Napangiti ako dahil sumunod ito sa sinabi ko, ang isa naman ay nahihiya ngunit inabutan ko ito ng pinggan na may laman na pagkain. "Huwag kayo mahiya, ubusin natin 'tong mga pagkain dahil sayang," wika ko pa at nagkatinginan ang mga ito. "Hindi ba sayang, ang dami ng mga ito, hindi naman din natin mauubos lahat ng iyan," saad ko pa at sumubo ng isang kutsarang kanin. Nag salita ako habang mayroong laman na pagkain ang bibig. "Noon ba si Elvis mag isa lang ba s'ya kumakain rito," saad ko habang puno ng pagkain ang bibig. "Opo, Ma'am Mitch," saad ng isang katulong. Binalingan ko ng tingin ang mga ito. "Mabuti ayos lang kayo rito, hindi ba kayo natatakot rito?" tanong ko sa mga ito at tinitigan lamang ako ng mga ito. "Saan po Ma'am?" tanong ng isang katulong. "Sa Amo n'yo, si Elvis," t

