"Ouch!"
" 'Yan kasi! Kung saan-saan ka kasi nakatingin eh, sino ba kasi yang tinititigan mo? Kanina pa ko kwento nang kwento, wala naman sa 'kin ang atensiyon mo. Hoy! Ano ba?! "
Tsk! Nawala na tuloy =_=
" Seriously, Lex? Sino ba yang parati mong sinusundan ng tingin? "
" H-huh? Anong parati ka dyan? Ngayon lang naman ah. "
" So, inaamin mo rin na nakatingin ka nga. "
" Hay naku, tama na nga yan. Hindi naman importante tong pinag-uusapan natin eh. Tara na, at gusto ko nang umuwi. "
Name's Alexa Peterson from Cavite. My friends prefer calling me Lex, medyo weird kasi parang lalaki ang dating but anyway, I'm used to it. Sorry but I'm not actually good at describing myself. Besides, you'll know me better, later.
" Ano palang balak mo after ng klase natin tomorrow Saturday? " tanong sa 'kin ni Rianna habang naglalakad na kami papauwi.
" Magmumukmok sa kwarto? "
" Kahit kelan ang kj mo talaga. "
" =_= Nagtanong ka eh. At isa pa masaya sana palagi ang weekends kung wala lang yang salot na Saturday classes. "
" Wala kang magagawa eh required yun sa mga freshmen students sa college. Ienjoy mo na lang, bonding time na rin kaya yun ng lahat ng freshmen. Malay mo may mameet ka pang new friends. "
" Oo na, alam ko namang pinapagaan mo lang ang loob ko. "
" You're welcome! Hihi! "
" O, palagpas ka na sa bahay niyo. Masyado ka namang na-attract sa kin at hindi mo napansin. "
" Ay, kapal. Haha. Sige, ingat ka ha? Mauna na ko sa iyo. "
At pumasok na nga sa bahay si Ree, yes that's what I'm used to call her. Minsan, sabay na kaming umuwi kasi nadadaanan naman namin ang bahay niya bago ako makasay ng tricycle pauwi. Hmm.. medyo madilim na ah. Ang tagal kasi ng sermon ng teacher namin sa last subject. Pano kasi pinagsarhan ng pinto si sir kanina ng mga loko-lokong kaklase naming boys nang papasok na siya sa room namin which is ang next class niya -_-. Ang lalaki kasi ng mga topak, binigyan tuloy kami ng instant quiz, tsk. Parang mga high school kasi kung umasta.
Nang paliko na sana ako sa malapit na parking area ng mga sasakyan, may nakatapat akong grupo ng mga boys, mga anim ata sila, who cares anyway--- nagtago muna ako sa sulok. Hindi pa naman nila ako napansin. Nakakatakot kaya, maggagabi na at walang tao dito sa dinaanan ko kaya mahirap na. Pero napako ang mata ko sa kanya, siya na naman. Sabi na nga ba eh. Siya yun. Yeah. Siya yung sinusundan ko kanina ng tingin. Mula pa nang unang pagpasok ko sa university na ito, scratch that-simula pala nang mag-enrol ako rito, parati ko na siyang nakikita. Ano bang meron yang lalaking yan at parang may nararamdaman akong kakaiba? Para kasing kilala ko na siya, but sa totoo lang, I know nothing about him, I don't even freakin' know his name.
" Teka, san ba tayo pupunta? "
Tanong nung isa nilang kasama, yikes. Some of them are smoking! Turn-off =_= I really hate seeing smoker guys, they give me creeps. O_O Pati siya? Haist. Humarap pa siya banda dito! Ewan ko ba, for a hundred times that I saw his face palagi pa rin akong nagugulat. Kinakabahan ako, pano kung nakita niya ako!? Hindi naman ata may harang naman dito sa pinagtaguan ko. Makalayas na nga at baka makita pa nila ako at maisip nila na sinusundan ko sila at kainin ako nang buhay. -_- I'm so paranoid.
" Kayo? Sasama lang naman ako--- "
"Loko ka pre! Ikaw nag-aya sa'min dito!"
Those are the last words I heard. Atleast kahit papano mukhang hindi naman sila yung type ng mga boys na gagawa ng masama, I hope? Buti na lang at nakaalis ako nang hindi nila nakikita, sana.
.
.
.
.
.
Sumakay na ko ng tricycle, ready for another day of my college life. Ayokong maglakad kasi malayo ang bahay namin sa university na pinag-aaralan ko. It takes 30 minutes pag sumakay ng trike, ano pa kaya kung lakarin yan?
" WU (double u) po ako. "
Oh, may kasabay pala ako papunta dun. Nasa harapan siya katabi ng driver's seat kaya hindi ko napansin kung sino. Pero mukhang alam ko naman na kung sino eh kaya hindi na ko mag-aabalang tingnan. WU short for Wilholm University, public na univ hindi naman kami mayaman.
" Lex! "
" Bakit? "
Nandito na ako sa gym, madami na rin kami na nandito at maingay syempre kasi wala pa ang prof.
" Pwede ba ako magpaturo? ^_^ "
" Ng ano? " tipid kong sagot.
" Sige wag na nga lang. Mukhang ayaw mo naman eh. :3 "
" Tigil-tigilan mo nga ako Lex, tinatanong ka na nga kung ano eh. =_= "
Napansin kung lumingon-lingon siya. Paniguradong manloloko na naman to.
"Kinakausap mo ba ang sarili mo?"
"Tsk, alis nga!"
"Oo na! Pikon naman nito."
