2 | Sides

3366 Words
Join this f*******: Group to read my stories for free: Juanna Balisong STORIES ENJOY READING! (/>o<)/ ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ ISINALAMPAK ni Andrea ang sarili sa sofa at iniunat ang mga kamay at paa. She feel so exhausted at ano mang oras ay wari niya'y pipikit na ang kanyang mata dala ng pagod. "Bakit kasi bumiyahe ka nang ikaw lang mag-isa?" Ani ng Daddy niya. "Sana man lang isinama mo rito si Janelle." "Dad, Janelle is also on her vacation. Umuwi muna siya sa kanila and I know how she badly miss her family." Hinilot niya ang nananakit na leeg at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. "And where's your car anyway? Sa pagkakaalam ko ay dala mo ang sasakyan mo. Why are you waiting at the guard house with your things?" "Ooow about that..." Napakamot si Andrea sa kanyang ulo. Paano niya nga ba sasabihin sa ama ang nangyari sa kanya? "N-nasiraan kasi ako sa daan kaya wala akong choice kundi ang makisakay na lang with some stranger. Hopefully, may nagpasakay naman sa akin kahit hindi ako kilala." Hindi na niya idinitalye pa ang ibang pangyayari dahil baka mabwisit lamang siya kapag naalala ang antipatikong lalaki. Naupo si Buendio sa katapat na sofa at inutusan ang isang maid na magdala ng meryenda. "Saan mo naman iniwan ang kotse mo kung gayon?" "M-my... car? Sinabi sa akin ng taong tumulong sa'kin that he will help me to fix my car, then he'll give it back to me." She shrugged and cross her long legs. "Do you even know him? Or gave you anything para ma-contact mo s'ya?" Pag-uusisa pa ng ama. "He gave me his number at tawagan ko nalang daw s'ya." Napatango-tango naman ang ama sa sinabi niya. Dala ang mga inihandang meryenda, inihain ng mga maids sa center table ang tsaa at mga slice ng cake upang kanilang pagsaluhan. "Sino naman itong good samaritan na tumulong sa iyo?" Muling tanong nito at humigop ng tsaa sa tasa nito. Agad na gumuhit ng isang linya ang kilay ni Andrea. "I don't know his name, but I heard the guard in the guard house called him 'Mien'." "'Mien'?" Pagkukumpirma nito. She nodded her head saka sinubo ang kapiraso ng cake sa tinidor na hawak. "Saan ko ba narinig ang pangalang iyon?" Kunot-nong napaisip si Buendio. "He told me he is a mechanic." Dagdag pa ng dalaga. "Mien... Mien... Mekanino?" Napahawak pa sa baba ang ginoo habang iniisip ang taong tinutukoy ng anak. "AAH!" Halos mapatalon pa si Andrea sa kinauupuan nang biglang pumalatak ang kanyang ama. Nagising ata pati buong brain system niya dala ng pagkagulat. "Sigurado ba kayong tsaa ang ipinainom n'yo kay Dad at hindi kape? Ako ang ninerbiyusin e." Baling niya sa isang maid na naroon. Napatawa ito at bumulong. "Siguradong tsaa po ma'am Andrea." "I knew him!" Napapitik-pitik pa ng daliri si Buendio. "Damien!" Anito na parang nanalo sa tinatayaang loto. "Damien?" Andrea sip on her cup of tea. "Damien, iyong mekaniko sa talyer. Mabait iyong batang iyon kaya walang duda na tinulungan ka." May pagmamalaking wika pa nito. Muling naalala ni Andrea ang pagka-"mabait" nito. 'Gwapo nga, antipatiko naman.' Anang kanyang isip. Ewan niya ba at maalala ang mukha o marinig man lang ang pangalan nito ay nabibwisit na siya. Napaka-ignorante nito at lagi siyang pinangungunahan. "Mabait nga." Labas sa ilong na wika niya at muling sumimsim ng tsaa. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mansion. 