Diffent Faces pt. 2

4907 Words
"Turn left." "Huh?" Napatigil si Andrea sa pagmaneho nang mapansin ang waze map na tinitingnan niya sa phone. "Tama ba 'tong dinaanan ko o may mali akong nalikuan?" Tiningnan niya ang kahabaan ng kalsada na kanyang tinatahak. Pansin niya kasi ay parang ni-isang sasakyan ay wala pa siyang nakakasalubong mula kanina. Puro mga nagtataasang mga talahib lamang ang nakikita niya sa paligid. Muli niyang inilagay ang address sa google map. Baka nagloloko lamang at mali ang direksyon na ibinibigay sa kanya ng application. Ngunit nakailang ulit na siya sa paglagay ng exact location na ibinigay sa kanya ng Daddy niya ay ganoon pa rin ang lumalabas sa waze app. Duda na siya kaya dali niyang tinawagan ang numero ng ama. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito. "Hello Dad, sure ka ba sa address na binigay mo?" ?Buendio: "Ye—Ta—bigay—ko s-sun—an—mo—lang—" Pagkatapos niyon ay naputol na ang tawag. Poor connection ang dahilan kaya agad na naputol ang linya. "Sh*t!" Inis na hampas niya sa manibela ng kotse. Ngayon ay nasa kawalan siya at hindi alam ang patutunguhan. Muli niyang ini-start ang ignition ng sasakyan. Ang tanging naintindihan lamang niya sa sinabi ng ama sa tawag ay ang "sundan mo lang" kung hindi siya nagkakamali. Sa halos dalawang taon niyang hindi nakauwi ay limot na niya ang daan. Halos hindi na nga niya matandaan ang dating hitsura ng kanilang lugar. Hindi pupwedeng bumalik pa siya sa Maynila. Aba sa haba ba naman ng biniyahe nila ay babalik lamang siya at naaksaya ang pagod. 'It's now or never Andrea. Nandito ka na.' Muli niyang tiningnan ang nakalagay na direksyon sa kanyang phone. Isinasaad doon na malapit na siya sa paroroonan. She deep sighed. Kapag wala pa siyang nakitang bayan man lang ay talagang babalik siya sa Maynila. Minaniobra niya ang manibela at muling ipinagpatuloy ang walang kasiguraduhang biyahe. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ SAKAY ng kanyang kinakalawang na blue pick-up truck, Damien was only wearing a white sando shirt na may mantsa pa ng kalawang, at pinaglumaang maong pants at pares ng tig-singkwentang tsinela sa palengke. Kahahatid lamang niya sa kabilang baryo ng inayos na bisikleta ng isa niyang customer at ngayon at pabalik na. Sabay sa paghampas ng ulo ni Damien ang tugtog na kanyang pinapakinggan sa stereo ng sasakyan. '♬♪Oh, thinkin' about our younger years There was only you and me We were young and wild and free...♪♬' Nilakasan niya ang volume ng stereo nang sunod na sumalang ang paborito niyang kanta ng singer na si Brian Adams na Heaven. '♬♪Now nothin' can take you away from me We've been down that road before But that's over now You keep me comin' back for more...♪♬' Kagat-labi pang nag-i-electric guitar kuno siya habang nagmamaneho. "Baby, you're all that I want When you're lyin' here in my arms I'm findin' it hard to believe We're in Heaven..." Kanta niya na may kasama pang paghampas-hampas sa manibela na tila nagda-drums. Sa galing niya mag-mekaniko ng mga sirang bagay ay ang mga customers na mismo ang sa kanya pa ay dumadayo. Bonus na lang na gwapo pa ang mekaniko. Kagat-kagat ang isang piraso ng tangkay ng tuyong palay ay minaniobra niya ang manibela at lumiko. ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ MULING itinigil ni Andrea ang sasakyan sa tabi nang makita ang daan sa kurbada na kanyang lilikuan. Hindi na iyon simentado at lubaklubak pa. "What the heck?" Hindi makapaniwalang usal niya nang makita ang daan. "Seryoso ba 'to?" Muli niyang tiningnan ang waze app. Doon nga ang tinuturong direksyon sa kurbadang iyon. Wala siyang choice kundi ang suungin ang bako-bakong daan. Hinigpitan niya ang pagkakasuot ng seatbelt bago muling pinaandar ang kotse. "This will be a long drive." Naiiyamot niyang wika sa sarili at tinapakan ang gas. ** Sa ilang metro niyang ibiniyahe sa kahabaan ng sira-sirang daan ay halos humalik na ang ulo ni Andrea sa kisame ng kanyang sasakyan. Sa sobrang lubak ng kalsada ay animo siya nakasakay sa kabayo dahil sa sobrang talbog. Naisin man niyang bilisan ang pagpapatakbo ay hindi niya magawa. "P*ta! Nasaan ba ang mayor dito at hindi man lang magawan ng paraan ang daanan?" Naiinis niyang wika habang patuloy sa pagmamaneho. Mahigpit ang kapit ni Andrea sa manibela gayon din sa kanyang seatbelt. Pakiramdam niya ay masusuka na siya sa sobrang alog ng kotse dahil sa lubak-lubak na daan. 'BOOM!' Agad na natapakan niya ang preno nang marining ang malakas na tunog ng pagsabog. "O-oh no..." Tila bigla umahon ang matinding kaba sa kanya. "No... No..." Natatarantang hinubad niya ang seat belt at agad na umibis sa sasakyan. "No... Not the wheels. Not the wheels!" Ngunit agad siyang natigilan nang makita ang flat na gulong sa unahan ng sasakyan. Agad na napuno ng inis ang kanyang ulo at napasabunot sa sarili. "Great!" Putspa naman talaga oh! Napakahilig siyang dikitan ng malas ngayon! Nakapamaywang na tumingin-tingin siya sa paligid at nagbabakasakaling may malapit na bahay roon na maaari niyang hingan ng tulong. Ngunit himala na lamang kung may biglang lilitaw na tao sa gitna ng taniman ng mga mais. Inis na sinipa niya ang flat na gulong ng sasakyan. Sunod-sunod na ang kamalasang nangyayari sa kanya at ngayo'y heto pa at nadadagdagan. Kinuha niya ang phone sa loob ng kotse upang subukang tumawag. Ngunit laking gulat na lamang niya nang malaman na walang signak sa lugar. Now how can she tell her Dad na ngayon ay nasiraan siya ng sasakyan out of nowhere? "P*tsaaaaaaaaaa!" She frustratedly scream. Nag-iinit na nga ang kanyang ulo dahil sa init ay ngayon ay nasiraan pa siya! The only thing she can do ay maghintay ng himala na sana ay may dumaan at matulungan siya. Good thing na lamang at hindi maulan ngayon dahil tiyak na magiging maputik ang daan. Ang problema lamang niya ay ang tirik na tirik na araw at ang gabok sa daan. Naghahalong inis at galit na napabuntong hininga na lamang ang dalaga. Maghihintay na lamang siya na baka sakaling may dumaan din na sasakyan doon. ** Ilang minuto na siyang naghihintay sa mainit na lugar na iyon ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring dumaraan maliban sa mga ibon na nagliliparan sa himpapawid. Kung nakakalipad lang din sana siya ay baka nag-ala Darna na siya at lumipad pabalik sa Maynila. Na-check na niya kanina kung may spare tire siyang dala, mabuti na lamang ay mayroon ngunit ang problema ay wala siyang tools. At isa pa ay hindi rin siya marunong magpalit ng tires ng sasakyan. "Dios mio'ng buhay 'to, hanggang saan pa ba ang kamalasan ko?" Singhal niya sa kawalan at bagsak ang balikat na muling napabuntong hininga. Mayamaya ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan mula sa malayo. Agad na nabuhayan ng loob si Andrea at tinanaw ang paparating na sasakyan. It was a blue pick up truck. Agad siyang tumabi sa gilid ng sasakyan at iniwasiwas ang kamay upang kuhanin ang atensyon ng driver. Wala na siyang pakialam kung magmukha na siyang t*nga na iwinawagayway ang kamay sa ere, ang mahalaga ay makaalis sa lugar na iyon. Nang malapit na ito ay mas pinag-igihan pang kumuway-kuway ni Andrea upang mapansin nito. T*nga na lamang ang hindi pa makakapansin sa kanya. "I need help here!" wasiwas niya ng kamay ngunit laking gulat niya nang lampasan lamang siya ng kinakalawang na sasakyan. 