Lumipas ang ilang oras ay suot na ang punting sando dress, nahiga ako ng kama at si Elvis naman ay nakatayo lamang at may kausap sa phone nito. Tulala ako habang nakahiga ng biglang may malakas na kalabog sa bubong namin at naoa igtad ang balikat ko. At dahil manipis lamang ang kahoy ng kisame ay talagang dinig na dinig ko ang malakas na ingay. Nagkatinginan kami ni Elvis, hanggang sa meron muling kumalabog mula sa bubong. Bumangon ako at bumaba ng kama, sumilip ako sa bintana at hinanap ng mga mata kung sino ang bumabato sa bubong namin. "Ano 'yun?" tanong ni Elvis. "May nambabato sa bubong," tipid kong turan at sumilip rin sa bintana si Elvis. Ilang sandali pa kami nakatayo sa gawi ng bintana hanggang sa tumahimik na ang paligid. Nagsalubong ang mga tingin namin nito at sandali kami n

