bc

Ang Sawi Kong Puso

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
drama
like
intro-logo
Blurb

Si Lynn isang Ina sa dalawa niyang anak, nakipag sapalaran sa Madrid upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak at para makalimutan ang dati niyang asawa.

paano kung makilala niya si Miguel nagawa pa kaya niyang umibig muli?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Phone Ringing!" "nasaan ka na ba! bakit di ka sumasagot!!" Sabi ko sa sarili ko habang tinatawagan ang aking asawa. Ang sabi niya sa akin ay pauwi nadaw siya, pero alas 10 na ng umaga ay wala parin Ito. isang driver ang aking asawa. sanay na naman ako na kung minsan ay matagal makauwi ang aking asawa dahil sa kanyang trabaho pero nangako siya kahapon na siya ang maghahatid sa anak namin babae sa paaralan. "Pia anak, bihis ka na" saad ko sa aking anak na babae. "asan po si papa mama, Sabi mo si papa ang maghahatid po sa akin" tanong ng aking anak na babae.a "Wala pa kasi si papa mo anak, ako nalang maghahatid sayo". "John? baby, come here .. bihis na tayo anak." tawag ko sa anak kung lalaki na 2 years old pa lamang. matapos namin mag bihis ay ilang ulit ko parin tinatawagan ang aking asawa pero hindi parin ito sumasagot, ayaw ko sana mag-isip ng masama pero hindi ko maiwasan na mgalit at mag taka Kung bakit hindi niya masagot. nakapasok na sa paaralan ang anak naming babae habang nasa labas naman kami ng anak kong lalaki na naghihintay sa kanyang ate na matapos ang klase. tumigil narin ako sa pag tawag sa akong asawa dahil sa inis. Matapos ang 3 oras na klase ng anak ko ay lumabas na sila. "mama, look oh, I have 3 stars." masayang anonsyo ng anak kong babae. "wow!! very good ate!!" masaya kong bati sa aking anak. "mama, I like ice cream , can we buy I e cream ma?" tanong ng aking anak. "of course ate, but kunti lang hah?" "yeheyy! thank you mama" masayang naka akap si pia sa aking baywang. kinuha ko naman si john na masayang nag lalaro sa slide. "let's go baby John,ate is here na" tawag ko sa anak kung lalaki at mabilis namn itong tumakbo papunta sa ate niya. hawak ni pia sa kamay ang kamay ng kapatid niya habang naglalakad palabas ng paaralan. "ate, careful !" sigaw ko kang pia habang palabas na kami. "PAPA !! " sigaw ng mga bata habang nakikita nila ang kanilang ama sa labas ng bahay na naka upo at mukhang kakarating lang din. Hindi ko nalang pinansin ang aking asawa sa halip ay pumasok na ako sa loob. naglalaro muna ang mga bata sa labas habang gumagawa ako ng miryenda. napansin ko na may pumolupot na kamay sa aking baywang at naka sabit ang kangyang mukha sa balikat ko. "Bitawan mo ako" galit Kong Saad sa aking asawa. "Sorry na Mahal, naka tulog ako sa garahe pagkarating ko, sa subrang pagod ko hindi ko napansin na ilang beses kanang tumatawag" katwiran ng aking asawa. "wag mo akong pinag loloko Samuel !" barito Kong Saad sa aking asawa. pumulopot pa Ito sa aking tabi " sorry na Mahal ! promise hindi na mauulit!" "sa susunod wag ka nalang mangako na ikaw ang maghahatid tapos Hindi mo rin naman pala tutuparin!!" iniwan ko siya sa kusina at pumunta sa labas para pakainin ng meryenda ang mga bata. Tulog na ang mga bata sa kwarto habang si Samuel naman ay nasa Sala nanunood ng palabas. Tinitignan ko siya mula sa kusina. ayaw ko sana mag isip ng masama pero masama talaga ang pakiramdam ko, parang may mali. "May byahe kaba ngayon?" tanong ko sa asawa. "oo" tipid niyang sagot. "saan?" "diyan lang sa bayan, 8am pa naman loading time namin." tinignan ko ang orasan namin sa dingding at 7:30 na ng gabi. "Ang aga naman ata? diyan lang pala kayo sa bayan!" " kailangan maaga kami mahal para maaga rin kami matapos" Saad niya. Wala naman akong nagawa, Kaya tumigil na ako sa pag tatanong. pumasok na ako sa aming silid upang magpahinga. Ilang minuto pa ay sumunod na siya at kumuha ng t-shirt na dadalhin. "Mahal, alis na ako " lumapit Ito sa akin at hinalikan aking pisngi habang naka higa. "paki lock nalang ng pinto." bilin ko sa kanya bago ito umalis. dahil nawala ang