Lumipas ang isang buwan never talaga napapayag si Vice na makasama ulit si Karylle ni Christian, almost everyday na yata ito kinukulit ni Anne and Christian pero matigas ito hindi talaga natinag ang desisyon niya. Sabihin na niya na selfish siya or possessive he’s just doing it because of love with Karylle.
Hindi na nagsasalita about doon si Karylle she don’t want na mag-away sila ni Vice. Mas mahalaga sa kanya ang saloobin ni Vice kesa sa sarili niyang kapakanan. That’s what love is for sacrifices.
“Myloves, don’t forget to finish the inventory before your day ends kailangan ko yan for auditing bukas okay?” bilin ni Vice andito sila ngayon sa office ni Vice, guess what? Dahil sa kapraningan ni Vice si Karylle na ang sekretarya niya.
“Opo boss.” Sabi ni Karylle sabay kindat kay Vice ng magtagpo ang mga mata nila.
Ang dating sekretarya ay siyang pumalit sa pwesto ni Karylle, since the launch ng music video kasi nito with Christian ang daming nakakakilala dito at nangungulit for a picture and autograph kaya nagdesisyon siya na bakit nga ba hindi na lang ang kasintahan ang maging katuwang sa business niya since magiging kay Karylle din naman tong resort pagdating ng panahon na magiging mag-asawa na sila.
“Tsk! Ms. Tatlonghari don’t look at me like that baka makalimutan ko na boss mo ako ngayon” Naughty na sabi ni Vice. Ganito sila magtrabaho nagkukulitan walang pressure walang stress, wala naman kasi problema ito sa skills ni Karylle madali itong matuto at talaga naman lahat ng utos niya ay nagagawa nito ng tama.
“Sareh boss.” Nakangising sagot ni Karylle, tinago na lang niya ang mukha niya sa laptop para hindi na makita ni Vice. Ang sarap kasi asarin ni Vice unting pout niya lang, kindat at tingin na sexy ay para na itong nagkukumahog na uhaw na uhaw sa mga labi niya.
Napangiti na lang si Vice ng makita niya na nagtatago na si Karylle sa laptop nito, isinuot niya ang kanyang headset at nakinig sa music list niya sa laptop. May hinahanap kasi siya sa google ilang araw na din niya ito pinagtutuunan ng oras.
Hindi naramdaman ni Vice na may bisita na pala sila sa opisina niya. Nagulat na lang siya ng may nagtanggal ng headset niya.
“Cuz” seryoso ang mukha ni Anne.
“Ano na naman?” medyo iritang sagot ni Vice. Sabay tingin sa pintuan ng opisina niya at andon si Christian. Napalingon naman si Karylle sa direksyon kung saan nakatingin si Vice.
“Hi Karylle, Hi Vice.” Magiliw na bati ni Christian sa dalawa. Napairap naman si Vice mukhang alam na niya ang pakay ng dalawa kaya andito sila.
Tumayo si Vice at lumapit kay Karylle.
“Kung napunta kayo dito para kulitin na naman si Karylle pwes nag-aaksaya lang kayo ng oras niyo.” Seryosong sambit ni Vice.
“Cuz please listen first. Paano naman ang effort ni Christian pumunta dito sana maapreciate mo naman.” Seryoso din ang itsura ni Anne, naiinis na kasi talaga siya sa pinsan niya nakakasawa na itong palinawagan.
“Ano ba ang hindi malinaw na hindi na pwede si Karylle sumama pa sa kung saan man yan.?” Anito, sabay hawak sa balikat ng kasintahan. Napalingon naman si Karylle kay Vice.
“Vice I really need you to cooperate with me, kahit for the last time lang.” pagsusumamo ni Christian while looking straight to the eyes of Vice.
Rinig na rinig ang buntong hininga na pinakawalan ni Vice.
“Cuz, ilang mall tours na ang wala si Karylle, all of his fans are looking for Karylle. Ano ba naman yung pagbigyan mo si Christian kahit isang beses lang? Since it will be the last time.” Singit ni Anne.
“That’s true Vice, it will be the last time I will beg for your approval. Last mall show ko na to’ then after that I will be releasing my other song na hindi siya kasama.” Pinagpapalit-palit ni Vice ang tingin niya sa dalawa. Nagiisip siya ng mabuti.
