Patrice Flores Villafuerte
Ilang araw na ang nakaraan ng mangyari ang insidenteng iyon sa pagitan namin ni Sam.
Nandito kami sa Classroom at saktong narinig ko ang bell. Indikasyon na lunch break na ng mga morning shift class.
Sabay sabay na kaming lumabas ng klase, napapaisip sila kung saan kami kakain. Ako? Tahimik lang dahil wala ako sa mood magsalita.
Habang tahimik ako, naalala ko nanaman si Sam.
Pansin ko na hindi na siya mawala sa isip ko, naiirita ako sa isiping ganito ang naging epekto sa'kin ng nangyaring iyon.
Nawala ako sa pagiisip ng biglang magsalita si Rizz, "Guys, nagtext si Ate, if ever na doon tayo maglunch sa Resto nila kasi Birthday ng Anak nilang si Drew."
"So ano guys? Game kayo? Libre 'to." Sabi ni Rizz at isa isa kaming tinignan.
Si Queenie, excited na sinabing, "Tara! Gutom na ako."
While Tricia, "Okay lang, makakatipid ako e."
At lahat na sila nakatingin sa'kin. And this is so Awkward.Kung iisipin, doon nagtatrabaho si Sam?
Paano kung magkrus nanaman ang landas namin?Eh ba't di mo gantihan sa ginawa niya?Pwede? Hay.
Wala akong nagawa kundi sumama, sayang naman din talaga kung libre.
Nang makarating kami sa Resto nila ay agad na hinanap ng mga mata ko si Sam.
Bakit ko nga ba siya hahanapin? Samantalang pinahiya niya ako.
Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari. Naiinis na naupo ako sa upuan.
Nakipagbeso beso si Rizz doon sa Ate niya at sa Asawa nito.
"Maraming salamat at nakarating kayo. Birthday kasi ni Drew." malamunay na sabi ni Ate Andy habang inasikaso si Drew.
Napansin ko si Sam na nag seserve ng mga pagkain. Napatulala ako sa direksyon niya.
Hindi siya ganoong kataba, tama lang ang height, 5'5. Medyo maputi siya, magandang tignan ang Uniform nila sa malayo.
Aba? You're checking her out Pat. NO?! I'M NOT! HMP!
Nang makaramdam agad si Sam na parang may tumitingin sa kanya ay agad akong tumingin sa ibang direksyon, siguradong nakita niya ako.
Mga ilang minuto pa ang nagtagal at nag serve na sila ng food samin. Ugh, mag isip ka ng pwede mong gawin na ganti sa ginawa niya.
Nag serve siya ng Iced tea sa'min. Tinignan niya ako, alam kong namumukhaan niya ako.
Ay! May naisip ako!
"Amm... Miss!" tawag ko doon kay Sam.
"Yes? Ma'am?" malumanay na sabi niya at binigyan ako ng matamis na ngiti, maganda naman pala siya kung ngingiti siya araw araw.
"Pwedeng pakipalitan ito ng Pineapple juice?" sabi ko in maarte way. Gusto ko siyang inisin.
Kinuha niya ang Iced tea at ilang minuto pa ay dumating ulit siya hawak ang pineapple juice na nirequest ko kanina.
Inilapag na niya iyon sa direksyon ko, aalis na sana siya ng magsalita akong muli.
"Miss, pakikuha naman ako ng tubig? Nauuhaw na kasi ako." sabi ko, gusto ko talagang inisin siya. Tignan natin ngayon.
Binigyan niya lang ako ng ngiti bilang tugon.
Maya maya pa ay may tubig na siyang dalawa, may yelo pa. Wow, ganito pala talaga kapag server ka no?
Nang mailapag na niya ang tubig, agad akong nagsalita.
"Amm... Miss?" humarap siyang muli sa'kin.
"Anything else Ma'am?" madiin ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon na ikinatutuwa ko sa loob loob ko.
"Hmm... Pwede bang----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang...
Matabig niya ang tubig at natapon iyon mismo sa'kin!
Ugh!
"I'm sorry Ma'am h-hindi ko po sinasadya" sabi nito, natarantang kinuha niya ang table napkin saka ito ipinunas sa'kin.
Inis na nagtungo ako sa CR. Badtrip! Ang bilis naman ng karma!
Habang pinapatuyo ko yung Uniform ko, biglang nagbukas ang pinto ng CR na ikinagulat ko dahil pang isahang tao lang ang CR nila dito.
"What the hell are you doing?!" halos napasigaw na ako dahil biglang pumasok si Sam.
Tinakpan nito ang bibig ko.
"Ssshhh... Andito ako para kunin yung kwintas ko" halos pabulong na sabi niya sa'kin.
Ibibigay ko ba?
O hindi?
"At bakit ko naman iyon ibabalik sayo?" sabi ko na may halong inis pa din. Naiinis ako sa kanya.
"Sa'kin 'yon kaya ibalik mo na" medyo naiinis na din na saad niya. Aba? Bakit siya pa may ganang mainis ngayon?
"Ayoko" pag mamatigas ko, naisip ko na kapag binalik ko ang kwintas niya ay di na ako makakaganti sa kanya. Hello? Napahiya nanaman ako!
"Bilis na ibalik muna!" halos tumataas na ang boses niya, naiinis na din ito.
Sarap niya pala inisin no?
"AYOKO!" magmamatigas ako, hindi ko iyon ibabalik hangga't di ako nakakaganti sa kanya.
"Gagawin ko lahat, ibalik mo lang ang kwintas ko, parang awa mo na" sabi nito, medyo mahinahon na siya ng sabihin iyon sa'kin.
At dahil sa may utak naman akong tao, palihim na binuksan ko ang recorder ng phone ko para kung sakaling itangi niya ang mga sinabi niya ngayon ay may evidence ako para di siya makawala sa'kin.
Napatingin ako sa direksyon niya habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Talaga? Gagawin mo lahat?" sabi ko, sa loob loob ko, mismong kaaway mo na ang sumusuko sayo.
Humugot ito ng malalim na hininga sabay sabing, "Ugh. O-oo basta ibalik mo ang kwintas ko"
Sabi nito, alam kong napipilitan siya pero wala naman siyang magagawa e.
"Okay, I'll give it back to you sa isang kondisyon" mapanghamon na sabi ko, makakaganti din ako sayo.
"Ano yun?" sabi nito, halatang kabado siya sa bibitawan kong salita.
"I want you to be my Personal Assistant for 3 days" nakangiti akong sinabi iyon sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito.
"What?! 3 days?!" nagulat siya ng malamang 3 araw ang hinihingi ko.
"Oo? May problema ka don?" medyo mataray na saad ko para matinag siya.
"Bakit 3 days pa?" reklamo niya.
Tumingin akong muli sa salamin, "Aba e sa 3 days ang gusto ko, tsaka uuwi si Yaya sa weekend sa probinsya at 3 days siyang mawawala so, ikaw muna ang papalit sa kanya. Well, simple lang naman ang hinihingi kong kundisyon if hindi ka susunod, hindi ko ibibigay ang kwintas mo" mapanghamon na sabi ko sa kanya.
Ilang minuto siyang natahimik at di nagsasalita.
"Ayaw mo? Okay lang---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"S-sige. P-pumapayag na ako. Basta ibalik mo ang kwintas ko" napalunok siya bago niya sabihin iyon.
Her facial expression right now is priceless!
"Okay, this friday, sa condo ko ikaw titira" sabi ko. Nanlaki ulit ang mga mata niya.
"What? H-hindi ba pwedeng... Uwian nalang ako?" sabi niya na parang ayaw niyang pumunta sa bahay ko.
"Well, kung ayaw mo e---" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ngagsalita siyang muli.
"S-sige na. Sabi ko nga e, doon ako titira" she said in defeat. Wala naman siyang magagawa e dahil hawak ko ang kailangan niya e.
Binigay ko ang calling card ko sa kanya.
"Here, text mo ako sa number na yan sa friday and susunduin kita" sabi ko, at natatawa ako sa loob loob ko. Ano ka ngayon?
Napangiti ako ng nasa pintuan na ako ng banyo.
Sisiguraduhin kong pahihirapan ko siya sa loob ng 3 araw na iyon.