Lauren’s POV “It’s still him. I know, Renren.” Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Nate kanina. Hindi naman kami nakapag-usap tungkol sa gusto kong sabihin dahil sa tawag na natanggap ko. At pagkatapos ng tawag sa akin ay pag-uusapan na sana namin ngunit sa kanya naman may tumawag. Natawa pa kaming dalawa kaya sinabi namin na mamaya na lang namin pag-usapan kaya nagkuwento na lang ulit siya tungkol sa mga kamag-anak niya pagkatapos makipag-usap sa tumawag sa kanya. Pagkatapos ay umalis na kami para kumain sa labas. Hindi rin namin iyon napag-usapan kanina dahil marami kaming napag-usapan tungkol sa pagsisimula niya ng business na naging inspirasyon ang mga mahal niya. Ngayon nga ay nasa labas na kami ng bahay dahil naihatid na niya ako. Nakaupo lang kami rito habang ine-enjoy ang mal