“Para naman wala kayong pinagsamahan ni Christian Vice, he’s our dearest friend remember? Diba pag friends dapat nagtutulungan. Masyado ka na kasing nabubulag sa pagmamahal mo kay Karylle, you're not even giving her a chance to have her dreams come true. She has a lot of potential, hindi mo lang alam na sobrang daming humahanga sa talent ng girlfriend mo. Aren’t you proud of that?” hindi na mapigilan ni Anne ang inis kay Vice sobra na kasi to.
“If you really love someone you must support them, and if they love you too no need to be afraid dahil para sa kanya ay para siya lang sayo.” Pagpapatuloy ni Anne. Napataas naman ang kilay ni Vice sa mga sinabi ni Anne.
Medyo tinamaan siya doon.
Masyado ba siya talagang naging selfish para itago si Karylle at iburo sa piling niya?
Mahal na mahal niya lang kasi talaga si Karylle that’s why ganito siya.
“Okay fine! Last na to’ papayag ako pero syempre kasama ako.” He said, tumayo si Karylle at niyakap si Vice.
“Thanks myloves.” Karylle said.
“Siyet ka cuz! Ang dami po pang drama papayag ka din pala.” Lumapit si Anne dito and can’t help but pull Vice’s hair.
“Arouch! Binabawi ko na…” reklamo ni Vice.
“Bwiset ka araw-araw ako dito kuda ng kuda ang dami mong arte sa katawan.” Pinagkukurot naman ni Anne ito sa tagiliran, tawa naman ng tawa sila Karylle.
“Aba ikaw Annekulit ah, tantanan mo na ako pumayag na nga diba?” pagiiwas na sabi ni Vice, para na silang mga bata na naghahabulan sa opisina nito dahil ayaw siya tantanan ni Anne. Inis na inis kasi siya dito. Pagkatapos niyang araw-araw na magpunta dito, ngayon lang ito pumayag.
Pa-chicks pa eh!
***
Andito na sila Vice, Anne at Karylle sa Sofitel sa Pasay. Kahit inis na inis na si Vice dahil nagoyo siya ng dalawa si Christian at Anne sabi mall tour lang ang pupuntahan ni Karylle pero hindi lang pala yun.
Ito ang itinerary ni Karylle.
Monday: Tv guesting in Showtime.
Tuesday: Live show in Myx.
Wed: Taping of 2hours non-stop songs compilation.
Thurs: Whole day practice (For Serenade by Christian Concert.)
Friday: Serenade by Christian Concert night.
“Myloves!” ang lakas ng sigaw ni Vice. Andito sila sa kwarto ng hotel nagpapahinga si Karylle kasi mamayang 10am ay susunduin na sila for Showtime guesting. Napatayo tuloy siya sa pagkakahiga niya.
“Ano yun bakit sumisigaw ka?” hindi pa kasi alam ni Karylle ang itinerary niya siyempre pakialemero si Vice kaya siya ang unang nakaalam nito.
“Siraulo talaga yang si Anne at Christian dinenggoy ako! Ang dami mong gagawin for the whole week habang andito tayo sa Manila.” Namumula na si Vice sa galit, kinuha ang cellphone at agad na tinawagan si Anne.
Agad naman tinignan ni Karylle ang lukot na papel na itinapon ni Vice. Nanlaki ang mata niya sa mga nakasulat doon, kahit siya ay hindi expected na ang dami niyang gagawin. Akala niya kasi talaga simpleng mall tour lang.
Sumugod naman si Anne sa kwarto nila Vice after matulilig sa bunganga nito.
“Anne!” sigaw ni Vice ulit pagpasok nito ng kwarto nila.
“Kalma lang okay!” sabi ni Anne habang nakataas ang dalawang kamay nito.
“Paano ako kakalma? You lied to me.” Mataas pa din ang boses ni Vice kay Anne. Napayuko naman si Anne, guilty kasi siya. She just want to help Christian and Karylle. Sayang kasi talaga si Karylle.
“I’m sorry cuz. Last na kasi to eh itodo na natin.” She said pero nakayuko pa din na umupo sa tabi ni Karylle na parang nagpapakampi.
“Were going home Karylle.” Napaangat naman ng ulo si Anne sa narinig.
“Vice naman! Andito na tayo eh. For once wag ka naman ganyan. Be considerate” Ani Anne.
“Bakit ako ba? Nirespeto niyo ba ang desisyon ko? I said yes because sabi niyo isang beses lang pero ano to? Whole week? Bullsh*t naglolokohan tayo dito.” Natakot naman si Karylle sa tinuring ni Vice first time niya to makita na galit na galit. Napakapit tuloy siya sa braso ni Anne.
“M-myloves.” Mahinang sambit ni Karylle. Kita nito ang galit sa mga mata ni Vice.
Vice breathe in and sigh.
“Sorry.” Tanging nasabi nito. Hindi niya gustong makita na matakot si Karylle sa kanya pero mukhang nagawa na niya. Nilapitan niya ito at lumuhod sa tapat nito.
Dumistansya naman si Anne baka masapak siya bigla eh.
“Sorry myloves, sorry ang OA ko. Hindi na mauulit.” He said habang hinihimas ang pisngi ni Karylle.
“K-kung gusto mo umuwi let’s go. Wag ka lang magalit.” Ani Karylle, umiling-iling naman si Vice.
“No-no binabawi ko na yun. OA lang ako, sorry nabigla kita natakot. Hindi na mauulit.” He apologized at hinalikan ang kamay ni Karylle. Sumilay naman ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Karylle.
“Cuz last mo na yan ah. Sige lalabas na ako magprepare ka na Karylle any moment ay susunduin na tayo dito.”
Tumayo na si Vice at itinayo din si Karylle and give her a hug.
“Ang selfish ko myloves, kasi nilalayo kita sa maaring magpasaya sayo. I just realized na hindi lang naman dapat sa akin iikot ang mundo mo. Kaya from now on, susuportahan na kita, basta promise me na hindi ka magbabago sa akin ah.”Vice said while caressing Karylle’s hair. She smiled, ang saya na niya dahil at last magaan na sa loob ni Vice ang pagpunta nila dito.
Si Vice ang namili ng susuotin ng kasintahan at wag ka super stage boyfriend talaga ang peg niya siya din kasi ang nag-ayos ng buhok nito at naglagay ng makeup.
***
It’s Showtime Studio.
Pagdating pa lang nila ay ang dami ng nakakilala kay Karylle at talaga naman ang dami na naging fans nito. Sobrang puno na din ang studio ng mga gustong mapanood si Christian at si Karylle na ngayon lang nila makikita at last.
“Hi Karylle it’s nice to see you in person.” Bati ni Kuya Kim ang isa sa mga host ng show.
“Hi po.” Kiming sagot ni Karylle, nakahawak lang sa kamay niya si Vice all the time na naglalakad sila. Nasa guest dressing room na sila ngayon at naghihintay na lang ng cue para sa turn nila ni Christian.
Aligaga naman si Vice na lakad ng lakad sa loob.
“Kinakabahan ako.” Nagpapaypay pa ito dahil pakiramdam niya ay ang init daig pa niya si Karylle na relax lang.
Napaismid naman si Anne kaloka ang pinsan niya natatawa na lang siya dahil daig pa nito ang hindi maihi na buntis. Uupo, tapos tatayo tapos ikot ng ikot nakakahilo kaya.
Then they heard someone knocking on the door.
“Karylle, Christian it will be your turn in 5minutes.” Lumabas na sila, si Anne at Vice naman ay pumunta sa gilid ng mga audience.
“Eto na ang pinakakahintay natin lahat madlang pipol! Ang triple platinum album in just 1 and half months. Ang napamisteryosa na inaabangan ng mga kalalakihan! It’s our first time to see her live so mga madlang pipol wala ba kayong mga kamay let’s all welcome. Christian and Karylle.” Pagpapakilala ni Kuya Kim…
Hindi magkandamayaw ang mga audience, ang lakas ng mga tili nila. Makikita ang iba’t ibang banners with Christian and Karylle’s name on it. Nakatingin sa paligid si Vice at nagulat na may fans club na ang kasintahan niya. Napangiti naman siya, hindi na siya bitter ngayon he is so happy that a lot of people appreciate his girlfriend’s talent.
Nagsimula na kumanta ang dalawa. Na lalong nagpaingay sa mga audience.
“OMG! Karylle ang ganda mo sa personal.”
“Bagay na bagay kayo ni Papa Christian.”
“Mahihimatay ako sa kiligggg.”
Ang daming naririnig na maganda about sa kasintahan niya pero ayaw niya yung about sa BAGAY sila ni Christian dahil hindi pwede yun!, kung pwede lang sabunutan yung nagsabi non ginawa na niya.
***
Lumipas ang buong lingo, Vice is starting to enjoy their journey dito sa Manila. Madami siyang nakilala na lalong nagbago ng pananaw niya sa career na sinisimulan ni Karylle. Enjoy na enjoy siya lalo na yung guesting sa Myx at yung taping ng live songs compilation napahanga talaga siya ni Christian sa galing nito sa pagkanta lalo na pag nagdu-duet sila ng myloves niya. Iniimagine na lang niya na siya ang kaduet ni Karylle.
It’s now Friday ngayon ang mini concert ni Christian na gaganapin sa SMX convention sa Pasay.
“Myloves.” Tinawag ni Vice si Karylle na kasalukuyang nagblo-blower ng buhok nito. Lumapit ito and give her a back hug, nakatingin sila pareho sa imahe nila sa salamin.
“Yes Vicey ko.”
“Happy annimonsary myloves.” It’s their 20th month together, hindi makapaniwala si Vice na ganito na sila katagal parang kailan lang simula ng magkakilala sila. Bading na bading pa ang pagkatao niya noon pero ngayon daig niya pa ang isang macho gwapito kung bumakod kay Karylle.
Hinawi ni Vice ang mga buhok ni Karylle at inilagay ito sa likod ng tenga nito. Pinaharap niya ito at kinuha ang box na nasa likod ng bulsa ng pantalon niya. Isinuot niya dito ang regalo niyang earrings.
Hugis heart din ito katulad ng necklace na suot niya ngayon.
“Ang ganda vicey ko.” Touch na touch si Karylle ng makita niya sa salamin ang itsura nito. She right away hug Vice so tight.
“Of course for you my lady.”
Nasa dressing room na sila Karylle with Vice and Anne sobrang puno ang convention, nagkaubusan na nga daw ng ticket narinig nila sa isa sa mga staff. She will have five songs intermission two are duets and three are solo. Nagsimula na ang mini concert.
Sa likod ay rinig na rinig nila ang tilian at sigawan ng mga audience.
Mas lalong lumakas ito ng tinawag na si Karylle at naghihintay sa stage si Christian.
Lumabas din si Vice at pumuwesto sa gilid para makita ang performance ng kasintahan. Tinembrehan na niya si Christian na wag masyadong touchy kay Karylle kundi ay may sapok siya mamaya. Nakikisabay pa ang mga audience sa pagkanta ng dalawa, talaga naman naghit ang kanta ng mga ito at kabisado na ng mga tao.
Iniwanan na ni Christian si Karylle magisa sa stage para sa solo performance nito.
“Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin. At sa mga sumusuporta ng album ni Christian maraming salamat din po. Para sa inyo ang next song na to.” She said with her sweet smile.
“Kalillll miss na miss ka na namin.”
Napahawak ng napakahigpit si Karylle sa mic niya when she heard that, may isang malaking placard ang nakita niya sa hindi sa kalayuan.
WE MISSED YOU SO MUCH KARYLLE ♥ YOUR KUYS!
Pinigilan ni Karylle na maiyak at maging emosyonal, malinaw pa sa crystal clear nakita niya sila Vhong, Billy, Teddy, Ryan and Jugs sa hindi kalayuan na nakangiti sa kanya na hindi mo maintindihan dahil mukha din silang malungkot. Ang mga tunay na kaibigan niya, pinilit niya ilihis ang tingin sa mga ito. Dahil ang sakit makita ang mga ito at marinig na miss na miss na siya ng mga ito.
Naguilty siya!
Dahil sa tagal ng panahon na hindi siya nagparamdam dito.
“Sabi ko sa inyo! Si Kalil talaga yun.” Naiiyak na sabi ni Ryan, iyakin talaga tong koreano na to.
“Confirmed siya ang nawawala nating si K” nakatulala na si Teddy, na-amaze siya sa angking ganda ng kaibigan.
“We need to talk to her kailangan makausap natin siya.” Si Billy.
Nagulat naman si Vhong ng may tumapik sa kanya sa likod niya at nagulat ng lumingon siya.
“Yael” halos sabay-sabay silang nagbanggit ng pangalan nito.
“Mga brod.” Tanging nasabi ni Yael.
“Anong gawa mo dito?” tanong ni Ryan.
“I’m watching my wife performance.” Nakangiting sambit nito na nakatitig lang sa kasalukuyang kumakanta na si Karylle at umupo na sa tabi ng mga ito.