'Bulag ba driver nito?' "Ugh! Ugh!" Napaubo siya nang sa paglampas nito sa kanya ay animo sumabog ang gabok sa paligid. 'Bastos!' Nananadya ata ang driver nito. "May problema ba miss sa kotse mo?" Tanong ng baritonong boses na nakapagpatigil kay Andrea. It sound very deep... and masculine. Sa paglingon niya ay nakita niya ang lalaking aakalain mong modelo sa ganda ng pustura at katawan. He's tall, very tall and masculine. Nakita niya ang asul na pick up truck na nakaparada sa hindi kalayuan. Malamang ay ito ang nagmamaneho niyon. Kinalma niya ang sarili at tumigil sa pag-ubo. "Y-Yes there is." Diretso niyang wika. Nilagpasan siya nito ng tingin at lumapit sa kanyang kotse. Sinuri nito iyon na animo eksperto sa mga sasakyan. 'Aba, hindi man lang humingi ng tawad!' Himutok ng kanyang isipan. Matapos siya nitong palanghapin ng gabok ay hindi man lang nito nagawang humingi ng tawad sa kanya. Nais niya mang sumbatan ito ay hindi niya magawa. Baka umalis pa ito at hindi siya tulungan. Nagtaka pa si Andrea nang hindi siya nito makilala. Hindi ba nito alam na artista siya? Oh well, may mga tao pa pala na hindi siya namumukhaan at nakikilala. Habang tinitingnan nito ang gulong ng kanyang kotse ay nagkaroon ng pagkakataon si Andrea na suriin din ito. He's wearing a white sando shirt making her to see his very manly arms at ang napakatikas nitong pangangatawan na halos bumakat na ang malapad nitong dibdib sa suot nitong sando. He's also wearing a faded jeans tied with a black leather belt and a pair of red rubber slippers. His jaw was so sharp at ang baba nito ay napakamatikuloso kung titingnan making hik more attractive. He has a pair of thick brows and lashes making his eyes intimidating. Napakatangos ng ilong nito na kino-complement ang manipis nito ngunit mapupulang labi. His auburn hair look so soft na tila may sariling buhay na sumabay sa bawat pagdampi ng hangin. Mukha itong banyaga dahil wala sa mukha nito ang pagka-Filipino. Sa lahat ng lalaking nakita niyang nakasando, ito na ata ang pinakamalakas ang appeal at may pinakamagandang pangangatawan na nakita niya. "Butas na ang interior ng gulong mo kaya ka na-flat-an. May spare tire ka bang dala?" Tanong nito at muli siyang binalingan. Bigla ay nakaramdam ng consciousness si Andrea sa paraan ng pagtitig nito. His eyes was so mesmerizing to the point that she feels like she's drowning into different world. "Miss?" Muling nabalik sa kanyang katinuan si Andrea. "Ah... oh I have my spare tire but i don't have any tools. Kung meron man, I don't know how to do it." Aniya. 'My God Andrea! Nakakahiya ka! How could you even fantasize that man!' Pagalit niya sa sarili. Nahuli pa siya nitong tinititigan amg lalaki! "Mekaniko ako, kayang-kaya kitang tulungan." May pagmamalaking wika nito sa kanya at kinindatan siya. 'Pake ko?' Gusto sana niyang itugon ngunit dahil kailangan niya ng tulong nito ay isasantabi niya ang pa-tsansing-tsansing nito. "Great. Kukuhanin ko lang ang spare tire." Sabi niya at dali-daling pumunta sa likod ng sasakyan upang kunin ang isa pang gulong. 'Pero in fairness malakas ang karisma ng isang ito.' Amin niya sa sarili. Hindi niya maikakaila iyon dahil totoong malakas ang appeal nito kahit na ang suot lamang ay sando at lumang maong. "Tulungan na kita." Nagulat pa si Andrea nang bigla na lamang sumulpot ang lalaki sa kanyang tabi. Kinuha nito sa kanya ang gulong dahilan ng hindi sinasadyang pagkakadaiti ng kanilang kamay. Biglang nabawi ni Andrea ang kamay niyang nadikit dito nang may maramdaman na kakaibang elektrisidad na dumaloy mula sa kanya. Maski ito at nagulat at tila naramdaman din ang enerhiyang iyon. Ngunit binaliwala nito iyon at walang kahirap-hirap na binuhat ang gulong. Isinara na niya ang compartment at bumalik sa unahan. 'That was weird...' "Teka lang at titingnan ko sa sasakyan ko kung may dala akong tools." Anito at bumalik sa nakaparada nitong sasakyan. Hinawakan ni Andrea ang kanyang kamay kung saan sila nagkadaiti. Kakaibang elektrisidad ang naramdaman niyang dumaloy sa kanya nang magdikit ang kanilang balat. Hindi masakit ngunit nakakakiliti. Napalingon siya rito nang muli itong magbalik nang walang dala. "Naku paano ba 'yan miss? Hindi ko dala ang tool box ko." Andrea brushed her hair with her bare hand. Mukhang mauunsiyami pa ang pagtulong nito sa kanya. "Ganon ba?" Dismayado niyang ani. "Teka, saan ka ba papunta at baka pwede kitang maihatid?" Agad na napakunot ang noo ng dalaga. Is he offering her a ride? Nilingon niya ang kinakalawang nitong pick up truck sa 'di kalayuan. It looks really old at sa tingin niya'y itulak lamang ito ay magigiba na. No. She's not going to ride that old truck. "Kung nagdadalawang isip ka dahil mukhang galing junk shop ang sasakyan ko, nasisiguro ko sa'yong mas matibay pa 'yan sa mga barko sa dagat." Anito nang mapansin na tinitingnan niya ang sasakyan. Well, wala siyang magagawa. Gusto na rin niyang makaalis sa lugar na iyon. But... Tiningnan niya mula ulo ang hanggang paa ang lalaki. Wala sa mukha nito ang gagawa ng masama dahil mukha naman itong matino. "Kung duda ka sa'kin, hindi ako masamang tao." Kapagkuwa'y sabi nito. "Wala akong sinasabing ganiyan." Pagtatanggol ni Andrea sa sarili at nag-iwas ng tingin. "Wala nga, pero sa ikinikilos mo halatang duda ka. Sa dami ng nakakakilala sa'kin dito, imposibleng gumawa ako ng krimen... P'wera nalang kung ikaw. Baka ikaw ang krimenal." Anito at aliw na aliw na tinitigan siya mula talampakan hanggang mukha. Nanlalaki ang matang lumayo dito si Andrea. 'Siraulo ba 'to?' "Biro lang," tawa nito at ngumiti. "Sasabay ka ba o hindi? Papahapon na rin at bibihira lang ang mga sasakyan na dumadaan dito." Tumingin sa paligid si Andrea. Ayaw na rin niyang manatili pa nang matagal roon dahil mukhang hindi safe. "But how about my car? Hindi pwedeng iwan natin ang kotse ko rito." Baka mamaya ay may mga masasamang tao at chop-chopin ang kotse niya at ibenta ang mga parts. She can't lose her car dahil matagal niya iyong pinag-ipunan. "Huwag kang mag-alala at pagdating doon ay magpapadala ako ng tao para ayusin ang kotse mo at ihatid sa inyo." "And how can I make sure na maibabalik sa akin ang kotse ko ng buo?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya rito. "Ibibigay ko sa'yo ang numero ko." Anito at may kinuha sa bulsa at inabot sa kanya. Isang maliit na piraso ng papel iyon na may nakasulat na numero. "Number ko 'yan. Nagpa-load kasi ako kanina." Tiningnan niya iyon. Oo nga dahil may nakalagay pang 'UTP15' sa dulo. Pagak na napatawa ang dalaga. 'This is so ridiculous.' ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ LULAN ng kinakalawang na pick up truck, panay ang hampas ni Andrea sa kanyang mga binti dahil sa mga lamok na kumakagat sa kanya. Kanina pa siya hindi mapakali dahil sa gabok din na dumidikit sa balat niya. Naisin niya mang isara ang bintana ay sira naman. "God! I didn't imagine na sasakay ako sa ganito!" Pabulong niyang usal at muling naghampas sa kanyang binti. "Sino ba naman kasi ang matino ang magsusuot ng ganyan sa ganitong lugar?" Marahas na napalingon siya sa nagmamaneho. "Do you have any problem with my clothes?" Kunot noong baling niya rito. "Wala. Nagsasabi lang na dapat nagsuot ka ng mas disente." Anito habang ang mga mata ay nananatiling nakatutok sa bako-bakong kalsada. "What? Do I look undecent with this?" Tukoy niya sa kasuotan. Matino naman siyang tingnan kumpara nga dito na animo galing sa kalakalan. "This is my body, my style, at wala ka nang kinalaman doon." Wika niya at pinahid ang nanlalagkit na leeg dala ng init at alikabok. "Ang sa akin lang, alam mo naman na pupunta ka sa ganitong lugar na mainit, malamok, maalikabok. Sana man lang nagsuot ka ng alam mo na mapo-proteksyonan ang katawan mo." Kambyo nito sa manibela. She comb her hair sideways. "Pwede ba mister? Kung wala kang ibang sasabihin kung hindi panunumbat, magmaneho ka nalang." She frustratedly cross her long legs at humalukipkip. Kung alam niya lang na ganito pala ang dadanasin niya ay sana hindi na siya pumayag pang sumabay pa rito. Naiwan pa tuloy ang kotse niya sa gitna ng maalikabok na kalsadang iyon at baka bukas o makalawa niya pa muling makita. Ang tanging dinala niya lamang ay ang mga bagahe na ang laman ay mga gamit at ilang personal na bagay niya. "Heto." Abot sa kanya nito ng isang polo shirt. "Anong gagawin ko d'yan?" Nandidiring tiningnan niya ang inilalahad nito. "Itakip mo sa binti mo para hindi ka kagatin ng lamok. Sayang pa naman 'yang kakinisan mo kung puro ka pantal." Sandaling napatitig si Andrea sa lalaki. She can sense care in his voice. Tintigan niya ang ibinibigay nitong polo. 'Gentle man rin naman pala itong mokong na 'to.' "Kunin mo na. Isang beses ko pa lang nagagamit 'yan." Sabi nito habang ang isang kamay ay nasa manibela. "Hindi ako nag-iinarte okay?" Hinablot niya mula rito ang polo. "Wala akong sinabi, ikaw ang nagsabi niyan." Ngisi nito at nagpatuloy sa pagmaneho. Halos magsalubong na ang kilay ni Andrea na minatahan ang katabi. Kung hindi lamang siya tinulungan nito ay baka tinadyakan na niya ito palabas ng sasakyan. 'Kaunti na lang talaga... baka na 'ko makapagtimpi pa sa lalaking 'to.' "Argh..." Nanggigil na usal na lamang niya at ibinalot ang binti sa ibinigay nitong polo. In fairness, mabango ang polo at hindi amoy pawis. Actually mas nalalanghap niya ang natural male scent nito sa polo. Agad na naipilig ni Andrea ang ulo. 'Hold yourself Andrea!' ** Makalipas ang ilang oras na biyahe ay tumigil ang sasakyan. Nasa entrada na sila ng isang exclusive subdivision. "Why did we stopped?" Untag ni Andrea at sinilip ang nasa labas. "Nandito na tayo." Kinalas nito ang pagkakaauot ng seat belt at bumaba ng sasakyan. "Finally!" Tila kaginhawaang agad na umibis na rin ng sasakyan si Andrea. Naabutan niya ang lalaki na ibinababa ang mga gamit niya. Kinuha niya ang maleta at isinukbit ang isang bag. "Are you sure na dito na 'yun?" Tanong niya at tiningnan ang paligid. She wore her Chanel glasses at inayos ang pagkakasukbit ng bag. Nasa b****a pa lamang sila ng isang exclusive subdivision. "You sure na ito yung address na ipinakita ko sa'yo?" Ibinaba nito ang huling maleta mula sa sasakyan. Kitang-kita ni Andrea kung papaano mag-flex ang mga muscle nito sa bawat paggalaw ng katawan nito. Wala sa sariling napalunok siya. Lumingon sa kanya ang lalaki. "Oo ito na 'yon. Anastasia hindi ba?" Tukoy nito sa pangalan ng subdivision. Napakurap-kurap na umiling-iling si Andrea. 'The heck is wrong with you? Parang hindi kana nasanay na makakita ng magagandang katawan. In fact mas marami pang ngang mas maganda pa d'yan ang katawan na nakatrabaho mo.' Iniwas niya ang mata rito. Tiningnan niya ang phone at tsinek kung tama ang lokasyon. "I mean the exact location. E nasa entrance pa lang tayo ng subdivision." "Exactly. Hindi na kita maihahatid pa sa loob dahil bawal na ang ganitong uri ng sasakyan sa loob ng subdivision." Tukoy nito sa kinakalawang na pick up truck. "What? So hahayaan mo akong maglakad bitbit ang lahat ng 'to?" Tiningnan niya ang mga dalang gamit. Sa dami niyon ay hindi niya kakayaning mag-isa bitbitin lahat iyon. Ngayon ay binabawi na niya ang sinabi kanina na gentle man ito. "Oy pare!" Sabay silang napalingon nang may pampasaherong jeep ang tumigil sa gilid nila. Wala na itong sakay na pasahero. "Naihatid mo na ba yung bike ni Badong?" Ani ng driver. "Oo, kakahatid ko lang." "Nays! Dumadami na customer natin ah. Kanina ka pa doon hinihintay jina Rico. Uy sino 'yan?" Turo kay Andrea ng driver ng jeep at sinipat pa siya. "Gerlpren mo? Ganda ah." Nanlaki ang mata ni Andrea na ipinaglilipat ang tingin sa dalawa. "He's not my—" "Sige pare, kita na lang tayo mamaya." Putol sa kanya nito at nagpaalam sa tsuper ng jeep bago ito muling umarangkada. "Sige pre!" "What the hell?" Kunot na naman ang noo na tiningnan ni Andrea ang lalaki ngunit tinalikuran lamang siya nito. "Sige na miss, mauna na ako sa'yo, may mga naghihintay pa sa'kin." Muli itong sumakay ng sasakyan. "Si kuya guard na bahala sa'yo, 'di ba kuya Pot?" Senyas nito sa guard na nagbabantay sa guard house. "Sige Mien, ako na bahala dito kay miss ganda." Tango pa ng guard. "Pa-kumusta na lang ako kay aling Nina at Patricia." Muli nitong binuhay ang makina. Inilabas nito ang ulo sa bintana at tumingin sa dalaga. "Tawagan mo nalang ako para makuha mo iyong kotse mo." Kindat nito at umarangkada paalis. Napaubo si Andrea nang malanghap ang usok ng sasakyan. "Ugh! Ugh!" Tinakpan niya ang ilong at bibig. Iwinasiwas niya ang kamay upang itaboy ang masamang hangin. "Ah miss ganda, saan po ba ang punta ninyo?" Lapit sa kanya ng guard. Ngunit natigilan ito nang makita siya nang malapitan. "A-artista k-kayo 'di ba?" Halos lumuwa ang mga mata nito at hindi makapaniwalang sinipat pa siya. Ibinaba ni Andrea ang suot na salamin sa ilong. "You know me?" "Opo! Idol na idol po kayo ng anak ko! A-andrea... Andrea Del Juanco po tama?" Halos magtatatalon ito sa tuwa. Napangiti si Andrea. "Yes I am, sir." Tango niya rito. "Naku, Potpot nalang po ma'am. Pwede po bang magpa-picture at makakuha ng autograph ninyo? Tiyak na matutuwa ang anak ko kapag nalaman niyang nakita ko ang idol niya." Wika nito at abot tainga ang ngiti. "Sure po." Dali-dali nitong inilabas ang phone sa bulsa at nagpa-picture sa kanya. "Maraming salamat po ma'am. Hali po kayo at doon po tayo sa guard house maghintay." Tinulungan siya nitong dalhin ang iba pang mga gamit upang dalhin sa guard house. "Kayo po ang anak ni Mr. Del Juanco 'di po ba?" Tumango ang dalaga at naupo sa isang monoblock. "Sige po ma'am at tatawagan ko lang po si sir para masundo kayo rito." Tahimik na pinagmasdan ni Andrea ang paligid sa labas ng bintana. Ang huling natatandaan niya sa lugar ay wala pa ang mga magagandng lupa at bahay ang naroon. Dati ay puro mga sakahan at taniman. Ang mga kapitbahay nila dati ay puro mga magsasaka at tanging bahay lamang nila ang nag-iisang pinakamalaking mansion na naroon. Tanda niya pa noong bata siya ay lagi siyang kasakasama ng ama at ina tuwing lilibutin nila ang buong lugar sakay ng isang jeep type na sasakyan upang bisitahin ang mga magsasakang nagtatanim at nag-aani sa kanilang lupain. Ngayon ay napakalaki ng pagbabago sa lahat. Wala na ang malawak na bukirin na dati ay puno ng mga palay at ngayon ay napalitan ng mga naggagandahang mga bahay at landscape ang lugar. Wala naman siyang problema roon dahil mas nagmukhang maganda ang lugar. Ang ama niya ang nagmamay-ari ng lupaing iyon at malamang noong nawala ang kanyang ina ay itinuloy nito ang plano na pagpapatayo ng exclusive real estate sa lugar. "Nakausap ko na po si Mr. Del Juanco, maghintay na lang daw po kayo rito para sunduin kayo." Ani ng guard sa kanya. "Sige kuya, salamat." Ngiti niya rito at binuksan ang phone. Kinuha niya ang papel na may numero sa bulsa at ini-register ang numero sa contact niya. Sandali siyang natigilan nang may maalala. 'Ano ngang pangalan ng lalaking 'yon?' Sa buong oras na magkasama sila kanina ay hindi pala sila nakapagkilala sa isa't isa. Ni-hindi niya natanong ang pangalan nito at ang tanging ibinigay lamang sa kanya ay ang numero. Pinagmasdan niya ang papel na hawak. Ngayon ay paano niya ito matatawagan upang makuha ang kotse? kung sa gayon ay hindi niya alam ang pangalan ng gwapo at antipatikong mekaniko. Napasimangot siya. Nasa lalaki pa naman ang susi ng kanyang kotse. Nilingon niya ang nakatalikod na guard. Naalala niyang tinawag nito ang lalaki na "mien". 'Mien?' Ewan niya ba kung pangalan ba iyon ng tao o aso. Nakakahiya ring magtanong sa guard ng pangalan ng lalaki at baka isipin pa nitong may gusto siya roon. 'Over my gorgeous body. Hindi bababa ang standards ko pagdating sa lalaki kahit pa na ibalandra niya ang ulalam niyang katawan sa'kin. No.' ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ IPINARADA ni Damien ang sasakyan sa tapat ng volcanizing and repair shop na pinapasukan niya. Kinuha niya ang polo shirt sa katabing upuan at isinuot. Nalanghap niya ang mabango at mahalimuyak na amoy sa kanyang polo. He's sure na hindi iyon ang pabango niya dahil mas amoy pambabae iyon. Naalala niya ang babaeng tinulungan kanina. Dumikit sa kanyang polo ang malabulaklak nitong halimuyak na nagpagising sa kanyang diwa. "Damien!" Naagaw ang kanyang pansin nang tawagin siya ni Rico, isa sa mga kasamahan niya sa trabaho. "Akala namin hindi ka na naman pupunta." "Pwede ba naman iyon?" Lumapit siya sa lamesa at naupo sa isang bangkito. Nag-aya kasi ito na mag-inuman upang i-celebrate ang pagka-promote nito sa trabaho. "Aba, hindi pwedeng ikaw lang ang napo-promote sa atin. Biruin mo anim na buwan ka pa lang dito pero ginawa ka kaagad na manager ng shop ni boss." Anito at tinagayan siya sa maliit na baso ng alak. Tinanggap iyon ni Damien at inisang lagok ang laman. "Ahhh..." Nanuot sa kanyang lalamunan ang init na dala ng alak. "Nasa sipag lang 'yan." "Palibhasa kasi ikaw, may inspirasyon." Tawa ni Glenn, ang tsuper ng jeep na nakasalubong niya kanina. "Oy! sino 'yan? Wala kang sinasabi sa amin ah." Pabirong suntok sa kanya ni Rico sa balikat. "Hindi ka maniniwala sa nakita ko kanina pare, ang ganda ng kasama nito kanina!" Pagbibida pa ni Glenn at inakbayan siya. "Magtigil nga kayo. Wala iyon, tinulungan ko lang kanina kasi na-flat-an ng gulong sa daan." Kumuha siya ng pulutang pipino sa lamesa at isinubo. Naalala niya ang naiwang kotse ng dalaga. "Nga pala... Tonton!" Tawag niya sa isang tauhan sa shop. "Ano po iyon manager?" "Puntahan mo iyong kotseng naiwan sa may lubak na daan. Isama mo si Cholo at magpatulong kang palitan yung sirang gulong niyon." "Sige po, kukuhanin ko lang po ang tool box at tatawagin si Cholo." Paalam nito. "Naks naman! Ano ba, customer pa ba iyan o special service na?" Kantyaw sa kanya ni Rico. Napailing na lamang si Damien sa mga kaibigan. "Tinutulungan ko lang iyong tao okay? Kayo talaga..." Sinalinan niya ang sariling baso at ininom. "Sooows! Ikaw pa ba? E sa lakas ng karisma mo, lahat ng babae dito sa atin e may gusto sa iyo." Tawa naman ni Glenn. Damien shook his head with disbelief. Aware naman siya sa mga babaeng nagpaparamdam sa kanya but he was just being friendly with them dahil ayaw niyang makasakit ng damdamin ng kahit sino. Kaya sa simula pa lamang ay nililinaw na niya sa mga ito na hanggang pagkakaibigan lamang ang maibibigay niya. Gusto niya munang magfocus sa sarili dahil nais niyang mas kilalanin pa ang sariling kakayahan. "Ano namang pangalan niyon?" curious na tanong ni Rico. "Ahh..." Sandaling napaisip si Damien. "I forgot to ask her." "ANO?!" Sabay pang ani ng dalawa. Napakamot na lamang si Damien sa batok. Nakalimutan niya ngang itanong ang pangalan nito kanina. "Y*wa! Sa lahat ba naman ng pwede mong makalimutan, iyong pangalan niya pa talaga!" Napapadyak pang sabi ni Glenn at tila nanghihinayang. Napatawa na lamang su Damien. Muling rumihistro sa kanyang isip ang magandang mukha ng dalagang kasama niya kanina. There was really something with that woman na hindi niya mawari kung ano. Kanina, nang magkadaiti sila ay may naramdaman siyang kakaibang elektrisidad na dumaloy sa kanya. A very mysterious feeling na hindi niya maipaliwanag. Habang pasimple itong pinagmamasdan kanina ay hindi niya maikakaila na napakaganda nito. She has this very smooth white skin na aakalain mong perlas sa karagatan na napadpad sa kadalampasigan. Her beauiful eyes was full of emotions na kung tititigan mo ay para kang hinihipnotismo. Her voice was full of power at the same time so very siren na animo ika'y inihehele kung papakinggan. She has a very petite and sexy body na kahit sino ay lilingunin. Her black wavy hair smells like a flower bloom in the morning. Kung pagsasama-samahin ay napakaperpekto nito. Kumpara na lamang sa kamalditahan nito ay aakalain niyang si Maria ito na muling nagbuhay-tao. 'Pero hindi e, imbis na si Maria ay mas bagay dito si Medusa.' She's like a tigress. But he admit that tigress is indeed a beauty. She seem very familiar. Parang nakita na niya ito sa kung saan. 'What was her name again?' Napatawa siya sa sarli. Sa lahat ng pwedeng makalimutan, ang itanong pa talaga ang pangalan nito ang nakaligtaan niya. Dinukot niya sa bulsa ang susi ng kotse nito na ibinigay sa kanya. It has a small branch of a tree as keychain at may nakaukit sa gitna. 'Andrea...' Usal ng kanyang isipan sa pangalan na nakaukit doon. 'Andrea huh?' Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Damien at napatango-tango. He trace the name scarved on the keychain with his thumb. Sa dami ng tulong na ginawa niya rito, ni-hindi ito nagsabi ng "salamat" sa kanya at pinagmalditahan pa siya. Kung gayon, tatanawin niya iyong utang na loob sa kanya ng dalaga. "Manager aalis na po kami." Paalam ni Tonton hawak ang isang toolbox kasama si Cholo. "O heto," Inihagis niya rito ang susi. "I-drive n'yo ang kotse pabalik dito sa shop. Ingatan n'yo mahal 'yon." "Masusunod manager." Ani ng dalawa at sumaludo pa sa kanya bago umalis. Hindi maitago ni Damien ang ngiti sa labi. Ngayon ay may dahilan pa siya upang muli silang magkita... At singilin ito ng utang na loob. Nagsalin siya sa baso ng alak at ininom. 'Sapat na siguro ang isang halik sa pisngi galing sa kanya...' Kagat ang labi at nakangising inisang tungga niya ang laman ng kupita. "Andrea..." Itutuloy... ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡ Hope you enjoyed! Don't forget to vote★ and leave a comment~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD