"Okay! Ganito ang mechanics ng game. Bale bibilang tayo ng 1 hanggang 13 alternate. Yung 11 ay jack, 12 ay queen, at 13 ay king, yung 1 syempre yung A. Tapos alternate din tayong magda-draw ng isang baraha na hawak natin habang nagbibilang. Pag nagmatch yung nidraw na card tapos yung number, lapag mo agad kamay mo sa drawn cards. Yung last na makalapag talo. Gets?"
Tumatango lang siya habang pinoproseso ang instructions ko. Nakaupo sya sa bandang gilid ng kama ko ngayon, malaki naman tong kama. Yung baraha naman pumapagitna sa amin. Anong ginagawa namin? Heart attack card game. Tinuturuan ko siya, kanina ko pa sya kinukulit na maglaro. Hahaha ito libangan namin nina Ree kapag vacant class, quiet lang kayo tungkol dun.
Hindi pa naman daw siya aalis kaya naisip ko na maglibang nalang muna kami. Buti dinala ni Ree itong cards.
"And the consequence?"
Tanong niya after nyang magets.
"Consequence? Hmm, ah! Pitik sa noo. Hihi."
"Tsk so lame."
"Hoy! Anong lame? Nakakatuwa ito pramis. Ano bang gusto mong consequence?"
Nagshrug lang siya, walang clue.
"It's your game anyway so nevermind."
Nirub ko ang palms ko, getting ready.
"Humanda ka, swerte ako sa larong ito."
"Really? We'll see about that."
Sabay smirk. Aba, talaga lang ah?
-
-
-
-
-
-
"Four!"
Ibababa ko na sana ang kamay ko sa cards pero nauna na naman siya.
"Ang daya naman eh! Bakit ikaw na naman!?"
"*smirks* I told you."
He rolled up his sleeve na may nakakalokong ngiti. Katakot. T.T Ang dami na niyang panalo. Nakakadalawang pitik palang ako sa noo nya.
"Hihi, D-drey can you spare me this time? Ang sakit na ng noo ko."
Sabi ko habang nakapout sabay rub ng noo ko. Masakit na talaga ang noo ko. Feeling ko sobrang pula na neto T.T
Bigla siyang lumuhod papalapit sa akin at umakmang pipitik kaya napapikit ako. Pero to my surprise hindi masakit yung pitik nya this time. I half opened may eyes. Yun na yun?
"Let's stop this game. It's already clear who the winner is."
Tsk. Yabang.
"Oo na. Ikaw na."
Niligpit ko na ang baraha. Nagring uli ang phone niya. Message. Binasa nya yun saka binulsa ang phone.
"Xha (sha) I have to go."
I stiffened at humarap sa kanya.
"Ano kamo? Anong Xha?"
Lex naman tawag niya sa akin ah bat naging xha? Anong trip neto? Nagkibit lang sya ng balikat saka naglakad paalis.
"Hoy! Tinatanong pa kit----"
Errr... Sinara na nya yung pinto. Loko yun san nya napulot yung Xha? Wala pang tumawag sa 'kin ng ganun. Bahala nga siya!
---------------------------
"Ay palaka! Mamaa!!!"
Nagulat ako nang biglang may humawak ng kamay ko sa gitna ng tulog ko. Napaupo ako bigla sa sobrang kaba. Asdfghjkl! Multo?! Imposibleng may bisita ako kasi anong oras na!? Madilim kaya hindi ko makita pero sigurado akong lalaki.
"Sino yan!?"
Pataranta kong tanong.
"Lex! Si Zic eto. Sorry nagulat kita."
Nataranta na din sya habang nagsasalita. Zic? Nicheck ko yung wall clock kita naman ang oras kahit madilim. Magwa-one oclock na ng madaling-araw.
"Zic? Anong ginagawa mo dito? Anong oras na ah?"
"Sorry. Akala ko makakahabol pa ko sa birthday mo. Natagalan din ako sa byahe."
Umupo siya sa kama. Binuksan ko naman ang lamp sa side table at lumapit sa kanya. Dahan-dahan kong nilapat ang palad ko sa pisngi niya. Nananaginip ba ko? I smiled. Siya nga. Kinuha nya ang kamay ko na nasa pisngi niya at binaba ito para hawakan.
"Nakuha mo ba yung regalo ko?"
I nodded.
"Nasa harap ko na siya ngayon."
Yung ngiti niya abot tenga. Pansin ko na medyo stressed sya tingnan. Ilang days na ba sya nagpupuyat at ang laki ng eyebags niya?
"Kamusta ka na? Yung paa mo?"
