Samantha Lopez
I am Samantha Lopez, Sam for short. They called me a Cold hearted one. Di ko alam kung bakit pero simula ng iwan ako ng ex kong engot! Pinagpalit ako sa mukhang clown na babae! Ang kapal ng make up! Ugh. Nakita ko lang kanina yung ex kong palaka.
Ayon kasama yung babaeng ipinalit niya sa'kin.
Naglalandian pa! Letchugassss!
Naalala ko nanaman yung past namin ng ex ko. Hays.
****Flashback****
It was our anniversary today, tinext ko siya na nagpareserve ako ng dinner for two sa isang mamahaling restuarant sa BGC. Nagusap na kami na magkikita na lamang kami. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko ng kinagabihan ay dumeretcho ako doon dahil sa excited na ako. Nang makarating ako doon ay agad ko siyang tinawagan pero nakapagtataka, out of coverage ang phone niya. Hinayaan ko muna siya.Hanggang sa lumipas na ang ilang oras wala pa din siya.Nang makatangap ako ng text mula sa di kilalang tao. At ang sabi...
Unknown number: Andito si yohanne sa Bar, may kalampungang ibang babae.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong paniwalaan. Sinubukan kong muling tawagan ang number ni Yohanne pero ayaw talaga kaya nagpasya akong pumara ng taxi. Nagtext ako doon sa unknown number na iyon at nireply sa'kin ang exact address kung saan ang bar. Ayaw kong maniwala, hindi ito totoo. Mahal na mahal ko si Yohanne. Pagdating sa nasabing bar ay dali dali akong bumaba sa taxi at tumakbo patungo sa kung saan si Yohanne ng may napansin akong dalawang babae na naghahalikan sa gilid. Halos maghubaran na sila, at ng makilala ko ang babaeng humihipo doon sa nakasandal na babae sa pader ay nakaramdam ako ng sakit at galit. Tumakbo ako patungo sa direksyon nila at nang makalapit ako, sinuntok ko si Yohanne ng buong lakas ko. Pinagbantaan ko siya na wag ng magpapakitang muli sa akin. Kaya simula noon ay talagang galit na galit ako sa mga malalandi, katulad ng ex kong g*go.
****End of Flashback****
Urat na urat akong pumasok sa Trabaho, pero syempre hindi pwedeng mahalata ng Manager na badtrip ako ngayon.
At sakto, malas ngayong araw! Letche kasing ex yan e. Ugh!
Late ako ngayon, kaya heto... Walang suklay, gusot ang long sleeves, hindi maayos pagkakafold ng sleeves ko. Wow! Ganda talaga ng araw ko!
Nang makarating ako sa store ay dali dali akong nagtungo sa biometric section namin kung saan lahat ng empleyado ay kailangan muna mag log in sa guard.
Pagtapos noon ay patakbo akong nagtungo sa locker room.
15 minutes nalang at mamamarkahan na akong late! Putspa.
Dali dali kong inayos ang sarili bago pumasok sa trabaho, sinuklay ko ng maayos ang buhok ko, at sinuot ang apron ko.
Nang masiguro kong maayos na ako ay patakbo akong naglakad papasok ng store.
Nabungaran ko ang Manager namin na naka cross arms sa harap ko. Napakamot ako ng ulo at dahan dahang nagtungo sa direksyon ng manager.
"Kabago-bago mong empleyado, late ka pa" masungit na sabi nito. Tignan mo 'to, mukhang dragon ang mukha, dragon pa ang ugali. Ooops! Nagsasabi lang ako ng totoo.
"Sorry Ma'am ay Este Sir" sa loob loob ko ay natatawa ako, paano kasi 'tong si Sir, di pa umamin na bakla. Ganda pa ng katawan niya oh. Hahaha kaya lang naamoy ko na siya.
"Ugh. Next time na malate ka pa, bibigyan na kita ng Memorandum!" sabi nito sabay alis. Yumuko lang ako sa kanya saka siya nag lakad palayo.
Psshhh... Bakla naman. Halos pabulong na sabi ko sa sarili ko.
Nagpunta na ako sa station ko at nakita ko ang kaibigan kong si Nenang. Galing kasi siya ng probinsiya kaya ganoon ang pangalan niya. Makwelang tao si Nenang, samantalang ako, maghapon ko lang siyang tatawanan.
"Day! Kamusta Araw mo?" agad na bungad na tanong ni Nenang habang naghahanda sa Cashier. Medyo maaga pa naman kasi kaya wala pang masyadong tao dito sa Resto.
"Ay nako! Letche, badtrip na badtrip ako ngayon." inis na sabi ko pero pabulong lang iyon, sapat na upang marinig ni Nenang ang sinasabi ko.
"Jusko day! May tsismis me sayo. Hahaha nakita ko si Sir kagabi sa Gay bar! Nakasuot ng pink na sando. Imaginin mu. Hahaha" parang baliw 'tong si Nenang. Lakas mang asar kay Sir.
Natatawa na din tuloy ako sa kanya.
Nang biglang mapansin ito ni Sir Bakla. Hays! Pagiinitan nanaman ako neto buong hapon! Tss.
"Sam, halika dito." sabi ni Sir Bakla.
Nagtungo ako sa direksyon niya at nakita ko ang mga papel. Bills payment yata ito.
"Sir bakit po?" malumanay na sabi ko. Mahirap sabayan ang sungay ni Sir, lagpas ata sa taas ng everest.
"With in 20 Mins. Pumunta ka sa Office ng Mall na ito at bayaran mo ang mga bill natin." halata sa boses na ito na pinagiinitan ako ng gagang palaka na ito.
Napalunok laway akong tinangap abg mga papel at napatingin lang doon.
"Aba? Anong tinatayo tayo mo dyan? Bilisan mo! Dahil pagagalitan tayo ni Ms. Andy kapag di pa nasesettle yang payments!" nakataas kilay niyang sabi.
Alam mo kung hindi lang kita Boss dito sa resto e sinipa ko na yang pagmumukha mo! Letche ka!
Kahit na naiinis ay sumunod nalang ako, ayokong mawalan ng tarabaho gayung ito lang ang nakakatulong sa'kin para mabuhay.
Napaisip ako, sa dinami dami ng mga pwede kong idahilan bakit 'yon ang pumasok sa kokote ko? Letche lang. Ugh.
Pag dating ko sa office ng Mall ay dali dali ko ng binigay yung papel, halos mahingal hingal akong humarap doon sa kahera.
Nang matapos ako sa bills payments ay saktong nakaramdam ako na naiihi ako kaya nagtungo muna ako sa CR to check myself na din kung maayos pa ba ang itsura ko.
Nang makapasok sa CR ay inilipag ko muna yung mga receipt, saka inayos ang buhok ko.
Nang mapansin kong parang may kulang sa damit ko.
Asan ang Kwintas ko?
Shit! Hindi kaya?!
Napalo ko ang noo ko sa katangahan. Sigurado akong hawak ng maarteng babaeng iyon ang Kwintas ko. Napaka importante pa naman sa'kin ng kwintas na iyon. Binigay pa iyon ng Lola ko. F*ck Sam! Ugh