Chapter 24

2718 Words
It's another day. Kagigising lang ni Karylle agad siyang kumilos since it will be her last day sa work bukas off na niya at makakapagpahinga na siya. She checked her phone and saw a text from Christian. "Thanks for the company Karylle hope to work with you again. Flight ko na going back to US. Ingat kayo ni Vice and sana magtagal pa kayo. I'm happy for both of you." She smiled at kinuha ang diary niya she always forgot to right on it kasi nga lagi andito si Vice sa kwarto niya before siya matulog and she don't want it na malaman na may diary siya pakialemero kasi ang kasintahan. It's been four months since ng una kong makatrabaho si Christian. It's a great experience to record songs with him napakagaling niya kasing singer at sobrang daming napahanga niya. Now is his flight going back to US, magiging normal na ulit ang buhay ko, no more guesting with him. Masaya ako dahil sa huli pumayag na din si Vice about it. Pero I still can't forget the day of the his concert when I saw my friends. After that lagi na nila ako sinusundan saan man ako magpunta and I feel guilty about it because lagi ako umiiwas. Hindi sa ayaw ko sila makita but I'm not yet ready to face them. I love Vice at ayaw kong masira kami. Mahal na mahal ko siya na hindi ko kakayanin pag nawala pa siya akin. She started to feel sad, when he saw Ryan with a lonely face last time ng hindi niya ito pinansin para siyang sinuntok sa dibdib niya. They were calling her pero hindi siya lumilingon, she's pretending na hindi niya ito naririnig. Ang sakit noon sa kanya but she needs to do it. She sigh and bring back her diary to her safety vault. Naghilamos siya ng mukha at toothbrush at pumunta sa kwarto ni Vice to say good morning. Pero nagtaka siya wala ito, wala naman itong text sa kanya or missed call. She go to the kitchen right away baka andon lang. Pero walang Vice ang andon kundi mga pagkain with a note. Myloves, kumain ka madami ah. I need to go early may aayusin lang ako I'll be back later promise. I sent you the email with what you need to do for today. Enjoy and always remember that I love you. The guy who loves you so much ♥Vicey After niya with her daily routine, naglakad na siya papunta sa resort. Pumunta muna siya sa reception para makipagkwentuhan saglit namiss na din kasi niya ang mga tao dito. "Good morning sa inyo mga girls." Bungad ni Karylle pagpasok niya. "Good morning din pretty girl." Ganting bati ni Melai. Pati yung dating secretary ni Vice at binati din siya. "Kamusta kayo dito? Madami ba tayong guest?" tanong niya. "Eto kagabi buti nakabili na ako ng album ni Christian kaloka kasi ilang lingo na hindi ako nakakaabot laging ubos." Si Melai at inabutan siya nito ng nilupak. Narinig nga niya na ito ang tugtog sa reception at rinig din sa lobby. "Ay hindi mo sinabi Ate meron pa akong five copies doon. Sorry." "Akin na lang Karylle." Hingi ng dating secretary ni Vice. "Sige bukas bigay ko sayo." Inabutan siya ni Melai ng mainit na tsokolate at kinain niya ang nilupak kasabay nito habang nagkwekwentuhan. Tanghali na at malapit na matapos si Karylle sa mga to-do-list na sinend sa kanya pero wala pa din si Vice, nakakapagtaka kasi wala man lang itong text or tawag sa kanya. She's texting him pero walang reply, nakaramdam tuloy siya ng kaba wala kasi nakakaalam nasaan ito. She open her contact list again. "Buern." Bungad niyang sumagot ito. "Yes girl." "Hindi ba sayo nagtetext si Vice?" "Naku waley hayaan mo I'll text you right away pag nagparamdam na si Meme." Sagot nito, nanlulumo naman siyang binaba ang cellphone sa table niya. Tinext siya ni Buern na sabay-sabay na sila mag lunch at magkita sa restobar. Agad naman niyang inayos ang table niya at ang sinara ang laptop. Ang hirap pala pag nasanay ka sa isang tao na lagi mong nakikita at kausap then one day ganito ni isang hi, musta hello wala man lang text. Pumunta na siya sa restobar na mabigat ang pakiramdam. "Asan ba kasi si meme?" si Archie andito na sila ngayon sa restobar para maglunch. "Oo nga kanina pa nagtatanong si Karylle eh." Ani Aaron. "Sssh wag kayo maingay. Baka bigla dumating si Karylle, basta mamaya malalaman niyo." Mahinang sabi ni Buern sabay dating ni Karylle na mukhang malungkot. "Hi ses!" sabay-sabay na bati ng tatlo, pilit naman na ngumiti si Karylle at umupo na. "Bakit ka looking sad?" unang tanong ni Aaron. "Hindi ah medyo masama lang pakiramdam ko." Pinilit ni Karylle na ngumiti na ng totoo, she don't want to be OA naman para wala lang si Vice ng ilang oras ganito na siya. "Echosera ka ses. Miss mo na si loverboy ano?" si Archie naman inasar siya, napahagikhik tuloy siya. "Oo naman miss ko na siya." Nahihiyang sabi niya, sabay abot sa kanya ni Buern ng menu for today. "Shalala, ang sweet niyo talaga. Sana minsan mauntog din ako mukhang masarap talaga ang magmahal ng merlat." Patutsada ni Buern. "Aba oo naman kaya kayong tatlo try niyo there's no harm in trying naman at least naranasan niyo. Sabi ko nga dati kay Vice yan. At least may option diba?" nakangiting sabi ni Karylle, habang ang tatlo ay hindi mo maintindihan ang mga hilatsa ng mukha hindi mo alam kung mga nasusuka ba ito. "Parang wiz ko masightlalo ang self ko kissing scene with merlats." Nakangiwi na sagot ni Archie. Bigla naalala ni Karylle si Vice ulit and his lips. Hays! Para kayang nasa langit ang pakiramdam pag magkalapat ito naisip niya. "Check sa banga mas lalo na siguro ang makipag chuchakan sa merlat kaderder." Diring-diri na sabi ni Aaron. Si Buern naman ay tahimik lang. "Ikaw Buern ano naman reaksyon mo?" pang-aasar ni Karylle. "Waley." Walang kalatoy-latoy na sagot nito. "Syempre si Buern kasi dati yang otoko.Hahaha" sabay tawa nila Archie at Aaron. Tapos na siya sa trabaho niya lagpas alas singko na pero wala pa rin si Vice. Inis na inis na siya kanina pa, buti na lang at mahaba ang pasensya niya kundi sasabog na ang cellphone niya sa kaka-dial ng number nito. Isinara na niya ang opisina nito at dumeretso sa reception makikipagchickahan na lang siya muna sa mga tao doon. Pagdating niya ay hindi niya alam bakit ang laki ng mga ngiti ng mga tao sa kanya. "Hi Ate Melai." Bati niya at umupo sa tabi nito. "Ang haba talaga ng hair mong babae ka." Nakangiti pa din na sabi ni Melai, napakunot naman ng noo siya alam naman niya na mahaba talaga ang hair niya ano kayang connect sa pagdating niya at ito ang napansin. "Anong meron?" curious na tanong niya. "Wala naman ang ganda mo kasi you know napaibig mo si Vice. Nakakita na siya ng katapat niya, finally." Anito, she smiled with that thought. For her it's really an accomplishment to have someone like Vice fall in love with her. Hindi kasi normal na tao ito, you know. All of the people alam na bading ito since birth pero ito ngayon nagiba ang takbo ng tadhana when she came. "Oo naman teh, maswerte din ako sa kanya kasi ramdam ko na mahal niya ako. Ayon ang pinakamahalaga." Kinikilig na sabi ni Karylle. "Basta girl pagpatuloy niyo lang kung ano meron kayo ngayon stay inlove. Bagay na bagay kayo." Pati si Melai ay kinikilig na. Matagal na niyang kilala si Vice simula pa lang magopen tong resort andito na siya andami na niyang nasaksihan na kasawian nito at hindi niya makakaila na talagang masaya ito ngayon sa piling ni Karylle. Madami pa silang pinachickahan hindi na namalayan ang oras na magoout na pala si Melai. Siyang dating ni Vice. "Hi myloves." Magiliw na sabi nito sabay kagat ng labi nito. Hindi alam naman ni Karylle if matutuwa siya or magagalit kasi nga ngayon lang niya