antok ko. lumabas muna ako saglit para uminum ng tubig. Bigla nalang akong kinabahan at sumagi sa isip ko ang aking asawa. Mula pa kaninang umaga ay masama na talaga ang kutob ko, ayaw ko sana mag duda pero mas mabuti ng malaman ko. pinuntahan ko ang kapatid ko sa kabilang kanto at binilin ko ang mga anak ko na kung pwede ay bantayan na muna ang mga bata sa bahay na natutulog. agad naman itong pumayag at hiniram ko na rin ang motor ng kapatid ko. "saan kaba pupunta sa ganitong oras?" tanong ng asawa ng kapatid ko. "naiwan kasi ni Samuel ang cellphone niya. kaya ihahatid ko lang sa garahe nila." pag sisinumaling ko. "ganun bah? sige mag ingat ka hah, gabi na." "oho ate, saglit lang ako doon ate" iniwan ko muna ang mga bata at umalis na. ngamba at takot ang namamayani sa aking dibdib. binanaybay ko ang kahabaan ng kalsada ng mahagip ng paningin ko ang motor ng aking asawa na may angkas na babae. Biglang sumikip ang aking dibdib, bigla kung tinigil sa gilid at tinignan ko kung saan sila papunta. Hindi na ako nag dalawang isip at sinundan ko sila. medyo malayo lang ako sa kanila habang naka sunod. nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko mapigilan na hindi maluha habang sisundan ko sila. "bakit Samuel? bakit mo to nagawa sa akin" Sabi sa isip ko habang nag mamaneho ng motor. ilang sandali pa ay pumasok sila sa isang motel. tumigil ako saglit at pinaki ramdaman ko ang sarili ko. humagulhol ako sa iyak, hindi ko na napigilan pa ang aking sarili sa pag iyak. "bakit Samuel? bakit mo eto nagawa sa akin?" tanong ko sa hangin."anong gagawin ko? bakit Samuel?" patuloy kong pag iyak habang kinakapa ko ang aking dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. ilang minuto akong nanatili sa labas ng motel, nag iisip kung ano ang gagawin ko ng kusang gumalaw ang mga paa ko at pumasok sa motel, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin ng iba. dumiritso ako sa receptionist. "anong room yong kakapasok Lang?" tanong ko sa receptionist na nagulat "ahmm .. ma'am hi--" Hindi natapos ng babae ang sasabihin niya ng sinabi ko. "asawa ako ng lalaki miss!" "pero maam" "Sabihin mo na kung anong kwarto king ayaw mong Isa isahin ko lahat ng kwarto diyan sa loob!" pagbabanta ko sa babae. natahimik naman Ito "Hindi ako mag iiskandalo miss, Basta sabihin mo Lang sa aking kung anong kwarto, gusto kung makita ng dalawa kung mata mismo ang pang loloko ng asawa ko, Kaya miss , pako usap lang!" Hindi ko napigilan pa aking kuha sa pag tulo. Nang sabihin ng receptionist ang kwarto. dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto na sinabi sa akin. nangangatog, nag dalawang isip, natatakot. pero kailangan ko ito para sa sarili ko. kumatok ako ng tatlong beses. hindi niya Ito binuksan, Kaya kumatok ako ulit. ilang sandali pa ay binuksan na ang pinto. "Ma--" Hindi na matapos ni Samuel ng makita niya ako sa harap ng pinto. naka tuwalya lang siya habang naka harap sa akin. tinignan ko siya mula ulo hanggang paa habang patuloy sa pag buhos ang aking luha. tinulak ko siya para makapasok sa kwarto na iyon. "teyka !" pigil sa akin ni Samuel habang naka hawak sa braso ko. "bitawan mo ako." malumanay kong saad sa kanya habang patuloy sa pag lakad papasok ng kwarto. Laking gulat pa ng babae ng makita ako sa harapan niya . napatakip naman siya ng katawanng makita ako. natawa pa ako ng makita ko ang babae, tinignan ko si Samuel ng matulin habang mugto parin ang aking mata. "Kaya pala !" Sabi ko habang natatawa pa kunwari. "ma-hal, let me explain" Sabi ni Samuel. "wag na!? nakita ko na namn!" sagot ko habang nang gagalaiti sa galit. "Lynn" tawag sa akin ng babae. tinignan ko siya ng matalim. "tumahimik ka Jane!" baka kung ano pang magawa ko sayo. "at ikaw Samuel ! paku usap lang!! wag kanang magpa Kita pa sa akin .. pagkatapos niyo dito, umuwi ka ng bahay at kunin mo lahat ng gamit mo!" Sabi ko sa asawa ko habang pinipigilan Kong mag iskandalo. pilit kong kina kalma ang sarili ko sa lahat ng nasaksihan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook