Napalingon ako nang mabgbukas ang pinto at inuluwa iyon ang katulong. Bitbit ang ilang paperbag at inilapag lahat sa malambot na kama. "Ano po iyan?" magalang ko'ng tanong sa katulong. "Mga damit ninyo Ma'am, Mitch. Pinamili ko po iyan kanina," turan ng katulong. "Ha? Namili ka kanina aba'y ang aga naman," saad ko rito. "Kagabi pa po inutos sa akin ni Sir, Elvis ang mga iyan. Hindi ko nagawa kaya inagahan ko na lamang po ngayon mapamili para meron po kayong magamit." Paliwanag ng katulong. "Ganoon po ba," tanging naisagot ko. "Magbihis na po kayo dahil hinihintay na kayo sa baba ni Sir," sambit ng katulong at agad na lumabas ng kuwarto. Binalingan ko naman ang ilang paper bag at nakita ang magagandang damit. Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil ang gaganda ng mga damitm. Kinuha ko iy