ito nakita at hindi man lang nagparamdam sa kanya buong araw. "Tse." Irap na sabi niya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Sorry na sobrang busy ko kasi ngayon, kaya hindi kita nareplyan wag ka na magtampo." Sabi nito with his super gwapong smile. Tinignan naman ni Karylle ito mula ulo hanggang paa, nakapostura ito at ayos na ayos. Nakabrushup ang buhok at pormal ang damit, napaisip tuloy siya kung saan ito galing. "Tse ulit." Nakaismid na sagot niya. Kiniliti siya ni Vice sa tagiliran. "Let's go kain tayo." Hindi na pinansin ni Vice ang pagiging masungit nito, niyaya niya na ito lumabas at hinala na palabas. "Saan ba tayo kakain lagpas na kaya ang resto." Tanong ni Karylle, pero hindi ito sumagot. Tumigil si Vice maglakad at pumunta sa likod ni Karylle. "I love you Karylle, trust me okay." Vice whispered and put a blindfold on her eyes. She was wondering bakit may ganoon, but the Iloveyou with her name ang mas mahalaga sobrang nakakakilig to hear those words especially that Vice mentioned her name. Naramdaman niya na hinawakan na ulit ni Vice ang kamay niya at dahan-dahan silang naglalakad. Parang ingat na ingat si Vice sa bawat hakbang since walang makikita si Karylle. Tahimik lang silang naglalakad tanging ang alon ng dagat ang tanging nilang naririnig, ibig sabihin malayo na sila kung saan madaming tao. Pinagmamasdan ni Vice ang itsura ni Karylle, napapangiti na lang siya kasi kanina pa ito lunok ng lunok. "Myloves? Anong nasa isip mo?" Vice breaks the silence. "Kung anong pagkain ang kakainin natin." Seryoso sabi ni Karylle, natawa naman si Vice. Akala niya kung ano na nasa isip nito. "Hindi ka ba kumain ng maayos ng wala ako?" "Konti lang miss kasi kita." Mas lalong napangiti si Vice. He can't help but give her a smack. "Miss na miss din kita." Sinserong sagot niya. Nagulat si Karylle ng may biglang tumugtog. Napakislot siya kasi mula sa tahimik na paligid may biglang kilalang kanta ang narinig niya. Dahan-dahan tinaggal ni Vice ang piring na nasa mata ni Karylle at sobrang nagulat siya ng luminaw ang paningin niya. Andito sila sa dulo ng resort kung saan madalas silang tumambay pero kakaiba ngayon, dahil ang daming kandila na nakapaligid sa kanila at ang buhanginan ay napupuno ng mga petals ng red, white and pink roses. Inilibot ni Karylle ang paningin niya. "Ang ganda." She can't help but to compliment the place where they at right now. Isa palang malaking hugis puso ang mga nakalibot na kandila at nasa gitna silang dalawa ni Vice. Vice hold her two hands so tight and look into her eyes. "I've been searching for so long trying to find someone who could be what my picture of love to me. Then dumating ka ang engot ng buhay ko." He said magsasalita sana si Karylle pero Vice put her index finger on her lips as a sign na siya muna. "Moment ko muna to myloves, I want you to just answer by the end of my speech." Nakangising sabi ni Vice, napangiti na lang si Karylle at susundin na lang ito. "Akala ko dati tatanda akong mag-isa kasi nga bading ako. Naghahanap lang naman ako ng lalaki na kaya ako mahalin at tanggapin kung ano ako, pero mahirap pala talaga. Dahil ginawa tayo para ang babae sa lalaki at ang lalaki sa babae. Suntok sa buwan ang relasyon na pareho kayo ng kasarian, ayon ang napagtanto ko ng makilala kita." "I didn't plan on falling inlove with you, pero everyday na kasama kita dito sa bahagi na ito ng dalampasigan. I found something special with you, ngayon ko lang siguro aaminin ito sayo. Nainggit ako sa ex mo coz the way you got hurt everytime you will shout your heart out na parang ang sakit-sakit sa akin makita ka na ganon. That's when I started to realize that I want to feel how to be loved by you." Medyo gumaragalgal ang boses ni Vice, he's starting to be emotional. Naguumapaw ang pagmamahal niya sa babaeng kaharap kaya ang lakas ng kaba niya coz it seems like na first time niya magtapat ng nararamdaman niya dito. While Karylle tahimik lang itong nakikinig sa mga sinasabi ni Vice. "All my life I'm just wondering what my life will be when I grow old. Alone. Yun ang alam ko at pinapaniwalaan ko noon. Magisa lang ako, but when I started to love you, iniba mo ang pananaw ko." Hindi na napigilan ni Vice ang ilabas ang nararamdaman nito, hinawakan ni Vice ang kaliwang pisngi ni Karylle. "Dahil sayo nangangarap ako na One day magkakaroon tayo ng pamilya, na meron na sa akin aakay pagtanda ko pag hindi na ako makalakad, that there will be someone that will be there when I need someone to massage my feet if hindi ko na ito maabot. Na araw-araw meron akong makikita na isang babaeng maganda every morning na gigising ako. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko." Unti-unti ng tumutulo ang mga luha sa pisngi ni Vice, si Karylle naman ay parang tuod na at hindi makagalaw. "Ilang beses na ako nagmahal, nasaktan, nagmahal at nasaktan. Sumuko ako dahil alam ko naman it's not worth fighting for." "I guarantee there'll be hard times. I guarantee that on those hard times I'll stay by you. And i also want to guarantee that if i don't ask you to be mine. I'll regret it for the rest of my life. Because, i know, in my heart you're the only one for me." He said sincerely, Karylle eyes starting to wet. She can't still react, she wants to be polite and let Vice finish first. "I can't think of anyone else that i would rather be with for the rest of my life than you. Next month we will celebrate our 2nd year together, sa tingin ko sapat na sa akin ang panahon na magkasama tayo para mapatunayan ko na ready na ako. Na kaya na kitang panindigan, na kaya ko ng masabi na lalaki na ako sa puso't gawa." Napakapit ng mahigpit si Karylle ng marinig niya ito. Vice kneeled and get something in his pocket. "Karylle..." more tears began to pour on Karylle's eyes. "I'm going to spend the rest of my life with you whether you marry me or not. But i really hope you say yes. Will.... You.... Marry.... Me?" dahan-dahang sabi ni Vice, at nakahanda na ang singsing na isusuot niya kay Karylle. Diba dapat maganda pakinggan ang tanong ni Vice sa kanya, pero kabaligtaran ito eh. Parang dinurog ang puso niya with that question. Vice is patiently waiting for her answer with his so precious smile. He can't wait to have Karylle her official partner sa tingin ng tao at ng diyos. Parang dinaganan ng pison ang puso ni Karylle, nadurog ito bigla. She dunno what to answer. She don't want to break Vice's heart. She didn't expected that he will soon ask this. Dapat masaya siya, dapat proud siya coz finally someone is willingly to be with her for the rest of their life pero hindi. Hindi niya magawa maging masaya ngayon. Hindi maalis ang mga ngiti sa labi ni Vice and he is still waiting for her answer. "Myloves." Hindi na maiwasan ni Vice magsalita it's been five minutes siyang naghihintay sa sagot nito. Ang lakas na ng iyak ni Karylle, hindi alam ni Vice kung matutuwa pa siya kung tears of joy man ito pero parang may kakaiba na. "V-vice." That's the only thing she can say right now. "Yes myloves." He's still waiting for the answer. Napapapikit si Karylle ang sakit sakit na ng nararamdaman niya. But she wants to be honest with her answer, ayaw niyang mawala si Vice. "V-vice.. Kasi" hindi na kaya ni Karylle magsalita sobrang bigat ng nasa dibdib niya. "Yes." Vice replied pero nakangiti pa rin siya. "H-hindi pa ako handa." Mahinang sambit niya then she cried out loud. Naramdaman niya na lang na humiwalay ang mga kamay ni Vice sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD