Tahimik akong sumakay ng taxi, bagsak ang mga balikat ko at nag aalala sa naging reaksyon ni Elvis sa akin kanina lamang. Pakiramdam ko may mali ako nasabi rito dahil sa biglaang pag walk out nito. Bukod doon ay iniisip ko rin ang tungkol sa inaasahan kong trabaho sa kompanya nina Trina. Bakit nag ka ganito, bakit nauwi sa gulo ang paghahanap ko ng trabaho. Si Max rin, kamusta na kaya s'ya? Nag aalala ako sa kaniya, ano bang ginawa ni Elvis at nabitbit sa ospital si Max. Ganoon na lang tuloy ang galit sa akin ni Trina gayon 'wala naman ako ka alam-alam sa nangyari. Agad ko kinuha ang phone ko at tinawagan si Mommy sa linya, nag tanong ako rito kung nagpunta roon ngayon si Elvis kahit alam kong hindi mangyayari iyon. Nagtaka si Mommy kung bakit hinahanap ko si Elvis, hindi na ako nagkwento

