"Natatakot ako, pa'no kung nawala lang tong nararamdaman ko sa kanya kasi, hindi ko na siya nakikita?"
"Hay naku baka mamaya umiyak ka dyan, bumaha pa."
"Tsk. Ikaw talaga, alam na alam mo kung pano sirain ang moment, nag-eemote ang tao dito eh."
"Haha! Masanay kana, ikaw kasi. Just go with the flow, wag mong hayaang manatili ka sa past mo."
"Alam ko naman yun. Chingu?"
"Hmm?"
"Salamat ha? You're the best of friends ever."
"Nandiyan ka rin naman palagi para sa 'kin eh. Sige, ibababa ko muna to ha? May pinapagawa pa kasi sa kin dito. Alam mo na, ako raw kasi ang bunso."
Natawa ako sa sinabi niya. Panigurado sobrang taas na naman ng kilay nito. Feeling niya raw kasi ginagawa siyang alila sa bahay nila.
"Haha. Sige, pagbutihan mo nalang ang gawaing-bahay mo."
" Chingu naman eh."
"Haha. Oo na, ingat ka ah."
"Ikaw din. Bye!
Napangiti nalang ako. Siya ang bestfriend ko, Bea, chingu tawagan namin, korean term for friend. Hindi na namin ni-search ang korean ng bestfriend. Haha. Magkaibigan kami since high school kaya lang lumipat sila sa Batangas kaya medyo nagkahiwalay kami but we still keep in touch. I can say I have good and real friends kaya nga ok lang sa kin na "there is no man in my life" kasi may mga kaibigan naman ako na kahit bilang na bilang lang sila, sigurado naman akong hindi nila ako iiwan. I'm so overwhelmed to have them, lalung-lalo na siya.
"Lex!"
"Oh? Bakit parang nagmamadali ka?"
Lumapit siya sa bench na kinauupuan ko.
"Bakit naman hindi? 42nd Founding Anniversary kaya ngayon ng WU. Teka, wag mong sabihing hindi mo alam?"
Natahimik nalang ako.
"Hay naku. Tara na nga, mag-ikot naman tayo first time kong makakakita ng mga booths eh. Akala ko sa mga rumors ko lang 'to maririnig. Naeexcite ako!! " -Ree
Sinamahan ko nga siya, gusto ko rin naman kasing makita yung mga pakulo ng mga estudyante rito at tulad niya, hindi rin ako nakakakita pa ng mga ganun.
"Ayun din pala sina Casey. Casey!"
"Kayo pala, grabe alam niyo ba yung nangyari kanina? Nakaapak ako nung bilog na—ano ulit tawag dun? Ah basta, grabe buti nalang may pera akong dala para makatakas dun. Kinabahan ako dun ah."
Nasa likuran nila ako habang nag-uusap sila. Nagmamasid kasi ako para makita yung mga booths.
"Ate, naapakan mo."
"H-ha?"
Asan na ba si Ree? =_= Iniwan ako. Nagpapasama tapos, nauna naman sa 'kin.
"Ate, nakaapak ka."
Ano bang pinagsasabi nito? Teka baka naman nakatapak ako ng tae? Napaangat ako ng paanan ko. Napansin ko ring may dala siyang handcuffs. Medyo nagpanic ako mukhang alam ko na kung ano ito. -_- Bakit hindi ko ito napansin? Eh kakukwento palang ni Casey tungkol dito. Tsk.
"Magkano ba ang bayad para makawala?"
Buti nalang narinig ko ang sinabi ni Casey, at nalaman ko ang gagawin ko.
"Magbabayad kayo agad ate? Maghintay po muna kayo, baka gwapo po ang makasama niyo pag nagkataon."
Makukulong lang may kasama pang gwapo?
"Hay naku bata, ayoko. Magbabayad nalang ako. Magkano ba?"
"Sige po, kayo pong bahala. 30 pesos lang po."
Medyo nabilaukan ako dun. Sana naman kasya tong perang dala ko. Hindi naman kasi ako ganun kayaman para magbitbit ng malaking pera. Dahan-dahan akong dumukot sa bulsa. =_= Guess what? Sinakto lang yung pera ko. Wala na tuloy akong ipangkakain nito.
"Salamat ate!"
-_- Hindi ko na pinansin, sumama lang ang araw ko. Umalis na ko nang mapansin ko si Ree na pabalik sa 'kin. Nakita niya sigurong hindi na ko nakasabay sa kanila.
"Lex, napano ka?"
Hindi ko siya pinansin. Drama muna nang konti, iniwan ako eh.
"Uy, anong nangyari? Bakit parang inis ka?"
"Iwan mo ba naman ako eh. Sinong hindi maiinis nun? Muntik pa tuloy akong makulong dun sa booth, buti nalang may dala akong pera."
"OMG! Bakit ka nagbayad? Nagpakulong ka sana."
"Tsk. Sino bang may gustong makulong sa Jail Booth?"
"Alam mo bang para sa marriage booth yun?"
"Ha?"
"Kung sinong makaapak nun, ikukulong tapos maghihintay ka ng may makaapak uli sa isa sa mga maliliit na styro na nilagay nila sa daan kasi siya ang makakapartner mo sa date! At ikakasal kayo sa marriage booth!"
-
-
"Tapos?"
"=_= Nakalimutan ko, kahit pala malaman mo yun, hindi ka papayag. Kj ka pa naman. Halika na nga maglibot nalang tayo at baka sumakit pa ulo ko sa 'yo."
T_T Kahit na, naubos ang pera ko dun. Nakakasakit ng puso na hindi ko yun nabili ng pagkain.
-
-
-
-
"Lex!"
Wag kang lilingon. Yung kumag lang yan. Kumag na nakakadagdag ng stress.
"Lex!"
"Ano?!"
"Ang init na naman ng ulo mo, makikisabay lang ako. Wala kasi akong kasama eh."
"Magpaalam ka kay Ree wag sa 'kin."
"Rianna, pasabay ako ah?"
"Sure! ^_^"
"Salamat! Oh, pumayag na siya."
"Psh."
"Ayan ka na naman sa mga expressions mo. Alam ko na! Itreat nalang kita ng snack ngayon kapalit ng pagsama ko sa inyo. Payag ka na?"
Nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko pinahalata siyempre baka lumaki ang ulo nito.
"Hmm. Sige, andito ka na rin naman saka pumayag naman na si Ree. May magagawa pa ba ko?"
"Sus! Palusot pa eh."
"Lexon, tumahimik ka dyan kung ayaw mong bawiin ko yung mga sinabi ko."
"Opo, Miss Alexa."
Hinabaan pa talaga yung opo niya.
"Bilisan nga natin nahuhuli na tayo. Baka mamaya niyan kung ano na naman yung sumalubong sa daanan. Wala na kong pera para makatakas."
Matapos naming tumingin-tingin sa iba't-ibang booths na sobrang nakakapanibago sa 'kin, tinupad naman ni Lex---on yung sinabi niya. Buti naman ^_^ nagutom talaga ako eh, nakalimutan ko na rin yung nangyari kanina dun sa booth. Mas bawi naman pala.
"Lex, samahan mo naman ako dun sa isang booth may bibilhin lang ako please?"
Sabi niya nang matapos niya kaming itreat. At bilang pasasalamat na rin, pumayag ako. Habang naglalakad kami, hinawakan niya yung braso ko at hinook sa arms niya. -_- Nagmukha tuloy na mag-ano kami. Mahilig niya 'tong gawin sa iba kaya hindi na 'ko magtataka, ewan ko sa trip niya. Ang problema lang kung makita ako ng girlfriend nya, kung meron man, at magkaroon ng giyera dito. Pinabayaan ko nalang siya, alam niya namang hindi ako yung type ng tao na palasalita pag wala sa mood.
"Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato dumaan man ang maraming pasko."
Habang bumibili ng souvenirs si Lexon sa booth nakuha ng mga kumakanta ang atensiyon ko. Hmm,, ito pala yung sinasabi ni Ree na Marriage Booth. Maraming nanonood at naghihiyawan habang nagbibigay kuno ng vow yung guy sa babae.
"Inggit ka?"
Napatalon ako ng kunti.
"Haha. Masyado ka namang seryoso dyan."
"Ewan ko sa 'yo. Tapos ka na ba?"
"Oo, eto oh. Para sa 'yo.."
"Ano yan?"
"Hindi ba to halatang bracelet at kelangan mo pang tanungin kung ano ito?"
"=_= Pilosopo."
"Haha. Para sa 'yo yan kasi may nakasama ako ngayong araw."
"Sa iyo na lang yan. Nakakahiya na, nilibre mo na nga kami eh."
"Sige, pag hindi mo to tinanggap, babayaran mo yung mga kinain niyo kanina."
"Sabi ko nga tatanggapin ko na."
"^_^"
"Wag kang ngingiti-ngiti dyan baka mabatukan kita."
"Tss. Eto naman."
Nauna na siyang maglakad pabalik sa mga kaklase namin. Pero bago pa yun—
"Lexon."
Lumingon naman siya.
"Bakit?"
"Salamat."
Ngumiti siya at sabay na kaming tumungo kina Ree. Matapos nun, kunting kwentuhan lang at nagsiuwian na kami. Medyo nauna nga lang akong umuwi, may kanya-kanya kasi silang pupuntahan. Wag kayong mag-alala may pera ako para sa pamasahe. Nakatabi na yun, takot ko na lang siguro na hindi makauwi. Hayss. I always don't expect anything exciting na dadating sa buhay ko. I know that my life would forever be boring, what else is new? Wala. Patuloy lang ang buhay but walang thrill pagdating sa ibang aspects maliban lang sa studies ko. Wala naman akong sinisisi dun, there would always be a perfect place and a perfect time for it. I won't wait kasi dadating naman yung "kulang" na yun, just can't predict kung kelan. Nagpatuloy na ko sa paglalakad ko nang...
"'Yung bracelet, asan na!?"