Lauren’s POV Panibagong araw na naman ang lumipas at panibagong araw na naman na punong-puno ng kapaguran. Maraming nag-aaya na gumala ngayong araw pero wala akong sinamahan sa kanila dahil marami akong kailangang tapusin sa Express Love Furniture (ELF). Naturingang Express Love ang ipinangalan ko sa business ko pero mayroon na kaagad pangit na nangyari roon dahil sa pagtatalo namin ni Avery at sa tuwing nandoon naman ako ay naguguluhan ako sa love na iyan. Iyan ang naisip kong pangalan dahil halos lahat kami na bumuo ng business na ito ay maraming pinagdaanan sa pag-ibig at ang paggawa ng mga furniture at pag-disenyo sa mga ito ang binalingan namin ng oras, nakatulong na rin iyon sa amin para i-express and pagmamahal namin sa kanila. Nasayang man o hindi, sila pa rin ang naging inspiras

