Ezekiel’s POV “Kahit ilang minuto lang ay puwede ka bang manatili sa tabi ko?” Hindi siya sumagot sa tanong ko pero hindi siya umalis. Hindi ko naintindihan kung ano ang pinagtatalunan nila ni Avery at kung bakit sila ganoon mag-usap. Ang naintindihan ko lang ay ayaw niya kaming nakikita. Totoo nga ang mga sinasabi nila. Nagbago nga siya. Akala ko ba ay magiging masaya siya para sa akin? Siya naman ang nagtulak sa akin na abutin ko ang pangarap ko. Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay at ayaw kong umasa sa tulong ni Dad kaya itinuloy ko ang nagpapasaya sa akin. Bakit pakiramdam ko ay hindi siya masaya para sa akin? Hindi kami kaagad nag-usap, naramdaman kong hindi siya komportable na malapit sa akin lalo na ngayon na kaming dalawa lang ang tao rito. “Masama ba kung makikiusap

