Lauren’s POV Kahit ganoon ang sinabi ni Daddy ay mas pinili ko pa rin na hindi kuhanin ang dapat na regalo ko kay Ezekiel. Naalala ko ang dahilan kung bakit hindi ko na naibigay ang regalo na iyon kay Ezekiel. Mayroon na kaming problema ni Ezekiel dahil sa kung ano-anong balita na lumalabas sa article pero nandoon pa rin ang paniniguro niya sa akin na magiging maayos ang lahat basta sa kanya lang daw ako makikinig. Madalas kaming nag-aaway lalo na at parehas kaming napapagod sa kanya-kanyang trabaho. Aminado akong selosa ako pero nasa lugar naman ang pagseselos ko at hindi niya iyon naiintindihan dahil sinasabi niya na magtiwala ako sa kanya. Hindi niya alam na pupunta ako sa pa-birthday party sa kanya. Nahihiya nga ako dahil puno ng mga sikat na modelo ang events place na iyon. Nag-iin

