Lauren’s POV Nang malaman kong umuwi sina Kelly sa Manila sa bahay nila na kasama si Elly ay kaagad akong naghanda para pumunta sa kanila. Wala akong ginagawa sa bahay at wala pa naman kaming aayusin sa trabaho at pahinga namin ngayon. Inihahanda ko na lang ang opening at promotion namin, tinapos ko na rin ang pag-aayos ng designs para sa furniture na gagawin namin kaya puwedeng-puwede kong mapuntahan si Elly! Habang nagda-drive ako papunta sa bahay nina Kelly ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pagyakap na ginawa ko kay Ezekiel. Sa tingin ko ay nag-uumapaw na ang katangahan ko dahil sa kanya. Naging sila ni Avery at nabalitaan kong naghiwalay sila pero walang ibinigay na dahilan sa article na nabasa ko. Ayon sa iba ay publicity stunt lang ang pagiging mag-boyfreind at mag-girlfriend