'There's nothing change in here.' Ganoon pa rin ang style at ayos ng mga gamit simula noong umalis siya roon. Ang tanging nadagdag lamang ay ang malaking portrait ng kanyang ina na nakasabit sa malawak na space ng salas. "Why didn't you change the things and style here, Dad?" Tanong niya sa ama ngunit ang mata ay nanatiling nakatuon sa picture ng namayapang ina. Sinundan ng tingin ni Buendio ang tinitingnan ng anak. He looked at his wife's angelic face. She's smiling at the portrait like she's still there. Alive. "Ang mommy mo ang nag-ayos ng buong bahay. She was the one who arranged the things in here. The style, the designs, decorations... Everything. Ayokong baguhin pa 'yon. This house is full of her memories simula pa noong bagong mag-asawa pa lang kami at dumating ka sa buhay namin ng mommy mo." Buendio looked at his daughter. Andrea has the resemblances of her mother, Anastasia. Kuhang-kuha nito ang features ng ina. Her hair color was as brown as hazelnut. She has a cat-like pair of eyes na kulay diyamante na minana pa nito sa lola nitong isang Hungarian. Matangos ang ilong nito at mapupula ang hugis pusong labi. At mala-porselana ang makinis nitong balat.  Barbara Palvis as Andrea Buendio can see the resemblance of his wife Anastasia Greyson-Del juanco in his daughter. Napakaganda at kakaiba ang rikit kumpara sa iba. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede itong ipanglaban sa mga beauty pegeant. "You know, you really look like your mother. Kung buhay pa siguro ang mommy mo ay mapagkakamalan na magkapatid lang kayo." Napatawa si Andrea. Maraming nakapagsasabi sa kanya noon pa man na parang magkapatid lamang sila ng ina. Ngunit ang ganda ng ina ay tila hindi kumukupas. At imbis na tumatanda ay tila mas bumabata pa sa pagtagal. Her mom doesn't know how to age. "I know Dad, maraming nagsasabi niyan sa akin. Nakakapagod na na palagi akong ikino-compare kay mommy." She cutely pout. "Duh? Can't they see that I'm a mix? A beauty of Greyson and intelligence of Del Juanco." May pagmamalakhing wika pa niya. Napangiti ang ama. "Indeed you are." Pagsang-ayon nito. Muling binalingan ng tingin ni Buendio ang portrait ng namayapang asawa. Ang ngiti nito ay tila mas lalong sumaya. "Look at your mom, mas nagmukha siyang masaya ngayong nandito ka na ulit." Andrea take a glance again at the portrait. Nakangiti ang ina niya na tila ba buhay na buhay. Malungkot na napangiti ang dalaga. "Like what you said, this house is full of mom's memories. But those happy memories with her... now makes my heart ache." Unti-unting nilukob ng lungkot ang damdamin ni Andrea. Kahit saan siya tumingin sa paligid ay mayroong magagandang alaala ang kanyang ina. There's her mother's piano where they used to play with. Sa piano ring iyon una siyang natuto tumugtog sa tulong ng ina. The grand staircase kung saan tinuruan naman siya ng ina kung papaano mag-akyat-baba nang may poise at elegance. Ang buong salas na minsan ring naging playground nila tuwing naglalaro sila ng ina ng bahay-bahayan o 'di kaya ay taya-tayaan. Sa sofa, kung saan palagi siyang iniipitan ng buhok ng ina. Kahit saan siya lumingon ay naroon ang mga naiwang alaala ng ina. Mga masasayang alaala na ngayon ay nagdudulot sa kanya ng kalungkutan tuwing maaalala. "I terribly miss her Dad... I-I miss mom." Hindi mapigilan ni Andrea na mapaluha. Miss na miss niya na ang ina at wala man lang siyang magawa upang mabawasan ang kalungkutan na nadarama. "I do miss her too honey." May bahid ng lungkot na tinig ng ama. "I miss her s-so much..." A bunch of tears immediately escaped from her eyes. Kahit na ano mang pahid ang gawin niya ay patuloy lamang sa pag-agos ang kanyang mga luha. "I miss my mom so-so much, Daddy." Hinayaan ni Buendio na umiyak ang anak. Alam niya kung gaano nito katagal kinimkim ang lungkot na iyon. Ang lungkot ng pangungulila sa ina. Maging siya ay nangungulila rin sa asawa. Napakaaga pa noong kunin ito sa kanila ngunit talagang wala na silang nagawa pa nang ang Diyos na mismo ang may kagustuhang mangyari iyon. Ang natatanging gawin na lamang nila ay tanggapin iyon. "I'm sure wherever your mommy is, masaya na siya. Wala ng mga paghihirap pa. The only thing that we can do is to accept her fate." Nilapitan ni Buendio ang anak at niyakap. Alam niyang napakahirap para kay Andrea na tanggapin ang pagkawala ng ina. Si Anastasia ang number one supporter nito noong unang sumabak si Andrea sa pag-arte. Her mom became her bestfriend and supporter sa lahat ng bagay. Naging isang mabuting ina at asawa ito kaya ganoon na lamang kahirap tanggapin para sa kanila ang pagkawala nito. The name behind their exclusive subdivision is his wife Anastasia. Isinunod niya ang pangalan sa pangalan ng asawa. Anastasia will always be in their hearts. "You know what," kapagkuwan a wika ng ama. "Embes na dinadamdam natin ang pagkawala ng mommy mo, we can just burry those memory of her as a treasure. Hindi iyong napupuno ang bahay ng negative thoughts and emotion tuwing naalala natin s'ya." Pinahid ni Andrea ang mga luha at napangiti na rin. "I'm sorry I j-just can't help. But you're right Dad, this house is full of Mom's happy memories that we should treasure. Hindi iyong nag-iiyakan tayo rito." "Silly you. Sino ba ang unang umiyak?" Natatawang ani Buendio. "Daaad?" Tuluyang napatawa ang ginoo. "O kita mo?" "Stop teasing me!" Napailing na lamang ang dalaga. Mayamaya pa ay napalitan ng tawanan ang kanilang kwentuhan. They talked about things that they have both interest. Mga ibang kaganapan sa buhay at kung ano-ano pa. "Let's talk about your career hija," paglilipat ng paksa ng ama. "Have you already indicted that man na may gawa sa'yo nito?" Napabuntong hininga si Andrea. "Yes we already did, Dad. I already filed a case of Anti-Photo and Video Voyeurism and Cyber Libel. Si Atty. Eric na ang bahalang magpatakbo ng kaso." "That's good. Para naman maturuan ng leksyon ang b*astardong 'yon." Kitang-kita ang pagtitimpi ng galit sa mukha nito. "How about you, are you okay?" Biglang napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Buendio para sa anak. "Are you going to believe me if I said Yes?" Biglang lumamlam ang ekspresyon ng dalaga "Really Dad... No, I'm not okay." Agad na nahabag ang kalooban ng amang si Buendio nang masilayan ang lungkot sa mata ng anak. "Honey..." Nilaro ni Andrea ang basong hawak at ipinaikot ang daliri sa rim nito. "All my career life... Inalagaan ko ang pagkatao ko para mahalin nila ako. I did my best para maabot ang expectation nila sa akin. I worked hard to be in this position... To be an actress and an idol that everyone will love. B-but..." Her tears slowly clouded her eyes. Tila bumibigat ang kanyang pakiramdam. "Why... why did they hate me now? What did I do for them to hate me?" Puno ng hinanakit ang tinig ng dalaga. Hindi na niya kayang tiisin pang panghawakan ang bigat na nadarama. She feel so frustrated and exhausted with everything. The hate, the criticisms, and judgements na natatanggap niya sa kasalanang hindi niya ginawa. She just can't hold those things anymore. Tao lang din siya at may mga pagkakamaling nagagawa. Ngunit ang akusahan siya ng mga tao sa kasalanang hindi niya alam at walang kinalaman? Sobra na. Ni-hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili sa mga paratang na ibinabato sa kanya. Now she seemed to everyone not merely an intelligent woman, but a kind of low type of girl who just throw herself to anyone. Nang dahil sa mga litrato niyang kumakalat ngayon sa internet, tingin na sa kanya ng lahat ay parang si Magdalena. Isang kalapateng mababa ang lipad. But she do know to herself na hindi siya ganoong klase ng babae. May pinag-aralan siya at mataas ang respeto sa sarili. Kaya kung ano mang paninira ang sinasabi ng iba sa kanya ay wala iyong katotohanan. "I-I don't know what to do Dad... Hindi ko na alam ang gagawin ko kung unti-unting maglaho yung pinaghirapan ko." muling tumulo ang mga luha sa mala-diyamante nitong mata. Sobrang sakit para sa kanya. Napakasakit na mawala na lamang ng ganon-ganon ang lahat ng pinaghirapan niya. She feel so unsafe and abandoned by everyone. Pakiramdam niya, na ang bawat mga tingin na lumalapat sa kanya ay mga husga. Hindi man sabihin ay alam niyang hinuhusgahan siya ng mga tingin ng tao sa paligid niya. Agad na nilapitan ni Buendio ang lumuluhang anak. He embrace her and hugged her tightly. "Everything will be okay honey, like what I always say, We can't please everyone. Lilipas din iyang lahat ng pinagdadaanan mo. Tama lang na umuwi ka rito, you'll be safe here." Alo nito sa anak at hinagkan ito sa ulo The only thing Buendio can do for his only daughter is to protect her. Hanggat kaya niya at nasa poder niya ang anak ay poprotektahan niya ito. He willingly listen to all of her problems and be a crying shoulder whenever she need one. Andrea let herself to cry in her father's arms. Now she finally feel her home. "Thank you Dad." ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ NAKATUKOD ang dalawang kamay ni Damien sa hood ng dyip na kanyang inaayos. Tinitingnan niya ang makina nito kung saan ang deperensya. "Ano 'Mien? Nakita mo na ba kung ano sakit nitong si Gadot ko?" Tanong ni Pedro na siyang may-ari ng dyip. "Hindi pa nga e, mukhang maayos naman ang mga makina. Sige nga at subukin mong paandarin ulit." Umikot ito sa harapan at pinihit ang susi upang paandarin ito. Nagsimulang mag-init ang mga makina at umandar ang dyip. Maayos ang tunog na tila tigreng nagngangalit. "Maayos naman ah?" Sabat ni Rico na kadarating lamang at lumapit sa kanila. Napakamot si Pedro sa ulo at tiningnan ang sasakyan. "Oo nga, pero ewan ko ba at nagloloko iyan minsan." Napakunot ang noo ni Damien nang may mapansin sa makina habang umaandar ito. Mayamaya pa'y unti-unting bumagal ang pag-andar ng dyip na tila umuubo at tuluyang namatay ang makina. "O kitams? May sapi ata itong si Gadot ko. Minsan okay naman, kadalasan tinotopak at namamatay-matay ang makina." Muling pinaandar ni Pedro ang dyip ngunit makailang pihit pa ay parang kabayo na lamang itong humahalinghing at ayaw umandar. "Baka sign na 'yan ng pagpapaalam ni Gadot mo Pedro." Tukoy ni Rico sa dyip. "Aba sa tinagal-tagal na serbisyo niyan sa'yo ay kulang nalang maging antigo 'yan e." Biro pa nito. "Kow! H'wag naman sana. Itong si Gadot na nga lang ang hanap-buhay ko'y mawawala pa." Yakap kuno ni Pedro sa side mirror nito. "Sige nga Pedro at paandarin mo ulit." Ani Damien at patuloy na sinusuri ang sasakyan. Muling binuhay ni Pedro ang dyip ngunit gaya kanina ay agad ding namatay ang makina nito. "Hayun, nakita ko na." Napatingin ang dalawa kay Damien nang may kalikutin ito sa loob ng hood. May inilabas itong isang kapirasong bahagi na nangingitim na. "Sunog na itong spark plug mo kaya namamatay-matay ang makina. Mabuti pang palitan na ng bago." Pakita ni Damien sa hawak. "Aba'y oo nga ano?" Kinuha ni Pedro mula kay Damien ang spark plug. "Kabibili ko lang nitong noong isang araw, sunog na agad?" "Naku po! Scam iyan kapag ganyan." Sabi ni Rico. "Baka ang naibenta sa'yo ay luma hindi mo lang napansin dahil mukhang malinis." Ani naman ni Damien habang pinupunasan ng basahan ang may bahid na grasa na kamay. "Siya nga at sa may bangketa ko lang ito nabili. Naloko ako n'on ah." Napakamot na lamang si Pedro sa noo. "Dapat ay sa hardware ka bumibili at hindi kung saan-saan. Dito ka na bumili sa Tonying's Hardware, mura lang mga tools and parts dito, siguradong original pa." May pagmamalaking hikayat ni Damien. Kaakibat ng pinagtatrabahuan niyang volcanizing and repair shop ang hardware sa tabi nito. Pagmamay-ari rin iyon ng kanilang boss na si Tonying. "Ganon ba? Sige at dito na ako bibili sa susunod." Binalingan nito ang counter kung saan naroon ang nagbabantay ng hardware. "Cholo, may spark plug ba kayo?" Lapit ni Pedro roon. Nilapitan naman ni Rico ang kaibigan. "Naks, lakas makahigit ng costumer ah." Suntok pa nito sa braso ni Damien. "Ganyan ang strategy. Kung dito sila sa atin magpapaayos, dapat sa hardware na rin natin sila bumili ng kailangan." Nakangiting wika pa niya. "Manager," Tawag pansin sa kanya ni Tonton. "Nasa linya po ng telepono si Boss, gusto raw po kayo makausap." "Sige, papunta na ako kamo." Aniya rito. "Rico, ikaw na muna bahala rito kakausapin ko lang si Boss." Paalam niya bago pumasok sa opisina niya. "Heto po." Abot sa kanya ni Tonton ng telepono. "Salamat Tonton." Tango niya rito bago ito lumabas ng opisina. Naupo siya sa swivel chair at sinagot ang tawag. "Boss Tonying?" ?Tonying: "Damien!" Pagkilala nito sa kanya. "Ano? Kumusta ang business natin d'yan?" Isinandal ni Damien ang sarili sa upuan. "Maayos naman po ang lahat Boss wala namang aberya." ?Tonying: "Maganda 'yan. Hindi ako nagsisi na inilagay kita sa pwesto na 'yan." Agad na sumilay ang ngiti sa labi ng binata. "Salamat boss." ?Tonying: "Nga pala, sa susunod na linggo ay baka makabalik na kami. Sinusulit lang namin ang bakasyon bago umuwi." "Sige po. Hihintayin namin ang pagbalik ninyo. Enjoy po kayo sa family outing ninyo." Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay naputol na ang tawag. Nangamusta lamang sa kanila ang amo at nakikibalita sa kaganapan. Kasalukuyan kasi itong nagbabakasyon kasama ang asawa't anak upang dumalo sa isang family reunion. Kaya ay sa kanila muna pansamantalang ipinamahala ang shop hanggang sa makabalik ito. Marami ng mga branches sa iba't ibang lugar ang Tonying's Hardware, Volcanizing and Repair Shop nila. Sa branch sa lugar na iyon ay si Damien ang namamahala bilang manager. Nang malukob ng katahimikan, sandaling napaisip sa kanyang sarili si Damien. May bahagi ng kanyang puso ang nangungulila para sa pamilya. Kumusta na kaya ang magulang at mga kapatid niya? Matagal na rin noong huli niyang nakita ang mga ito. After his younger sister Faith Alba married Lorenzo Zembrano, ay napirmi na ang buhay nito. Faith Alba is a model in Brazil na ngayon ay isa ng may-bahay. She's a mother with her two kids and a wife to Lorenzo na isang kilalang businessman at ang susunod na magmamana ng isang kilalang malaking korporasyon na pagmamay-ari ng pamilya nito. Ang sumunod naman sa kanya ay ang kapatid na si Cesar. Cesar is a well-known novelist in France. Kilala rin ito sa ibang bansa dahil sa mga matagumpay nitong likhang libro na marami ang tumatangkilik at ngayon ay patuloy paring namamayagpag. Sa kanilang tatlong magkakapatid ay siya na lamang ang kulelat. Siya nga itong panganay ngunit hanggang ngayon ay wala pang napapatunayan. Ang mga kapatid niya ay matatagumpay na at malayo na ang narating. Ngunit heto siya at patuloy paring hinahanap ang sarili.  Daniel Toni Jais as Damien Napaka-maimpluwensya ng pangalan ng pamilya nila. Fuentes are known for their uniqueness when it comes to achieving their biggest dreams. May kamag-anak siyang naging presidente ng isang bansa, naging kanang kamay ng isang reyna sa Europa, naging sikat na artista at kung ano-ano pa. But... Ayaw niyang gamitin ang impluwensyang tangan ng kanilang pangalan para lamang maabot niya ang gusto. Ayaw niyang gamitin ang apilyedo para lamang mapadali ang trabaho. He do knows na sa kanilang kamag-anakan ay pinaghirapan ng mga ito ang pangarap nila hanggang sa maabot iyon. And he wanted that too. Ang paghirapan ang pangarap at hindi iyong idinaan sa santong paspasan dahil lang sa impluwensya ng pangalan. Nais niyang maranasan ang hirap habang inaabot ang sariling pangarap. He wanted to feel the ups and downs of a person who's striving his dreams. Lahat ng hirap, pagod, pagpupursigi para lamang maabot ang nais. Ika nga, "A medal is just a worthless thing if you didn't really worked hard for it... Because it has no value." In shorter and elaborated, mas dama mo ang kasiyahan sa pag-abot ng tagumpay kung danas mo ang lahat ng paghihirap sa pag-abot niyon. Another but... He don't know what he really wanted to be. Iyon ang problema. Sa dami na niyang nasubukang trabaho at nagmala-explorer na siya gaya ni Dora ay hindi pa rin niya nahahanap ang gusto. Minsan na siyang naging volunteer sa Africa, naging guro sa Indonesia, pumasok sa Navy army sa United State, at iba pang trabaho. 'Pero wala talaga.' Aniya. Na-enjoy naman niya ang mga karanasan pero iyong talagang mamahalin niya at passion sa paggawa ay hindi niya mahanap. Iyon nga ang pinagtalunan nila ng kanyang ama bago siya muling umalis. CONTINUATION BELOW.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD