Ezekiel’s POV Bago pa malaman ng iba ay alam na nina Mommy at Daddy na hindi ko na itutuloy ang pagmomodelo. Hindi naman nila ako pinipigilan sa gusto kong gawin dahil hindi rin naman ako nagpapapigil, ang importante ay sinusuportahan nila ako sa anumang gusto ko. Matagal na ang plano kong pag-alis sa pagiging modelo dahil gusto ko na ring tulungan si Daddy sa business namin dahil wala namang ibang magma-manage kung hindi ako kaya bago ako naging modelo ay tinuruan na niya ako. Iyon nga lang, nag-enjoy ako sa ganoong klase ng industriya kaya pinili ko na maging modelo muna at ngayon ay pinipili ko na lang na tulungan si Daddy sa kanyang car business. Mabuti na lang at nahilig ako sa kotse kahit na may pangit akong ala-ala sa sasakyan. Hindi naman ganoon kalaki ang kumpaniya ni Daddy kaya

