Patrice Flores Villafuerte
Week end ngayon, nakakaburyo. Nakakabored. Hays. Wala man lang update kila Queenie kung ano ba ang pwedeng gawin ngayon.
Narito ako ngayon sa Unit ko, at as usual nakahiga pa din ako bandang alas gis na ng umaga ay hindi pa rin ako bumangon.
Hanggang sa maramdaman ko ang pinto ng kwarto ko na nagbukas.
Oo nga pala, andito si Sam sa unit ko.
"Nagluto ka na?" sabi ko, napatingin naman siya sa'kin ng mataimtim.
"Aba, malamang. Alas gis na ah? Tayo tayo din!" pangaasar ni King kong.
"Hoy! King kong! Umagang umaga aasarin mo nanaman ako!" dahilan para mapatingin siya sa gawi ko.
"Kumain ka na lang dyan." masungit na sabi niya saka siya nagtungo sa banyo.
Mukhang maliligo na din ang gaga.
Habang hinihintay siyang maligo ay nagtungo naman ako sa sala, naupo sa couche saka binuksan ang TV.
Habang nanunuod ay napansin ko na parang may naghahalikan, may naalala nanamam ako.
Yung kiss namin ni King kong!
Anong?... Anong kiss namin!! Nako! Ugh. Kailangan makaisip ako ng bagong ganti sa kanya ngayon.
Alam ko na!
Buti nalang at bumili siya ng saging kagabi. Lumapit ako sa dining table saka kumuha ng saging at inubos ko agad yon.
Nang maubos ko yung saging, nilagay ko yung balat ng saging sa tapat ng pinto ng kwarto ko.
Akala mo ha? Di pa ako tapos!
Nang marinig kong papalabas na si Sam sa banyo ay agad naman akong nagsisisigaw ng, "Sunooooog! Ahhhhh!" halos matili pa ako para lang mas maging makatotohanan ang acting ko.
"Asan?! Asan ang..." aktong mapapadulas na sana siya ng biglang....
Hawakan niya ang laylayan ng damit ko.
Kaya sabay kaming napatumba....
Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko agad ang mga mata niya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa!
At ang masaklap pa dyan ay....
Napatingin ako sa katawan niya....
Yung towel na nakatapis sa kanya, medyo natangal, exposing her... Boobs!
Nanlaki ang mga mata ko at dali dali kaming tumayo.
Halos mapatakip siya sa katawan niya at ako? Alam kong pulang pula na ako ngayon.
"Ano ba kasing problema mo at kailangan mo pang magbiro ng ganyan!" halos napasigaw siya sa inis.
"H-hindi ko naman ano... Inaasahan na... Na mangyayari yun." halos mautal ako dahil sa hiya na din na nararamdaman ko. Parang ako pa ata ang na biktima ngayon.
Padabog na pumasok siya sa kwarto ko.
At ako naman ay natutulala, hindi ko alam na ganoon ang magiging epekto ng nangyaring aksidente na iyon sa'kin.
Ang sexy niya, ang ganda ng katawan niya. Yung balat niya, ang kinis!
Aba? E teka? Ba't ba ako nag iisip ng kung ano ano? Eh di hamak na mas maganda ang katawan ko sa kanya?!
Habang tulala ay narinig kong nagsalita si Kingkong, "Papasok na ako, akin na ang Kwintas ko." sabi ni Sam, halatang galit ito.
"A-ayoko. Tsaka may kontrata pa ta---" nagulat ako ng halikan niya akong muli, marahas at halatang sabik na sabik.
Halos mapahiga na ako, sa sofa. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko, hindi ko mapigilang mapaungol sa sarap ng ginagawa niyang paghalik sa'kin.
Ilang minuto pa ang nag tagal ng unti unti kong maramdaman na nakuha na niya ang name plate niya saka umalis.
Ako? Naiwan akong tulala, anyare? Yun na yon?
Halos ilang oras na akong nakahiga sa sofa, nagiisip, nagiisip ng gagawin.
Hindi ko namamalayan na napapahawak na ako sa mga labi ko na tila't may hinahanap hanap.
Naalala ko yung way ng paghalik sa'kin ni Sam. Ang sarap, ang lambot, nakakainit.
Ay? Sheeeet! Ayoko ng ganito! Halos sampalin ko ang sarili ko dahil sa gulat. Never kong na experience ang ganitong pag papantasya sa babae. Kahit minsan na may ikinakama pa ako, afterwards ay di ko na sila kinokontak.
King ina mo Sam! Lagot ka sa'kin paguwi mo! Hayop! Bitin na bitin ako!
Nag decide akong tawagan si Queenie at nalaman ko na uuwi si Rizz dito sa Pinas. Galing kasi siya sa States.
Nasa isang resto kami nila Queenie, while waiting for the others, di ako mapakali. Di ko alam kung bakit.
Paano ba naman ay dito nanaman kami nagtungo sa Restaurant nila Rizz, yung pagmamay ari ng Ate niya. E syempre andoon nanaman ang Babaeng haliparot at manggagantso. Akala ko pa naman may mangyayari..
WHAT THE F*CK IS GOING ON WITH ME?!
Halos di ako mapakali, minu-minutong tinitignan ko si Sam habang busy sa pag seserve ng food sa ibang mga tao doon. Di ko alam kung bakit.
Hindi ko namalayang dumating na pala si Rizz kasama si Tricia.
"Hi Girls!" maligayang bati ni Rizz, patakbong nagtungo ito sa direksyon namin sabay isa isa kaming niyakap.
"Namiss ko kayo. Kamusta na kayo?" halos hindi magkandaugagang tanong ni Rizz samin. Ako? Di man lang makasagot dahil ang nasa isip ko nanaman ay yung punyetang SAM NA YON!
Yan tayo e, imbes na ako ang gumaganti sa kanya, ako pa ata ang naiimbyerna sa kanya.
"Pat? Kamusta ka?" nabalik na lamang ako sa ulirat ng tawagin ako ni Rizz.
"Ahh--- okay naman ako. Ammm..." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mataranta akong napatingin kay Gago. Letse naman oh. Siya talaga? Magtetake ng order namin?
"Rizz! Kamusta ka na?" parang ang saya saya niya ng makita si Rizz, para na din kasing mag best friend ang turingan nila ni Rizz, nakukwento niya si Sam samin pero wala naman akong paki noon dahil di ko naman siya kilala.
"Okay lang, so ano? May girlfriend ka na?" napatingin ako bigla sa direksyon nila habang busy akong umiinom ng tiya-a na ibinigay sa'kin ng isa pang waiter kanina. Napa ubo pa ako sa tanong ni Rizz sa kanya, at the same time, kumabog bigla ang dibdib ko.
Bakit naman ako kakabahan? Weird.
"Hmmm... Wala pa." nakangiting saad niya kay Rizz. "Teka ano bang order niyo? Nang maipa
prepare ko na doon." saad niya habang may isinusulat siya doon sa papel.
"Hmm... Ano siguro. Pat?" napatingin ako bigla kay Rizz ng tawagin niya ako.
"A-ano yon?" halos mautal na sabi ko. B A K I T B A A K O N A U U T A L?
GRABE NA ‘TONG TENSYON NA NARARAMDAMAN KO AH?
"Pat? Huy? Ayos ka lang?" baling ni Queenie sa'kin. "Aba. Oo naman. Why I should not be okay? Andito na ang tropa. Kaya bakit ako hindi magiging okay? Aber?" natarayan ko na si Queenie.
"Alam mo Pat? Isa lang naman ang tinanong ko at ang dami mo ng sinabi!" halos lahat sila ay tinawanan ako, at napatingin ako kay King Kong! Aba! Tumatawa si Gago! Ugh. Nakakahiya!
Namumula tuloy ako, hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa'kin simula ng halikan ako ni Sam sa bahay ko.
F*ck naman Sam! Makikita mo!