Ezekiel’s POV Tinupad ni Lauren ang sinabi niya dahil totoong pumunta siya sa birthday party ko. Mga malalapit na kaibigan ko lang naman ang nandito dahil ngayon lang ulit naging maluwag ang schedule ko at kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makapagsama-sama kami. Binati naman ako ni Lauren pero hindi siya kasabay ni Angelo na dumating, mukhang may dala siyang sariling sasakyan. Binati naman niya ako pero ngayon ay abala siya sa pakikipag-usap kina Kelly at Kianna na kanina pa nagtatawanan. Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga ito? Hindi nauubusan, hindi tuloy ako makasingit sa kanila. Gusto ko pa naman maka-usap si Lauren ngayon. Naipakilala ko na rin siya kay Mama Mia pero hindi ko hinayaan na matagal silang mag-usap dahil baka marami pang masabi si Mama Mia kay Lauren. Kanina lang ay

