it through the bad times Whatever it takes is what I'm gonna do ♫ Ang laki ng ngiti ni Vice habang kinakanta ito, para kasing para sa kanila ang liriko ng kantang ito. Bawat linya ay parang swak para sa kanya. Masaya siya at ang kaharap ang dahilan. "Meme itodo mo pa ang smile mo, nakakasuka! Ngiting panlalaki!!!" sigaw ni Buern. "Bakit ganon feeling ko may kakaiba talaga?" si Anne. Nagsimula na naman yumuko si Karylle, nahihiya na siya na ewan niya hindi niya maintindihan bakit ganito si Vice sa kanya nakakalunod yung mga titig nito. K A R Y L L E ♫Let 'em say we're crazy, what do they know Put your arms around me baby, don't ever let go Let the world around us just fall apart Baby, we can make it if we're heart to heart ♫ Muling iniangat ni Vice ang ulo niya para makita siya, he can see that Karylle is not comfortable anymore dahil umiiwas ito ng tingin sa kanya. "Sorry ang ganda mo kasi ngayon" singit ni Vice na narinig naman sa microphone. "Wah!!! Itodo mo na cuz!" todo sigaw ni Anne at nagtatalon na siya sa tuwa. "Josemarie estatchu!!?" nagsisigaw din ang Tres marias, si Coleen parang nastroke na dahil nakasalumbaba na lang sa mesa at hindi na nakapagsalita. V I C E & K A R Y L L E ♫ And we can build this dream together, standing strong forever Nothing's gonna stop us now And if this world runs out of lovers, we'll still have each other Nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us Ooh, all that I need is you All that I ever need And all that I want to do Is hold you forever, forever and ever ♫ Natapos na ang kanta puro instrumental na lang ay nakatitig pa din si Vice kay Karylle, ng matapos na din ang instrumental ay kinalabit nito si Vice. "Tapos na." bulong niya, nakangiti pa din ito sa kanya. "Isa pa." hirit nito. "Pwede bang isa pa?" tanong ni Vice sa vocalist. Lalong naghiyawan sila Anne, Colleen at ang tres marias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD