Chapter 12

4058 Words
One day before the Valentines day naka-restday si Karylle sinabihan kasi siya ni Nanay Rosario na isasama siya nito sa pamimili ng mga flowers para sa mga idedesign sa resort para bukas. Wala na din problema sa mga receptionist dahil meron na silang dalawang bagong hire na tao noong nakaraan na linggo pa. Next week magkasama na sila ni Colleen sa umaga na shift dahil mas madami ang mga guest na nagche-check in pag umaga. Ilang araw na din ang nakalipas simula ng moment nila ni Vice sa tabing dagat at gabi-gabi na din sila magkasabay maglakad tuwing pagkatapos ng shift niya. Masasabi niya na okay na sila ni Vice meron kasi silang isang bagay na pinagkapareho. Ang pagiging heartbroken nila, pero never niya pa inopen kay Vice ang totoong story ng lovelife niya. Masaya silang dalawa pag magkasama sila, sa mga oras na kasi na nasa tapat sila ng dagat at tahimik lang ay para silang mga baliw na sumisigaw ng mga hinanakit nila sa mundo. Nagunat-unat muna siya pagkagising, agad na kinuha ang diary na nasa safety box nakalimutan niya kasi magsulat kagabi. You know what kagabi naglakad ulit kami ni Vice sa dalampasigan, ilang araw na namin ito ginagawa at masaya ako dahil hindi na siya sa akin masungit. Nilibre pa nga niya ako ng adidas at betamax at dinala namin yun habang nakatambay. Mabait na din siya kay Mumay siya pa nagpakain nito paguwi namin. Unang sweldo ko mamaya at pupunta kami ni Nanay Rosario sa Baguio excited na ako. Natapos na siya sa pagsusulat ng diary niya, nagpunta muna siya ng banyo at naghilamos magluluto pa kasi siya ng agahan susunduin daw siya ni Nanay Rosario ng alas-otso. Laking gulat niya ng pagdating sa kusina ay nakita niya si Vice na naka-apron at mukhang nagluluto. Napangiti naman siya dahil first time niya na makita si Vice na nagluluto at nagising ng ganitong kaaga. “Good morning Vice.” Hyper na bati niya dito. “Ay tumalbog na itlog sa hotdog.” Gulat na sabi nito. “Ano daw?” Karylle laugh. “Sana hindi mo ako ginugulat diba? Muntik ko ng mahagis tong itlog.” Medyo iritadong sabi ni Vice, hawak niya kasi ang itlog at i-c***k na sana para gawing sunny side up ng magulat siya sa presensya ni Karylle. “Sareh naman. Anong nakain mo at bakit ikaw ang nagluto at ang aga mo pa nagising ah?” lumapit ito sa tabi ni Vice. “Wala pa akong kinakain kaya nga ako nagluluto diba? Gutom na ako.” Inilagay na ni Vice ang itlog sa pan at nilagyan ng kaunting asin. “Ako na diyan maupo ka na lang don.” Akmang kukunin ni Karylle ang siyansi pero pinigilan siya ni Vice. “Nope, hayaan mo na ako naman ang magluto. Minsan lang to kaya i-enjoy mo na, maupo ka na lang diyan matatapos na ako.” Utos ni Vice, nakasmile na naupo si Karylle madami na kasi itong nalutong pagkain. May longganisang vigan, corned beef at mainit na kanin na nakahain meron na din kape. “Vice alam mo naman na aalis ako ngayon diba? Nasabi ba sayo ni Nanay Rosario?” paninigurado nito andito kasi ang mama ni Vice kahapon binisita sila at sinabi ang balak na lakad nila ngayon, hindi niya kasi sure if naabutan nito si Vice dahil wala itong buong araw may inasikaso sa bayan para sa Valentines day program sa resort bukas. “Oo tinawagan niya ako.” Sagot nito at lumapit na sa mesa na dala ang nilutong itlog. “Ok good I just wanna make sure baka kasi hanapin mo ako mamaya.” Tahimik sila na nagsimulang kumain, pagkatapos ay si Karylle na ang nagligpit at naghugas dumeretso na din siya sa banyo para maligo at magprepare sa pagalis. Ganoon din si Vice. Simpleng tokong at short sleeve polo na bulaklakin ang sinuot ni Karylle, pagkatapos patuyuin ang buhok ay ipinusod ulit ito ng pabilog. Lumabas muna siya para pakain si Mumay at bumalik sa loob para kunin ang bag niya. “Grabe mukha ka na naman Manang.” Agad na okray sa kanya ni Vice pagkakita sa kanya. “Ganon? Mukha ba akong matanda talaga?” may tampo sa boses ni Karylle, paano naman kasi lagi na lang siyang sinasabihan ni Vice ng Manang.. “Oo yang mga sinusuot mo mukhang pang matanda.” Komento nito, tinignan naman ni Karylle si Vice na naka white tshirt na nakatupi ang mga dulo kaya kita ng bahagya ang tattoo nito sa kanang braso, short na hanggang tuhod at neon green na rubber shoes. Nakabrush up ang buhok nito na blonde naman ngayon. Mahilig magpalit ng kulay ng buhok kasi ito. Halos lingo-lingo yata ay naiiba ang kulay ng buhok niya. “Yaan muna dito kasi ako komportable eh nga pala bagay sayo ang suot mo ngayon mukha kang lalaki.” Papuri ni Karylle at paulit-ulit na tinitigan si Vice, may itsura kasi talaga ito lalo na pag ganito suot niya mukhang lalaki talaga. “Tse, tinatamad lang ako magdressup ngayon.” Nakairap na sabi nito. “Okay sige kunin ko lang yung bag ko aalis na din ako.” Paalam nito, sinaglit ang bag niya sa kwarto. Paglabas niya ng bahay ay nakasakay na si Vice sa kotse niya at nakabukas ang bintana sa may passenger seat. “Sakay na.” yaya ni Vice ng makita si Karylle palabas. “Okay lang maglalakad na lang ako.” Tanggi ni Karylle. “Wag ka na pa-kyeme diyan. Sakay ka na.” Sigaw ni Vice, walang nagawa si Karylle kundi sumakay na lang sa tabi ni Vice. Nagulat naman siya ng ilagay nito ang seatbelt niya. Nagtaka din siya kasi ang lapit lang naman ng resort mula dito pero bakit may seatbelt pa? Lalo siyang nagtaka ng hindi sila dumeretso sa resort bagkus ay tinatahak na nila ang ibang daan. Daan palabas ng resort. “Saan tayo pupunta Vice?” hindi naiwasan itanong ni Karylle, instead of answering it Vice turned on the music player. At diretsong nakatingin lang sa daan. Habang sumisipol-sipol at parang nang-aasar pa. “Hoy saan mo ako dadalhin baka hintayin ako ni Nanay Rosario sa resort.” Pangungulit ni Karylle, tinignan lang siya ni Vice at isinuot ang shades nito. Wala pa naman siyang cellphone hindi niya makokontak si Nanay Rosario naiinis na siya kasi medyo malayo na sila sa resort nakakahiya naman kay Nanay Rosario kung maghihintay ito, hindi niya alam anong trip ni Vice ngayon. Nanahimik na lang siya at padabog na gumilid ng upo. There is a moment of silent, si Vice naman pinipigilan ang matawa, napikon na kasi yata si Karylle sa kanya kaya hindi na nagsasalita. “We're going to Baguio, hindi makakarating si Mama kaya ako ang kasama mo.” Vice breaks the silence, natahimik na kasi si Karylle na daldal ng daldal lang kanina. “Pwede naman kasing sabihin kaagad ang dami pang arte. Kainis” Karylle whispered. “Ansaveh?” hindi kasi narinig ni Vice ang binulong ni Karylle dahil malakas ang stereo niya. “Wala sabi ko ang gwapo mo kaya lang ang dami mong tutuli.” Natatawang sabi ni Karylle. “Ganern? Maganda ako hindi gwapo.” Pagpro-protesta ni Vice. “Sige na ikaw na manahimik ka lang.” “Aba napilitan?”ungot ni Vice. “Hmmp.” Tanging reaksyon ni Karylle. Nanahimik na ulit sila, narating na nila ang paakyat ng baguio. Nakakatakot dahil matarik ang daan pero maganda ang view. Nanghihinayang na naman siya dahil wala siyang remembrance dahil wala pa siyang cellphone para makakuha ng mga pictures. Inabot sila ng halos tatlong oras ng makarating sa destinasyon nila. Narating na nila ang parte ng Baguio kung saan ay parang nasa dangwa ka hilera ang mga nagtitinda ng mga bulaklak. Bumaba na sila sa kotse at nagsimulang maglakad. “Ading.” Tawag ni Vice sa matandang nakatalikod. “Uy Vice akala ko si Mama mo ang kukuha ng order?” tanong nito. “Nagkaroon lang siya ng biglaan lakad. Okay na po ba ang mga orders namin?” “Ay naku pasensya na medyo madami kasing order kaya medyo madedelay pwede bang balikan mo dito siguro mga alas dos ng hapon? Pasensya na talaga.” Sabi nito, tinignan ni Vice ang oras sa cellphone niya pasado alas-onse. Hindi naman siya masyadong nagmamadali since wala naman siyang gagawin sa resort kundi ang pag-aayos nito para bukas. “Sige keriboom basta sure yan Ading alas-dos ah?” paniniguro nito. “Oo sigurado maglibot muna kayo pampalipas ng oras.” Sumang-ayon na lang si Vice at niyaya na pabalik si Karylle sa kotse. “Saan tayo pupunta?” Na-excite naman si Karyle dahil may mahigit na tatlong oras silang bakante. “Saan mo ba gusto?” “Hmm sa Mines View, Wright Park at sa Lourdes Grotto.” Agad na sagot niya with a big smile on her face. “Ang dami ah, baka may gusto ka pa puntahan para masulit natin ang oras.” Nagiisip naman si Karylle kung saan pa. “Hmm sa Burnham Park magbike tayo if may time pa.” suhestiyon niya. “Sige go lang ng go minsan lang ako nasa good mood.” Pinaandar na ni Vice ang kotse niya una nilang pupuntahan ang pinamalayo sa mga nabanggit ni Karylle at ito ang Mines View. Medyo nahirapan si Vice maghanap ng mapa-parkingan pagdating sa Mines View. Pagbaba palang ay hinila kaagad ni Karylle si Vice papasok. “Bagal mo naman maglakad.” Reklamo ni Karylle. “Bakit ka ba kasi excited?” Iritang sabi nito. “Gusto ko na makita yung mga malalaking aso.” Karylle looked at her at para itong bata na tuwang tuwa. “Mahilig ka talaga sa aso ah.” Tumango lang si Karylle sa kanya. “Ang cute mo naman.” Agad na reaksyon ni Karylle ng makakita na ng St. Bernard na aso, naka-shades ito na black at naka scarf pa. “Picture kayo ate forty pesos lang three shots na.” sabi ng nag-aalaga dito. “Sige kuya, Vice amin na ang cellphone mo.” “Wala ka bang cellphone?” pagkasabi ni Vice nito ay ng pout naman ng lips si Karylle, naalala niya ang nanakaw na cellphone. “Wala diba? Nanakaw nga diba?” malungkot na sambit nito at napayuko na lang sa lungkot naalala na naman niya ang mga gamit na nawala. “Eto oh poorita hindi makabili ng cellphone.” Inabot din naman ni Vice ang cellphone niya. Bigla naman sumigla ulit si Karylle at nginitian si Vice pagkaabot ng celpphone nito. “Halika dito Vice tayong dalawa papicture tayo” excited na yaya ni Karylle, nakaupo na kasi ito sa gilid ng aso, sumunod naman si Vice at umupo na din nasa gitna nila yung napakalaking aso. “Ang bigat niya infairness.” Komento ni Vice ng isandal ng nag-aalaga nito sa kanila ang aso. “Okay in 1 2 3 say cheese.” Todo smile naman si Karylle habang naka peace sign sa unang kuha nila, sa pangalawa naman ay lumapit ang ulo nito sa ulo ng aso at niyakap ito. “Last shot na Vice wacky naman tayo.” Request ni Karylle kay Vice. “Ang baduy.” “Sige na please.” Pangungulit ni Karylle. Nakatodong nguso si Karylle sa huling shot habang naka-peace sign ang dalawang kamay. “Salamat kuya.” Kinuha kaagad ni Karylle ang cellphone ni Vice at tinignan ang picture nila. Nakitingin din naman si Vice at lihim na natutuwa dahil ang ganda ng kuha nila. “Oh diba ang cute natin dito.” Napangiti naman si Vice dahil ang ganda nga ng kuha nila dito. Mga mukhang silang timang. Hinawakan ni Karylle si Vice ulit sa braso nito habang hinihila papunta sa baba para makita pa ang ibang meron sa paligid pero hindi na nila namalayan na magkahawak kamay na pala sila habang naglalakad. “Vice dito naman tayo sa mga horse. Pakuha ulit tayo ng picture.” Wala naman nagawa si Vice kundi ang pagbigyan ito, sumakay ito sa kabayo at nagpakuha ng litrato habang si Vice ay nasa gilid nito. “Hahaha Vice bakit ka kasi hindi nagsmile. Hahaha grabe sorry ah tignan mo magkamukha kayo ng kabayo? Haha seryoso sorry. Tignan mo magkamukha na kayo.” Sobrang lakas ng tawa ni Karylle pagkatapos makita ang picture nila with the kabayo. Inagaw naman ni Vice ang cellphone nito. “Nakikigamit ka na nga lang ng cellphone wagas ka pa maka-okray ah.” Inis na sabi nito. “Uy sorry nga diba nagsabi lang naman ako ng totoo. Sorry na.” nakatawa pa rin na sabi ni Karylle habang sinusundot ang pisngi ni Vice na nakasimangot na. “Iisa pa buburahin ko ‘to at ipapasipa kita diyan.” Nakaturo na ang daliri ni Vice sa delete button. “Ay wag naman po pogi, sorry na wag mong buburahin pretty please.” Pag-mamakaawa niya. Inangkla naman ni Karylle na ang kamay niya sa braso ni Vice at hinila na ulit ito hanggang sa dulo. Kitang kita nila ang mga bahay na nasa paligid, matarik dito. As usual hiniram ulit ni Karylle ang cellphone ni Vice at nagselfie sila na background ang bangin. Medyo matagal sila doon at ini-enjoy ang malamig na klima, kung ano-anong pose ang ginawa nila na selfie. Nang pabalik na sila napansin ni Karylle ang isang wishing well sa gilid. Inabutan niya ng tatlong piso si Vice. “Para saan to?” takang tanong ni Vice habang nakatingin sa baryang nasa palad niya. “Wishing well oh, magwish ka ng tatlong beses. Dapat nakapikit ah tapos sabay hagis ng piso kada wish mo ah.” She instructed Vice what to do. “Okay fine.” Bumilang si Karylle ng tatlo para sabay sila magsimula magwish. Pumikit na silang dalawa at tahimik na humiling sa balon, sa tatlong wish na hihilingin pinapanalangin ni Karylle na kahit isa man lang doon ay matupad at masaya na siya don. Tapos na si Vice sa mga wish niya at binuksan na niya ang mga mata nito, samantalang si Karylle ay seryosong nakapikit pa din. Tinitigan niya lang ito at curious kung ano kaya ang mga hiniling nito. Nakangiti ito habang inihagis ang huling piso niya at agad na nagmulat ng mga mata nito, nahuli naman ni Karylle na nakatingin si Vice sa kanya. “Tapos ka na sa wishes mo?” nakangiti pa din si Karylle na tanong sa kanya. “Oo, anong wish mo?” hindi mapigilan ni Vice itanong. “Hmm secret hindi magkakatotoo pag sinabi ko.” Sabi niya sabay kindat kay Vice. Excited kasi siya pag may mga wishing well, para kasi sa kanya it's like another hope na ang mga gusto mong mangyari might happen. Nagkibit-balikat na lang si Vice, naglakad na si Karylle mag-isa hindi na niya hinawakan si Vice para hilahin. Hinabol naman ito ni Vice at inakbayan. “So saan na tayo?” nagulat naman si Karylle at medyo nakaramdam ng hiya sa pag-akbay ni Vice sa kanya. “Ahmm anong oras na ba?” “12:30.” “Ah sige sa Lourdes Grotto na lang tayo.” Suhestiyon niya, tumingin muna si Karylle ng pwede nilang bilhin na souvenir ng madako sila sa hilera ng mga souvenirs shop. Naghintay lang si Vice sa labas, bumili si Karylle ng dalawang tshirt na may Baguio na print. “Okay ka na wala ka ng bibilhin?” tanong ni Vice paglabas niya ng store. “Okay na ako let’s go.” Pagsakay sa kotse ay sinuot ulit ni Vice ang seatbelt ni Karylle. She leaned back sobrang lapit kasi ng mukha ni Vice sa kanya para nauubusan siya ng hangin pag ganon ang pwesto nila. “Sorry nakalimutan ko ako na lang.” naiilang na sabi ni Karylle. “Ako na.” Vice insisted. Narating na nila ang Lourdes grotto. Bumili si Karylle ng anim na kandila. Binigay niya ang tatlo kay Vice. “Ano na naman to?” takang tanong ni Vice. “Wish ulit.” Nakangiting sabi ni Karylle at lumapit sa kung saan nila ito ititirik. “Naniniwala ka talaga sa mga wish?” “Wala naman masama eh. Diba?” napakibit-balikat na lang ulit si Vice at sinundan na lang siya sa ginagawa niya. Sinindihan na nila ang mga kandila at nagwish ulit. Katulad ng wish ni Karylle sa wishing well ay ganoon din ang wish niya dito. Pagkatapos nila ay umakyat sila sa grotto. “Hagardo Versoza” reklamo ni Vice, ang taas kasi ng inakyat nila bago narating ang grotto. “Okay lang yan, halika na.” hingal na sabi ni Karylle, tumapat sila sa rebulto at taimtim na nagdasal si Karylle habang nakapikit, ginaya na lang din siya ni Vice. “Salamat Vice.” Karylle said habang pababa na sila ng grotto. “Para saan?” “Kasi sinamahan mo ako maglibot dito. Nakakawala ng bigat sa dibdib, para kasing matutupad na ang mga wish ko.” Masayang sambit niya. “Wala yun.” Nakangiting sabi ni Vice. Nagyayang kumain si Karylle dahil kumukulo na ang tiyan niya, sa tapat ng Burnham Park sila kakain sabi kasi ni Karylle ililibre niya si Vice kaya dito lang ang kaya ng buudget niya. Naglakad sila at naghanap ng magandang pwesto sa mga hilera ng mga karinderya. Nakita niya ang pwesto kung saan madaming mga inihaw na pagkain. “Ate dalawang inihaw na pusit po, tilapia at dinakdakan.” order ni Karylle, nakaupo lang si Vice habang umiinom ng mountain dew. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga order niya. “Sure ka libre moko? Ang dami mo namang inorder.” Puna ni Vice pagdating ng order nila. “Oo swerte mo ikaw ang unang nilibre ko minsan lang ‘to hehe sweldo ko ngayon diba kaya libre kita.” She said and Vice smiled at her at nagsimula na silang kumain. Busog na busog silang dalawa pagkatapos. “Gusto mo pa bang maglibot sa Burnham?” tanong ni Vice after nila kumain. “Hindi na magalas-dos na eh. Babalik pa tayo sa resort baka gabihin tayo.” Nagbayad na siya at niyaya na si Vice bumalik sa flower shop. Pagdating nila ay nakaready na ang mga flowers na inorder ni Vice. “Good choice maganda ang carnation, gerbera daisy, iris, tulip, rose at sunflower sa mga pangdesigns.” Komento ni Karylle, namangha naman si Vice dahil alam nito ang mga flowers na inorder niya. “Wow havey ang dami mong alam sa mga name ng flowers ah.” manghang anito. “Oo we once owned a flower shop.” Nanlaki naman ang mga mata ni Vice sa nalaman. “Really?” “Yah binenta ko ng mamatay ang parents ko at ang mga kapatid ko.” Malungkot na saad niya, she once remembered her family. “Sorry to hear that.” Mahinang sambit ni Vice. Nginitian naman siya ng pilit ni Karylle, hinintay lang nila na maiakyat lahat ng flowers sa likod ng kotse ni Vice. Naging tahimik naman si Karylle sa buong byahe nila pabalik sa resort. Nakatulala lang ito sa labas hindi na lang siya ginulo ni Vice, he understand na baka naalala lang nito ang mga namatay na mahal sa buhay. Pagdating sa resort ay tahimik na bumaba si Karylle. “Vice If you will allow me ako na lang magaayos ng reception area.” She suggested, madami siyang alam na flower arrangement kaya hindi siya mahihirapan na pagandahin ang lounge. Pagpasok nila ay nakita nila ang bagong receptionist na busy sa pag-gupit ng mga kartolinang pula ng mga hugis puso at cupid kasama si Aaron at Buern. Nagpaalam naman na si Vice na tatawag ng mga magbubuhat ng flowers. “Hi meme and Karylle.” Bati ng mga ito sa kanila. “Hi din musta kayo dito?” ani Karylle sa mga kaharap. “Okay sa alright.” Si Buern sabay thumbs up. “Ikaw Renely how are you? Hindi ka na ba hirap sa system natin?” tanong niya sa bagong receptionist. “Okay na po madali na siya nagets ko na po lahat. Kayang kaya ko na kahit magisa na lang po ako.” Anito Dumating na ang mga iba’t ibang bulaklak sinimulan na niyang ayusin ito, tuwang-tuwa naman ang mga baklita sa mga finish products ni Karylle dahil akala mo ay talagang galing sa mga flower shop ang kalidad ng pagkakaayos nito, hindi nila maiwasan na picturan ito at ipost sa i********:. Alas nuwebe na ng matapos siya sa pag-aayos. Dinalhan naman siya ni Vice ng caramel frappe. “Salamat dito Vice.” “Let’s go?” yaya ni Vice. “Huh?” takang tanong ni Karylle. “Lets go sa tambayan.” Naalala ni Karylle na si Vice na nga pala ang bago niyang kasama tumambay sa tabing dagat tuwing gabi. Nagsimula na silang maglakad, madami ng stall sa paligid ang nakatayo, ang iba ang nagsisimula ng magbukas may mga tindahan na ng bulaklak, balloons, photobooth, mga couple shirt at mga souvenirs. Nakarating na sila sa paborito nilang spot sa resort ang tahimik na lugar kung saan madaming puno sa paligid at sobrang fresh ng hangin rin dito. Naunang maupo si Karylle. “Masaya ako ngayon kaya wala akong irerequest sa alon.” Sambit ni Vice. “Wow that’s good to know. Masaya ako na okay ka na” Sabi ni Karylle sabay sipsip sa kape niya. “Ganito lang naman ako eh, madaling makamove-on.” Ani Vice sabay hagis ng bato sa dagat. “Buti ka pa. Pero I think I’m getting there. Siguro nasa 70% na ako, buti andiyan ka kasi naaliw ako sayo. Masaya ako pag kasama kita dito tumatambay.” Sinserong sabi ni Karylle. Tinignan siya ni Vice at hindi nito napigilan na akbayan ang katabi. “Magmove-on ka na girl, madami pang ibang lalaki diyan. You have a good heart kahit eng-eng ka minsan.” Sabay kurot sa ilong ni Karylle. “Salamat sa papuri ah okay na sana eh may pahabol pang panlalait eh” nahihiyang sabi ni Karylle. Inalis din kaagad ni Vice ang kamay nito sa balikat ni Karylle. Kung dati ay aloof pa siya ng bahagya dito ngayon ay talagang magaan na ang loob niya kay Karylle. Mabait kasi ito, maasikaso pa sa kanya. Kaya kaninang umaga ay naisipan niya na siya naman ang maghanda ng almusal nila makaganti man lang siya sa kabutihan nito sa kanya. “Hindi seryoso ako, mukhang hindi ka naman mahirap matutunan mahalin kung lalaki lang ako baka nainlove na ako sayo.” Ani Vice, muntik naman mabulunan si Karylle habang nainom ng frappe niya naubo tuloy siya ng sunod-sunod. “Kaw talaga, kung lalaki ka naman malamang hindi mo naman ako magugustuhan kasi hindi naman ako maganda mabait lang talaga ako.” Ganti ni Karylle ng nakamove-on na siya sa sunod-sunod na pag-ubo. “Hindi ka naman panget ah, manang ka lang.” pang-aasar ni Vice. “Sige pag ako gumanda HU U ka sa akin.” Inirapan niya si Vice. “Edi wow. Kailan yan ng maabangan ko.” Sabay silang natawa. Hindi sila nagsabi ng mga hinanakit nila sa dagat ngayong gabi puro kulitan lang at batuhan ng buhangin. Binasa din ni Vice si Karylle ng tubig sa dagat at hindi naman nagpahuli si Karylle dahil pumunta na din ito sa dagat at sinabuyan si Vice ng tubig, para silang mga batang naglalaro ng tubig sa dagat medyo nanlabo ang mga mata ni Karylle dahil nabasa ang eyeglasses niya. “Teka time first, binasa mo yung salamin ko eh.” Kinuha ni Vice ang salamin niya at pinunasan ito Ngayon niya lang nakita si Karylle na walang salamin nakatingin ito sa kanya, ngayon niya lang napagtanto ang taglay na kagandahan nito sa likod ng eyeglasses nito ang nagtatagong mga magagandang mga mata nito he can’t help but to stare at her. “Ang tagal mo naman punasan yung salamin ko wala akong makita.” Reklamo ni Karylle. “Hindi mo ako nakikita?” takang tanong niya. Habang nakatitig pa din sa mga mata ni Karylle. “Oo sillouhette lang, malabo ang mata ko sobra.” Vice smiled, buti na lang at hindi siya nakikita nito na nakatitig sa kanya. Binalik na niya ang salamin niya. “Let’s go home basa na tayo baka magkasakit ka pa.” nagyaya na si Vice, pagdating sa bahay niya ay agad silang pumasok sa kanya-kanya nilang kwarto at nagshower dahil para silang mga basang sisiw kanina. Narinig ni Vice na may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Pagbukas niya ay nakita niya si Karylle na nakapantulog na at nakalugay ang mahabang kulot na buhok nito another first time, ngayon niya lang ito nakita na ganito ang buhok, lagi kasi itong nakapusod. “Vice?” naalimpungatan naman siya dahil para siyang wala sa sarili na nakatingin lang kay Karylle. “Yes.” Agad na sagot niya. “Eto pala binili ko kanina for you.” Inabot ni Karylle ang isang supot at tinignan ang laman nito. Isang t-shirt. “Nagabala ka pa. Salamat.” “Thank you gift ko sayo yan. Sige matutulog na ako goodnight.” Paalam ni Karylle, sinundan naman niya ng tingin ito habang umaalon-alon ang mahabang buhok niya. Napakapa na lang si Vice sa dibdib niya dumoble kasi ang t***k nito. Parang kinabahan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD