Tahimik na nagmamaneho si Elvis nang magtanong ako. "Bakit may nakasunod pa sa atin?" tanong ko rito. "That's normal, Mitch," turan ni Elvis. "Saan pala ang punta natin?" tanong ko pa rito. "Sa bahay ni Kiel," turan ni Elvis. "Si-sinong Kiel?" tanong ko. "My brother," tipid na turan ni Elvis at hindi na ako nag salita pa. "About the ring, bakit hindi mo suot kanina," saad ni Elvis. "Hinubad ko nung naligo ako, ayoko basahin para hindi maging luma. Ang ganda pa naman, gusto ko laging bago siya tingnan," nangingiting saad ko at nilapat sa harap ko ang kamay ko. Nangingiting pinagmasdan ang mga daliri ko suot ang singsing. "Baka mawala mo 'yan, ingatan mo," saad pa ni Elvis. "Oo naman," turan ko at nabigla ako nang ikabig ni Elvis ang manubela at hininto sa tapat ng isang malaking b