That's Lexon, Lex din ang tawag sa kanya sa klase namin. Minsan nalilito ako kung sino ang tinatawag nila sa 'ming dalawa dahil sa kanya. Dapat kasi Lechon nalang ang binansag sa kanya. -_- At kung hindi ako nagkakamali, siya ang nakasabay ko sa tricycle kanina. Sa parehong street kasi kami nakatira at kabisado ko na rin ang boses niya. Ok, napapahaba na naman ata ang kwento ko.
"Uy Lex, lumalabas na naman yang pagka-nagger mo."
Sita sa akin ni Sherma, kaklase namin.
"May sinasabi ka?"
"Wala naman. Hehe^_^V"
Sanay na sila sa akin pag ganyan ako, it was their first impression sa 'kin nung first day of class. Ang taray ko raw tingnan pero, narealize naman nilang hindi nung nakilala na nila ako. Pero minsan kasi lumalabas yung inis ko without any reason, wala naman akong dapat kainisan, ewan ko ba. Hindi naman ako ganito dati, I'm actually a hyper and friendly person and quite talkative. Nadala lang siguro ako sa takot na baka may mambully sa akin pag nalaman nilang hindi ako yung type ng taong palaban kaya hindi ko nilalabas ang good side ko. But actually these persons around me are not bad. They are all nice pero syempre not all the time.
Nasabi ko bang Saturday ngayon? My bad, Saturday ngayon kaya sa gym ang klase. There, I said it.
Inikot ko ang tingin sa katapat na bleacher. *sighs* Ayun na naman siya. Napakalayo ng distance namin and imagine na one thousand plus kami na andito na mga freshmen students pero nahuhuli ko pa rin kung nasan siya. Is it the cap that he always wears o alam ko lang talaga kung saan yung fave spot niya that he always wants to sit on? I hate myself that I always take a glimpse on him; I just can't stop myself from doing that.
T-teka, nakatingin ba siya dito? Pakiramdam ko kasi oo eh. Pero patigasan na ng ulo pero hindi ko aalisin ang tingin ko. Imposible namang mapansin niyang nakatitig ako, ang layo naman ng distansiya. At marami ang tao dito baka sa iba siya nakatingin.
*After two and a half hours*
Ang sakit na ng paa ko >__>. Pumasok na ulit kami sa building, ano naman kaya ang gagawin?
Hmm. May estudyanteng pumunta sa harapan, I guess isa siya sa mga assistants ngayon ng prof. sino ba naman ang kakayanin ang 1,000+ na estudyante tapos isa ka lang na aasikaso sa kanila di ba?
" Before anything else. I would like to greet a friend of mine a happy birthday! "
At nagpalakpakan naman kami saka pumunta sa harap ang birthday girl, medyo nahihiya pa nga, nagulat ata.
" Oh, Shira it's your time to make a request since birthday mo ngayon, pagbibigyan kita. "
Whoah, nakipagsabayan na rin ang prof namin.
" Ma'am, alam ko ang gusto niya! A slow dance with Zic! Ayeee!! "
Sino naman kaya yun? Mukhang hindi naman sikat.
" OMG! Si Zic, isa kaya yan sa mga heartthrob sa isang university! Kilalang-kilala yan lalong-lalo na sa mga tsismosa. "
Okay, my mistake. Atleast hindi ako isa sa mga tsismosa. Pacute pa yung girl, halata namang gusto niya. KJ talaga ako pagdating sa mga ganyan, ang haharot kasi nung iba. -_- Kung makasigaw parang sila ang isasayaw.
" Uy, may boyfriend yan. "
Sabi nung isa kong kaklase.
" Ah, yun bang isasayaw niya? "
" Hindi kaya, actually andito yung boyfriend niya. Ayun oh. Nakalimutan ko nga lang yung name nung guy. "
At dahil sa mukhang sali na rin naman ako sa usapan, eh lumingon din ako para silipin kung sino. What on earth!!? Yung lalaking yun na naman?! Pinaglalaruan ba talaga ako o ano?
" Eh, ang landi naman pala. Ayun yung bf niya, bakit sa iba siya nagpapasayaw? "
" Malay ko, wala naman akong nabalitaang nagbreak sila o kung ano. "
Napasulyap na naman ako sa kanya. Medyo hindi siya nakikinig, tahimik siya at kinakalikot niya lang yung cp niya. Nasasaktan ata yun eh. Sino bang hindi di ba? Makita mo ba naman gf mo na gustong isayaw yung iba kaysa sa yo. Pero bakit siya nagc-cp? Bawal dito yun ah. Tsk. Sigawan naman ang mga tao, ang sakit ng tenga ko!! Ugh, isa na lang, Tingin ulit, this time nakatingin na siya dun, the two started dancing. Slow dance. Wait, ngumiti naman siya? Yung tipong nakikisabay na rin sa iba? Mukhang hindi naman peke yung pinapakita niya. Wait, who cares anyway?
At yun nga matapos lahat ng kaek--ekan, pinauwi na rin kami sa wakas. I can't believe na sa unang tingin ko lang sa kanya nung nag-enrol ako sa university na to eh tuluy-tuloy ko na siyang makikita. Di ba, usual lang naman na may iba't-ibang faces kang makakasalubong araw-araw? But for goodness sake, iba to! Four times a week ata nakakasalubong ko siya eh! To think na magkaiba pa kami ng collge kasi hindi ko naman siya nakikita sa building namin. Ugh! Sino bang makakalimot pag ganun?
----- puzzled_emo -----