Samantha Lopez
Alam mo yung feeling na ang sarap sarap tirisin ng babaeng 'yon? Pagsisilbihan ko pa siya for 3 DAYS?! Ugh. Kung hindi lang dahil sa kwintas ko ay alam kong di ko kailangang gawin ito. Pero isa sa mga pinaka importanteng parte ng buhay ko ay noong binigay ito sa'kin ng Lola ko habang ako ay bata pa. Ito na lamang ang ala ala na iniwan niya sa'kin dahil siya ang nagpalaki sa'kin dahil sa maaga din akong naulila sa aking mga magulang.
Biyernes ng gabi na ngayon, nakahanda na ang mga gamit ko para doon sa impaktang iyon.
Speaking of impakta, saktong bandang ala syete (7pm) ng gabi ay dumating na siya sa resto. Napatingin ako sa kanya, naglalakad siya patungo dito sa counter.
Nangaasar na binigyan ako ng ngiti. May sa maligno ata itong babaeng ito e.
"Hi!" maligayang bati niya sa'kin saka tumingin doon sa kasama kong si Nenang. Maganda kasi si Nenang, saktuhan lang ang ganda.
Natutulala naman si Nenang, ako naman ay patay malisyang di tumitingin sa babaeng impaktang nasa harapan ko.
Nang bigla siyang lumipat sa direksyon ko, ako naman ay hindi tumitingin dito.
"Baka gusto mo akong pansinin, SAM?" may halong pang aasar na saad niya. Napatingin ako sa kanya at aktong sinimangutan ko siya.
"Ngiti ngiti din Sam. Baka magka wrinkles ka agad niyan e" tatawa-tawang sabi niya.
"Ano bang ginagawa mo dito?" mataray na sabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Aba? So baka nakakalimutan mo na Friday ngayon at ngayon na maguumpisa ang magiging trabaho mo" makahulugang sabi niya, dahilan para mapatingin sa'kin si Nenang na may halong pagtataka.
"Mam ano pong trabaho yon? Baka naman pwede ninyo ako isama." panakaw na eksena ni Nenang.
"Nako be, ibubugaw ko si Sam e sama ka?" tatawa nanaman ang bruha. Letseng gaga 'to! Kung wala lang ito sa loob ng resto ay sinipa ko na ang pagmumukha nito!
"Hahaha. Nakakatawa." masarkastikong saad ko habang si Bruhang impakta ay tawa ng tawa.
"Nakahanda ka na ba?" matapos tumawa ng bruha, mukhang napagod e.
Naiimagine kong nagbubuga ng apoy itong bruhang impakta na ito. Palihim na natatawa ako.
She cleared her throat after she laughed and say, "So, handa na ba ang gamit mo?" nakangiting tanong niya na ikinaiinis ko naman. Hapit lang?
"Teka nga? Hapit ka bang makasama ako? Kanina ka pa tanong ng tanong." pangaasar na may halong inis na sabi ko sa kanya.
Medyo namula ang mukha nito dahil napapatingin na sa amin si Nenang.
"Wow, ako? Maaatat na makasama ang kagaya mo?
A S A Sam." sabi nito na halatan idinedepensa ang sarili.
"Maupo ka dyan at maghintay kung ganoon mo ako kagusto isama sa bahay mo." HAHAHAHA
Halos mamula mula ang mga pisngi nito dahil sa hiya.
Wala na akong narinig pang reklamo mula sa kanya at naupo nalang siya sa bandang malapit sa upuan.
Pag hihintayin kita ng ilang oras dyan! Hahahahaha
Dahil sa out ko pa ay mga 9:00pm, isang oras pa siya maghihintay.
Halatang atat na atat ng umalis ang bruha. Maalok nga ng tubig.
"Gusto mo ng tubig?" sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
"Hmm.. Mabuti pa nga, nauuhaw na ako e. Thank you!" wow! Walang halong pangaasar ang tugon niya.
Kumuha ako ng tubig sa lababo, tutal nawasa naman yon. Akala ng bruhang 'to!
Pagbigay ko ng tubig ay ubos at simot niya ito. Halatang uhaw na uhaw na si Gaga.
"Salamat sa tubig. So, out mo na?" aktong tanong nito.
"Ang kulit mo din e no? Oo na. Paout na ako. Maghintay ka lang dyan." sabi ko sabay alis.
"Tss. Ang sungit." napailing nalang ito.
Nang matapos ako sa pagaayos ay saktong nakasalubong ko si Sir dragoneta.
"Oh? Out ka na?" aktong tanong nito. Kung ganito lang naman makikita ko gabi gabi hay!
Sir? Di ba halata? Baka gusto mong isampal ko yang hawak mong tambo. Teka? Kailan pa naging taga walis ang Manager? Nagbabasa ba ito ng Job description niya?
"Ah oo Ma'am ay este--- SIR. Hehe. Sige Sir, una na ako." sabi ko at aktong umalis na sa harapan niya.
Nang makarating ako sa table kung saan si Bruha ay pansin kong nakakatulog na ito.
"HOY!" pagulat na sabi ko at iyon si Bruha, nagulat nga! Hahaha.
"Tumutulo na laway mo oh." tatawa tawa kong sabi, hays nakabawi din ako sa kanya. Hahahaha.
Namula naman siya at aktong napatayo na at lumabas ng resto.
Dere derecho siya sa paglalakad. Parang walang kasama tong bruha na ito.
Mukhang na badtrip siguro. Tama nga ang sabi nila. Wag bibiruin ang bagong gising.
Nakita kong sumakay siya sa Pink na kotse, may hello kitty pa na sticker sa labas. Takte! Super girly!
Tinignan niya muna ako, sabay sabing, "Ano? Sasakay ka ba? O hindi?" sabi nito habang binubuksan ang pinto.
Napatakbo ako at sumakay sa kotse niya. Pati ba naman ang loob ng kotse niya? May hello kitty?! Umay!
Habang nasa byahe ay aktong nagsalita siya. "We're going to stop by for a bit at the near grocery store sa building namin." napatingin lang ako sa kanya, pagod na akong magsalita pa.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, ginising nalang ako ng babaeng impakta ng nasa tapat na kami ng grocery store. "Hey, wake up!" tawag niya sa'kin.
Bumaba na ako at sumunod sa kanya.
Nang makapasok ng grocery store ay agad siyang kumuha ng malaking stroller saka naglakad lakad. Binati siya ng guard na duty ngayon at aktong ningitian niya naman ito.
Psh so dapat talaga lahat ngingitian niya?
Pumunta kami sa snacks section, kumuha naman siya ng kung ano anong chichirya.
Agad ko naman siyang pinigilan sa kakakuha ng kung ano anong junk foods. "Hoy, ano ba yan! Puro ka junk foods!" sabi ko habang binabalik ang mga kinukuha niya.
"Eh bakit ba? Babayaran ko naman?" sabi nito sabay balik ng mga kinukuha niya kanina.
"Bad for the health yan, at dahil cargo kita ngayong week end, susunod ka sa'kin." sabi ko sa kanya. Ayaw ko naman na magkasakit siya at itanong sa'kin kung ako ang huling kasama niya, tiyak na ako ang malalagot sa parents niya.
"Psh! O edi ikaw mamili!" inis na sabi niya, kinuha ko ang stroller at pumunta sa section ng mga gulay at prutas.
Magisa nalang kasi ako, ulila kumbaga. Kaya hindi ako pwedeng kumain ng kung ano ano lang dahil kapag nagkasakit ako, mahirap lalo na sa sitwasyon kong walang magaalaga sa'kin.
Nang masiguro kong nakuha ko na lahat ng kakailanganin ay aktong nagtungo na kami sa cashier.
Habang inilalagay ko na ang mga pinamili, isa isa naman itong pinapunch ng kahera, tumitingin sa'kin ng panakaw ito pero wala akong oras sa pakikipaglandian.
Nang maipunch na niya ang mga pinamili, sinabi ng kahera kung magkano lahat, "Ma'am, 1,540 po lahat." sabi nito sabay tingin sa'kin at napapangiti ang loka. Ugh.
Type ka nyan Sam.
"Oh? 1,540 daw lahat." tumingin ako sa kanya at nakita ko na kinuha niya ang credit card niya.
Nang ibinigay na niya ito, sabi ng kahera ay hindi sila tumatangap ng credit card dahil offline daw ang mga ito.
"Oh so paano 'to?" sabi ko sa bruha.
"Di naman kasi ako ang bumibili ng mga pangangailangan sa Unit ko kaya di ko alam na hindi pala sila tumatanggap ng credit card. Hehe." sabi niya, ugh! So no choice Sam! Ikaw ang magbabayad!
Kumuha na lang ako sa bulsa ko, buti nalang at may 2,000 pesos pa ako sa bulsa ko. Hays!
Nang mabayaran ang mga pinamili, ako pa ang nagbuhat. Wow! Wow talaga!
"Hoy! Ano na? Di mo man lang ako tutulungan?" reklamo ko, pagod na nga ako ganito pa aabutin ko? Oh my!!! Ugh. Buti at mapagpasensya akong tao.
Aba? Di man lang ako pinapansin ng bruha. Bwset!
Nang makarating kami sa kotse niya ay akmang binuksan niya ang compartment, at dali dali ko namang nilagay ang mga pinamili.
Narito na kami sa building ng unit niya, binuksan na niya ang Unit niya ay WOW! JUST WOW
ANG DUMI NG BAHAY NIYA! ANG DAMING KALAT, PURO PIZZA BOXES AT MGA BOTTLE OF BEER NA NAKAKALAT.
"Ang kalat ng bahay mo!" sabi ko, nakakainis naman! Gusto ko na sana matulog kaya lang...
Ugh!!! Sam, kalma lang.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"So ano? Lilinisin mo ba o itatapon ko sa labas ang kwintas mo?" mapangasar na sabi niya.
Whooo! Kaya ko 'to!
Wala na akong nagawa. Nilinis ko na lang ang bahay niya.
So ganito ang magiging buhay ko sa loob ng tatlong araw? Hays! Relax Sam, makukuha mo din ang nameplate mo sa bruhang iyan!