"Okay lang ako Zic. Tingin ko ilang weeks nalang makakalakad na uli ako nang maayos."
Nagkwento siya sa mga ganap sa company nila. Need daw ng tulong niya sa pagrun ng business ngayon kasi yung father niya ay nasa ibang bansa ngayon para sa proposal na balak nilang ilaunch internationally.
Habang nagkukwento siya kung ano-anong pumapasok sa isip ko kaya hindi ako makafocus sa sinasabi niya. Tulad ng, pagsagot ko sa kanya. Kasi ngayon talaga dapat ang balak ko, I mean sa birthday ko. Sa mga pagkakataong eto bigla-bigla nalang akong mag-oopen pero buti napigilan ko. Hindi ko alam kung bakit pinag-iisipan ko pa ito.
Pero...
Yung pagpunta nya palang dito, napakalaking bagay na nun. Kahit sobrang busy naglaan pa rin sya ng time para lang makarating. I know I'll be making the right decision.
This is it...
-
-
-
-
"Zi----"
*rings*
"Hello Shira? Bakit?"
I stiffened.
"Tumawag sa akin si tito. You need to pack up na daw. Nakalimutan mo na ba na may trip ka pa to Palawan for the huge business deal?"
Dinig ko ang convo nila. Di ko naman sadya tho naka-off ang speaker ni Zic, malinaw ang sinasabi sa kabilang linya.
"Yes I know that. Thanks for telling me. Bye."
He suddenly dropped the call and faced me.
"M-may trip ka?"
Ngayon ko lang narealize na hindi niya pa nababanggit yung tungkol sa pagiging business partner nila ng family ni Shira. Saka close na si Shira sa daddy ni Zic, tito pa nga tawag nya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng selos.
Tumango siya.
"Siguro mga 3 araw ako dun, babalik din ako. I just came here to see you. I missed you."
Mas lumapit siya at hinawakan ulit ang mga kamay ko.
"May sinasabi ka kanina?"
"I missed you too."
Ang lapad ng ngiti nya. Mami-miss ko tong view na to for 3 days. :(
"Zic"
"Hmm?"
I looked at his eyes intently.
"Sinasagot na kita."
Nakipagtitigan lang siya, pinoproseso yung mga sinabi ko hanggang sa makuha niya.
"Sinasagot mo na ko?"
Ngumiti ako at tumango. Yung ngiti nya ngayon kita ko hanggang sa mga mata niya. Niyakap nya ko yung sobrang higpit, hindi nakakasakal ramdam ko ang pagmamahal. I hugged him back.
"I love you."
I added. Kumalas siya sa pagkakayakap namin. He cupped my face and looked me in the eyes. He slowly leaned closer and so I closed my eyes until I felt his lips on mine. Mabagal, punong-puno ng pagmamahal, ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Mas diniin niya ang labi niya sa akin hanggang sa tuluyan kaming maubusan ng hininga.
"I love you, too."
He whispered as we both broke the kiss. I smiled and hugged him so tight.
--------------------
"Nak dito ka na muna sa baba na kwarto matutulog para hindi ka mahirapan."
"Sige po ma."
Inikot ko ang tingin ko sa bahay. Haist. Nakakamiss to. I'm back at last. Naka-crutches na ko ngayon, kelangan ko na din masanay gamitin to lalo na't papasok na ko bukas.
"Magpahina ka na. Naayos na namin ng papa mo ang mga gamit mo dun."
"Okay po."
Pumasok na ko kwarto. Nakakatuwa naman. Kung ano ang ayos ng mismong kwarto ko ganun din ang setup sa magiging kwarto ko sa ngayon. Napatingin ako sa gilid na table kung nasan ang mga paper bags na nagkalat. Teka, ito yung mga pinamili namin ni Lexon sa mall. Buti naisalba to. *o* Speaking of which, hindi ako binisita nun ah. Aba, masyado na ba siyang naaabala kay Camille nya?
Napansin ko naman yung phone sa table ko. Hmm, pano to dalawa na ang phone ko? Oh well, gagamitin ko nalang yung bigay sa kin ni Zic. ^_^ Kinuha ko yung sling bag na ginamit ko sa field trip at nilagay sa loob ang luma kong phone. Hindi ko na muna siguro to gagamitin, hindi ko maaatim na gamitin ito dahil maaalala ko lang yung nangyaring earthquake.
Binuksan ko ang cabinet saka tinago duon ang sling bag ko.
"Hello?"
Sagot ko nang magring ang phone ko. Sino naman kaya to? Unknown number eh.
"Hello Lex?"
"Lexon?"
San naman kaya neto nakuha ang numbe ko? Sure ako dun sa isa lang sa taltong girls.
"Wow! Nakilala mo agad? Hahaha"
"Nagawa mo pang tumawag ah? Ni hindi ka nga bumisita sa hospital."
"Uy anong hindi? Binisita kita ah. Nung wala ka pang malay. Hindi na nga lang ako nakabalik nung gumising ka na. Tampo ka naman agad."
Akala ko hindi na siya bumisita eh. Haha
"Buti naman. Napatawag ka?"
"Yung mga pinamili natin sa QC nakita mo na ba? Ako nagdala nyan dyan. Ako pa naghakot nyan ah."
I raised my eyebrow. May emphasis pa eh.
"Oo na. Salamat."
"Kelan balik mo sa WU?"
"Bukas na. Kaya ko namang maglakad."
"Good. Makikita na ulit kita. Wala akong maasar dito eh."
"Che!"
Natapos din agad ang tawag dahil may gagawin pa daw siya. Sabi pa niya may good news daw siya at sasabihin nya nalang pagbalik ko ng school. Ano naman kaya yun? Daming pakulo. Haist.
Namiss ko bigla si Zic. Wala pa kong natatanggap na message mula sa kanya. Nagpaalam naman siya na mabi-busy siya ngayon. Naextend ang business trip nya sa palawan kaya hanggang ngayon hindi pa siya nakakabalik. Hindi naman ako nagtatampo dahil araw-araw kaming nagkakausap pagkatapos ng work niya, mapa-text, chat, vc. Lahat na eh. Hahahahaha. Hayyy matext nga! ^_^
Good morning babe. Nakauwi na ko samin. :) Don't skip your lunch ah. Love u.
Oh, sya yung nangulit sa akin na babe na tawagan namin. Hindi ako pinatahimik nyan kaya pumayag na ko. Ayoko sana kasi ang cliche pero, yun naman ang gusto niya kaya okay na din sa akin. Haha.
Buti naman nakauwi ka na pala. I won't skip I promise. I miss you. I love you babe.
Ayiiieee. Kinikilig akooo!!! Sana kayo din may jowa. Hahahahaha.
-
-
-
-
-
-
"Omg girl! Magkwento ka!!! Daliii!"
Andito kami ngayon sa mall sa starbucks. Nagpunta pa talaga ang mga ito sa bahay para makagala daw kami bago ako bumalik ng WU. Ayon, nakwento ko na sa kanila na sinagot ko na si Zic.
"Ano pang ikukwento ko eh yun na yun?"
Sagot ko sabay sip sa iniinom ko.
"Eh yung kay Shira? Di ka nagseselos?" -Casey
Muntik na kong masamid pero umayos din agad ako.
"Hmmm, aaminin ko nagselos ako. Pero... may tiwala naman ako kay Zic. At saka diba nga, business naman ang pinag-uusapan kung tungkol sa kanila kaya yun lang yun."
Tumango-tango lang sila.
"Ako kay Drey ako. Kayo ba?" -Ree
"Kay papa Zic ako. Ano bet mo?" -Kira
Aba!!! Kung magpustahan tong mga ito parang wala ako dito. Mga sirang ito!!
"Hoyy!! Anong bet bet? At bakit nasali si Drey dito??"
Umirap si Ree.
"Ay naku girl, akala mo hindi namin nahuli yung moments nyo ni Drey ah." -Ree
"Anong moments dyan?"
"Asuuss, isa yung sa bus." -Casey
"Dalawa, yung sinundan mo sya palabas ng resto. Pansin namin yun. Kami pa." -Kira
I frowned na parang guilty.
"Napansin nyo yun?"
Tumango sila. Synchronized pa talaga. Hindi ako nakatakas sa mapanghusga nilang tingin.
"Wag nyo nga akong tingnan nang ganyan!"
"So hindi mo idedeny?"
"Hindi. Saka wala namang masama dun. Sabihin nalang natin na " medyo" naging ka-close ko na si Drey. Tulad nung kay Lexon diba?"
"So close na kayo?"
"Oo."
Sagot ko pero deep inside hindi ako sure.
"Malaki ang utang na loob ko kay Drey. Isa pa siya ang gumastos ng lahat lahat nung nasa hospital nila ko."
"True. Hindi na yan big deal kay Drey noh. Mayaman naman sila."
Nilapit ko ang mukha ko kay Casey na parang ini-examine ang mukha nya.
"What?"
"Umamin ka nga, pano mo nalaman lahat ng yan?"
Nakakapagtaka lang kasi. Siya din ang nagsabi sa akin tungkol sa pagmamay-ari ng pamilya ni Drey ang ospital, na may kapatid daw siya ganto ganyan.
"Hehe. Uhm, stalking? Kasama ko kaya si Kira."
Siniko siya ni Kira.
"Ahh, ang galing. Kayo lang na dalawa? Hindi nyo man lang kami sinabihan?" -Ree
"Eh wala pa kaming nakakalap noon kaya hindi na muna namin sinabi. Hihi" -Kira
"Ano pang nalaman nyo liban sa nakwento nyo?"
Napaangat sila ng tingin habang nakahawak sa may baba nila, nag-iisip. Nakakatawa silang tingnan.
"Ahh! Yung Tross' Gang, leader sya nun. Pero, hindi naman confirmed kung totoo."
Tross' Gang? Eh kung meron nga nun malamang sa malamang sya nga ang leader nun. Tross ang surname nya eh. XD Anyways, hindi naman daw sure kung totoo.
After naming magkwentuhan, nag-ikot pa kami saglit. Request ko na yun sa kanila kasi nga gusto kong isanay ang sarili ko na may crutches. Medyo nakakailang kasi ako ang nagpapabagal sa lakad namin pero wala naman yun sa kanila. Nga pala, nagpagupit na din ako, short hair. First time kong magpagupit na hanggang balikat, suggestion nila Ree sa akin. -.-
"Bagay sayo Lex! Promise! Saka magbago ka naman ng look para sa pagbalik mo noh."
Oh well.
------------------------------
"Naks, Lex! Ang ganda ng look mo ngayon ah!"
Here we go again. =.= Tiningnan ko lang sya nang masama. Yung pagkakasabi nya kasi nanti-trip lang. May nilapag siyang notebook sa desk ko.
"Ano yan?"
"Uhm, notebook?"
Inirapan ko sya. On second thought, hindi talaga ako dapat magtampo na hindi sya dumalaw sa hospital nung gising na ko. Baka lalo lang akong mabadtrip. Errr..
"Galing."
"Haha, notes. Ginawan na kita para makahabol ka sa klase. Sulat ko yan mismo."
Sabi nya sabay taas baba ng kilay niya.
"Tsk. Kahit kelan talaga Lexon. Thank you."
Kinuha ko na ang notebook na nilapag niya at pinasok yun sa bag ko.
"Yun! Thank you daw. Kamusta na paa mo?"
Tinaas ko nang kunti ang crutches ko.
"Tingin ko makakalakad na ko in few weeks."
"Okay! Keep it up. Sige Lex upo na ko sa seat ko."
Keep it up!? Iba ang pagkakasabi nya! Lokong yun! Hindi na ko nakaangal kasi mabilis siyang nakaalis sa harapan ko.
"Hay naku Lex. Di ka pa nasanay dun."
Napalingon ako sa tabi ko. Pulang-pula na ang mukha ni Ree halatang kanina pa nagpipigil ng tawa.
"Ano ba Ree? Tigil-tigilan mo nga ako!"
Hinampas ko sya sa braso, sya namang tawa niya nang malakas.
"Ang cute nyo talagang tingnan. Hahahah"
Makapang-asar talaga eh. =___=
-
-
-
-
-
-
Vacant na namin. Yung tatlo iniwan na naman ako. T_T may kanya-kanya daw silang pupuntahan. Hmp. Makapunta na nga sa sunod na klase. Matutulog nalang ako dun. Kinuha ko na ang crutches, backpack at books ko.
Ang hirap nito promise. T.T
"Lex! Ako na."
Si Lexon.
"Gentleman ka pala minsan Lexon? Salamat."
"Magpapasalamat nalang eh."
Lumabas na kami ng classroom. Infairness di na talaga kami awkward sa isa't-isa. Nakakatuwa lang kasi kung iisipin mas naging close pa kami ni Lexon, bilang magkaibigan ah. Mukhang okay na din sya na ganito kami. Sus, if I know may pinopormahan na kasi. Haha
"Lex, sya nga pala."
Nagulat ako nang bigla nya kong akbayan. Sabi ko close pero hindi ganto. Nilapit niya yung mukha nya at bumulong sa akin.
"Nakapasa ako sa screening."
-
-
-
-
Saka ko lang na gets. Yung screening sa publication ng WU. Nginitian ko sya.
"Talaga?? Ayos ah. Pano yan? Ililibre mo na ko?"
Akala niya nakalimutan ko ang sinabi niya ah. Haha
"Oo naman!"
Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin. Sira talaga tong si Lexon.
"Get your hands off her."
********************
puzzled_emo