Ezekiel’s POV Natuwa ako na kaunti lang ang tao ngayon sa mall na pinuntahan ko. Ayaw ko nga sana magsuot ng mask dahil hindi naman ako sanay na may takip ang mukha ko. Sinuot ko naman din para hindi na ako naaabala sa pagpunta rito, ayaw ko lang din na may makakilala sa akin. Akala ko masaya noon ang ganito pero habang tumatagal pala ay nakasasakal na rin. Limitado ang mga galaw dahil pakiramdam ko ay ilang taon na ring kinokontrol ng international agency ang buhay ko. Pati nga ang mga lalapitan at i-de-date ay sila na ang nagdidikta dahil ayon sa kanila ay nakabubuti iyon sa career ko. Sa career na noon ay gustong-gusto ko. Sa tingin ko ay hindi na ngayon. Nagsasawa na ako kaya matapos ko lang ito ay babalik na ako sa kumpaniya ni Daddy. Nararamdaman kong habang tumatagal ay . . . hindi

